KAWALAN NG USAPANG PANGKAPAYAPAAN :

by PESANTE-USA Tuesday, Jul. 20, 2010 at 11:12 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, Ca 90026

Ayon sa nakalap na balita ng PESANTE BULETIN, dahil sa kawalan ng usapang pangkapayapaan, lalong tumitindi ang labanan sa kanayunan sa pagitan ng AFP at ng NPA. Ayon sa mga balita dumarami ang namamatay sa mga sunud-sunod na ambus at labanan sa pagitan ng NPA at ng mga tropa ng armi sa iba't ibang dako ng bansa. Ayon sa PESANTE Buletin hindi interesado ang kasalukuyang pangulo sa usapang pangkapayapaan at sinusunod nito ang utos ng Amerika na lipulin ang MILF at ang NPA sa pamamagitan ng lakas ng militar at ng diumano'y pang-papaunlad.

PESANTE BULETIN

Hulyo 18, 2010

KAWALAN NG USAPANG PANGKAPAYAPAAN : Matatagumpay na opensiba ng BHB

Los Angeles- Ayon sa nakalap na balita ng PESANTE BULETIN, dahil sa kawalan ng usapang pangkapayapaan, lalong tumitindi ang labanan sa kanayunan sa pagitan ng AFP at ng NPA.

Ayon sa mga balita dumarami ang namamatay sa mga sunud-sunod na ambus at labanan sa pagitan ng NPA at ng mga tropa ng armi sa iba't ibang dako ng bansa.

Ayon sa PESANTE Buletin hindi interesado ang kasalukuyang pangulo sa usapang pangkapayapaan at sinusunod nito ang utos ng Amerika na lipulin ang MILF at ang NPA sa pamamagitan ng lakas ng militar at ng diumano'y pang-papaunlad.

- Sa Bontoc, Mt. Province pitong sundalo ang nilipol ng NPA sa isang ambus laban sa 52nd Recon Coy ng 503rd Bde PA.

Samantala , siiyam na elemento ng kaaway ang napatay at 11 ang nasugatan sa pitong magkakahiwalay na aksyong militar ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) mula Hunyo 18 hanggang Hulyo 2.

Sa Mindanao

- Hulyo 2. Dalawang sundalo ang nasugatan nang makasagupa nila ang mga Pulang mandirigma ng BHB sa Sityo Lawaon, Barangay Baracatan, Toril District, Davao City.

-- Hunyo 30. Dalawang tropa ng 66th IB ang nasugatan nang salakayin ng mga Pulang mandirigma ng BHB ang kanilang detatsment sa Barangay Cambagang, Maragusan, Compostela Valley.

Hunyo 18. Tatlong tropa ng 1105th Police Mobile Group-Philippne National Police (1105th PMG-PNP) ang napatay at limang iba pa ang nasugatan nang salakayin ng mga Pulang mandirigma ng Antonio Nerio Antao Command (ANAC)-Front 15 ang detatsment ng mga pulis sa Sityo Dao, Barangay Poblacion, Cateel, Davao Oriental.

Para tabunan ang kanilang kahihiyan, bulaang ibinalita ng mga propagandista ng PNP-Police Regional Office XI na kanilang nabigo ang pagsalakay ng BHB at nakapatay sila ng limang Pulang mandirigma bukod pa sa tatlong sugatan.

Ang aksyong militar na ito ay isa ring aksyong pamarusa, ayon kay Dyomabuk Kadyawan, tagapagsalita ng ANAC. Malalaki ang krimen ng naturang mga pulis. Sangkot sila sa pagpatay noong isang taon kay Ludenio "Dos" Monson, masugid na kritiko ng mga abuso ng 1105th PMG-PNP sa Boston. Sangkot din sila sa pagpapalaganap ng iligal na droga at pangongotong sa mga komersyal na trak na dumadaan sa detatsment. Maraming beses nang iginigiit ang mga residente na palayasin na ang detatsment.

Matapos ang pangyayari, ibinaling ng mga pulis ang kanilang galit sa mga walang labang sibilyan. Apat ang pinagbubugbog at arbitraryong pinaghahalughog ang mga bahay ng mga pinaghihinalaang sumusuporta sa mga gerilyang bayan, dagdag ni Dyomabok Kadyawan.

Sa Kabisayaan

-- Hunyo 25. Nasugatan ang isang sarhento ng 47th IB na siyang namumuno sa isang patrol base sa Barangay Santo Rosario, Jamindan, Capiz nang maglunsad ng aksyong harasment ang BHB sa ilalim ng Jose Percival Estocada Jr. Command ng Central Front sa Panay. Ang patrol base na ito ay ilang kilometro lamang ang layo sa hedkwarters ng 3rd ID ng Philippine Army.

Bago ito, tinangkang lusubin ng militar noong Hulyo 18 ang pinaghihimpilan ng BHB sa Central Negros sa Sityo Igpapatao, Barangay Tacpao, Guihulngan City, Negros Oriental ngunit sila pa ang nagtamo ng kaswalti. Apat na elemento ng 11th IB at 2nd Scout Ranger Company ang napatay nang makasagupa nila ang mga Pulang mandirigma sa ilalim ng Leonardo Panaligan Command.

Pilit na pinabulaanan ni Col. Maximo Caro, kumander ng 303rd Infantry Brigade, ang kanilang natamong kaswalti sa pagsasabing ang BHB ang nagtamo ng apat na patay at siyam na sugatan. Gayunman, hindi maitatago ng militar na ang kanilang napatay na mga sundalo ay dinala sa Riverside Medical Center sa Bacolod City at ang mga nasugatan ay ipinagamot sa Cebu City, ayon kay JB Regalado, tagapagsalita ng Leonardo Panaligan Command ng BHB.

Sa Luzon

-- Hunyo 24. Sinalakay ng mga Pulang mandirigma ng BHB ang upisina ng Eldore Mining Corp. sa Dumangmang, Labo, Camarines Norte. Dinisarmahan ng mga Pulang mandirigma ang nasorpresang mga pribadong gwardya ng minahan. Ang Eldore Mining Corp. ay isang malaking dayuhang kumpanya na nakabase sa Australia.

Hunyo 23. Dalawang sundalo ang napatay at isa pa ang nasugatan sa pananambang ng BHB sa mga tropa ng 3rd Special Forces Company-1st Special Forces Battalion sa Sityo Bigaan, Mamala, Sampaloc, Quezon. Pabalik sila sa kanilang punong himpilan habang sakay sa isang Lite Ace van nang maganap ang ambus.

Nasa magandang pusisyon ang mga Pulang mandirigma kaya epektibo nilang nasukol ang lumalabang mga pasistang kaaway. Dalawang M26 ang nasamsam ng BHB bago sila umatras. Ang armas na M26 MASS (Modular Accessory Shotgun System) ay kumbinasyon ng isang riple at 12-gauge shotgun at pwedeng ikabit sa istandard na ripleng M-4 o M16 kagaya ng M203 grenade launcher. Ginagamit ito ngayon ng mga sundalong impantri at special operations forces ng US Army.

-- Noong araw ding iyon, isang sundalo ng Philippine Air Force (PAF) ang napatay at dalawang iba pa ang nasugatan nang tambangan sila ng BHB sa Barangay Calantas, Calaca, Batangas. Nakasakay ang mga sundalo ng PAF sa isang motorsiklo.



**********

Original: KAWALAN NG USAPANG PANGKAPAYAPAAN :