Pagsisiyasat sa automated elections, iginigiit

Pagsisiyasat sa automated elections, iginigiit

by PESANTE-USA Wednesday, Jun. 23, 2010 at 4:58 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, Ca 90026

Napagalaman ng PESANTE BULETIN kahapon, Hunyo 21, 2010 na kahit pa igiit ng COMELEC nasaradong usapin na ang kredibilidad ng nagdaang eleksyon, hindi nito maitanggi ang kabi-kabilang mga katanungan at pagdududa sa isinagawa nitong kauna-unahang automated o de-kompyuter na bilangan ng mga boto noong Mayo 10. Ayon pa rin sa PESANTE dahil sa ang pagiging lehitimo ng mga resulta nito, naging tampok sa mga usapin ang panghihimasok ng US sa proseso. Iba't ibang mga organisasyon at institusyon ang humihinging ipagpatuloy ang mga pagsisiyasat sa itinakbo ng automated na eleksyon.

Pagsisiyasat sa auto...
img_3391.jpg, image/jpeg, 1600x1200

PESANTE BULETIN
Hunyo 22, 2010

Pagsisiyasat sa automated elections, iginigiit

Los Angeles-- Napagalaman ng PESANTE BULETIN kahapon, Hunyo 21, 2010 na kahit pa igiit ng COMELEC nasaradong usapin na ang kredibilidad ng nagdaang eleksyon, hindi nito maitanggi ang kabi-kabilang mga katanungan at pagdududa sa isinagawa nitong kauna-unahang automated o de-kompyuter na bilangan ng mga boto noong Mayo 10.

Ayon pa rin sa PESANTE dahil sa ang pagiging lehitimo ng mga resulta nito, naging tampok sa mga usapin ang panghihimasok ng US sa proseso. Iba't ibang mga organisasyon at institusyon ang humihinging ipagpatuloy ang mga pagsisiyasat sa itinakbo ng automated na eleksyon.

Hiling ng CENPEG

Nitong Hunyo 13, iginiit ng Center for People's Empowerment and Governance (Cenpeg) sa mga upisyal ng COMELEC na ibukas ang lahat ng mga dokumento upang makagawa ang iba't ibang grupo ng komprehensibo at independyenteng pagsusuri at pagtatasa sa naganap na automated na eleksyon.

Hinihiling ng Cenpeg ang pagsasapubliko ng di bababa sa 22 mahalagang dokumento kabilang ang source code ng programang nagpapatakbo sa kompyuter na pambilang ng boto, ang ulat ng transmisyon ng mga ito mula Mayo 10, imbentaryo ng mga ginamit na compact flash card pati na yaong binawi at iba pa. Hinihiling din nilang isapubliko ang kontrata sa pagitan ng COMELEC at Smartmatic-TIM.

Naghapag din ang Ibon Foundation ng saligang katanungan kung bakit ipinauubaya ng Comelec at inilagay sa lubos na kontrol ng isang pribadong kumpanya ang pagpapatakbo ng eleksyon.

Ayon sa Ibon, ang paglalagay ng kontrol sa kabuuang proseso ng automated elections sa kamay ng isang pribadong kumpanya ay lumilikha ng malaking bulnerabilidad sa manipulayon at pandaraya.

Batikos ni Sison ng ILPS, Ikinaila ni Pinky Aquino

Ang pinakaseryosong batikos sa eleksyong Mayo 10 ay nagmula kay Prof. Jose Ma. Sison, tagapangulo ng International League of People's Struggle.

Sa isang panayam sa Pinoy Weekly noong Hunyo 5, sinabi ni Sison na anim na linggo bago ganapin ang halalan ay nag-usap-usap na sina Gloria Arroyo, ang US Central Intelligence Agency at kinatawan ng pamilyang Aquino na si Pinky Abellada para lutuin ang resulta ng automated na eleksyon.

Aniya, "May mga palatandaan na sa automated electoral system ng Smartmatic, na kontrolado ng US at mga ahente nila, may naganap na preprogramming para panalunin sina Benigno Aquino III at Jejomar Binay. Halatang kinaltasan ng napakalaking boto sina Manny Villar at Loren Legarda. Sobra at di kapani-paniwala ang biglang pagbagsak nila."

Tulad ng inaasahan, itinanggi ni Abellada, kapatid ng halal na pangulo at ng Malacañang ang akusasyon ni Sison.

Sinabi ni Sison sa isang pahayag nitong Hunyo 12 na sa takdang panahon ay lilitaw ang kanyang impormante para sabihin kung kailan at saan nagkita sina Abellada at Arroyo.

Pero bago niya ito gawin ay titiyakin muna ng impormante ang seguridad niya at ng kanyang pamilya.