John DeLloro: Bayani at Lider ng uring Manggagawa

by Echo Park Community Coalition Monday, Jun. 07, 2010 at 11:48 AM
epccla02@yahoo.com 818-749-0272 1740 W. Temple St. Los Angeles, CA 90026

" Lubos na nakikipagdalamhati ang komunidad ng mga Pilipino-Amerikano sa di-inaasahang pagyao ni John DeLloro,lider mangagawang Pilipino, kagabi, Hunyo 4, 2010 sa Los Angeles. "Nakilala ko si John DeLorro bilang isang organisador ng unyong 399 sa Timog California at masigasig na tagapagtaguyod ng kilusang manggagawa at mga usaping ng Kilusang mapagpalaya sa Pilipinas. Isa siyang namumukod na lider ng komunidad at napakasipag na organisador Pilipino at Asyano.

EPCC NEWS

June 5, 2010

John DeLloro: Bayani at Lider ng uring Manggagawa

Los Angeles-- " Lubos na nakikipagdalamhati ang komunidad ng mga Pilipino-Amerikano sa di-inaasahang pagyao ni John DeLloro,lider mangagawang Pilipino, kagabi, Hunyo 4, 2010 sa Los Angeles.

"Nakilala ko si John DeLorro bilang isang organisador ng unyong 399 sa Timog California at masigasig na tagapagtaguyod ng kilusang manggagawa at mga usaping ng Kilusang mapagpalaya sa Pilipinas. Isa siyang namumukod na lider ng komunidad at napakasipag na organisador Pilipino at Asyano.

Napatunayan ito ng maging pangulo siya ng APALA," pahayag ni Arturo Garcia ng Justice for Filipino American Veterans (JFAV).

"Nalaman ko na isa siya sa mga nagsimula ng Pilipino Workers Center (PWC) noong nasa ilalim pa ito ng BAYAN International-USA noong 1996. Kahit lumipat siya ng ibang gawain di siya lumiban sa mga gawain para sa komunidad.

Sa katunayan, matibay na haligi siya at tagasuporta ng mga isyung Pilipino lalo na ang sa beterano, kababaihan, karapatang pantao at interes ng mga manggagawa ng unyon.

Lubos naming ikinalungkot lalo na sa JFAV at AWARE ang kanyang maagang pagyao ngunit nagpupugay kami sa napakabuluhan niyang buhay at pakikibakang iniaalay sa uri at sa masa." dagdag pa ng JFAV Coordinator.

Para sa dagdag na impormasyon tumawag sa JFAV (213) 241-0906 o magemail sa jfav_us@yahoo.com

Original: John DeLloro: Bayani at Lider ng uring Manggagawa