Tagalog Poems

by Echo Park Community Coalition (EPCC) Tuesday, Jul. 20, 2010 at 5:52 PM
epccla02@yahoo.com 818-749-0272 337 Glendale Bvld. Los Angeles, CA 90026

Magkatabi sa higaan ang dalawang mandirigma, nagtapat ng pag-ibig ang magaling na binata, malungkot na sagot ng nagdadalmhating kasama: "ng mamatay, puso ko'y namatay" at idinatay ng lalaki ang kanyang paa at kamay yumakap sa dalagang nabigla na nagtanong: Bakit ba? "buhayin natin ang namatay mong puso." sagot ng binata. nang mag-init ang katawan, dugo ay nabuhay pati pusong patay tumibok nang masalsal

EPCC NEWS

July 19, 2010

Mga Kwento ng Pag-Ibig

( Sa kanayunan ng Digmang bayan)

J. Luna

1.

Magkatabi sa higaan ang dalawang mandirigma,

nagtapat ng pag-ibig ang magaling na binata,

malungkot na sagot ng nagdadalmhating kasama:

"ng mamatay, puso ko'y namatay"

at idinatay ng lalaki ang kanyang paa at kamay

yumakap sa dalagang nabigla na nagtanong:

Bakit ba?

"buhayin natin ang namatay mong puso."

sagot ng binata.

nang mag-init ang katawan,

dugo ay nabuhay pati pusong patay

tumibok nang masalsal

2.

Itong aktibistang tongo

na gustong manligaw

di makapagtapat sa babaeng minamahal,

nang nakasakay sila sa dyip

paatras mula sa naghahanap na mga pulis,

nagsalita ng di na makatiis:

" kung tumalon na lang kaya ako

dito tutal wala namang sa aki'y nagmamahal."

" Aba huwag" sabi ng kasama

" magtapat ka muna sa akin

bago ka magpakamatay"

3.

Ayaw paligaw ang dalagang-bukid

ayaw daw sa kasamang galing sa lunsod

ayaw daw niya sa presko at mabilis

nang payuhan ng kasamang maikli lang ang buhay

dahil maraming namamatay nang hindi nasagot

aba, kinabukasan, ang gulat ng manliligaw

kaagad na sinagot!

4.

Itong gitaristang deyokanong maginoo

hindi makaporma sa babaeng pinipintuho

alangan daw siya dahil magsasaka lang diumano

nagulat ng hinarana ng deyakonesa pinipintuho

kaya sa loob ng isang gabi, naayos ang butu-buto!



Hulyo 18, 2010

Original: Tagalog Poems