Analisis sa Eleksyong 2010

Analisis sa Eleksyong 2010

by BANTAY PILIPINAS Sunday, Jun. 06, 2010 at 10:01 AM
bantaypilipinas@yahoo.com 818-749-0272 1740 W. Temple St. Los Angeles, CA 90026

Sa wari dahil nagsalita na ang taumbayan. Tinanggap na ang rebolusyonaryong kilusan ang hatol ng bayan at kinilala ang sintimyentong anti-GMA at maagap na naghain ng mga hamon at kahilingan sa bagong uupong pangulo. Ito ay dapat dahil kailangang singilin ang mga pulitiko sa kanilang mga pangako. Ang malakas na lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang nagtaboy sa mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Palparan, Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza at iba pa. Gayunman nakapanatili sa pwesto ang papaalis na pangulong GMA at ag kanyang mga alagad. Maging ang imperyalismong US ay hindi nakahuma at pumayag na lamang sa kosmetikong pagbabago paara payapain ang nagpupuyos na loob ng masa. Sa labanan ng dalawang departamento, nanalo ang manok ng State Department sa manok ng Depense department sa nakaraang eleksyon.

BANTAY PILIPINAS
Estados Unidos ng Amerika
Hunyo 04, 2010

Analisis sa Eleksyong 2010

Jacinto Luna

Los Angeles---Sa wari dahil nagsalita na ang taumbayan. Tinanggap na ang rebolusyonaryong kilusan ang hatol ng bayan at kinilala ang sintimyentong anti-GMA at maagap na naghain ng mga hamon at kahilingan sa bagong uupong pangulo. Ito ay dapat dahil kailangang singilin ang mga pulitiko sa kanilang mga pangako.

Ang malakas na lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang nagtaboy sa mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Palparan, Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza at iba pa. Gayunman nakapanatili sa pwesto ang papaalis na pangulong GMA at ag kanyang mga alagad.

Maging ang imperyalismong US ay hindi nakahuma at pumayag na lamang sa kosmetikong pagbabago paara payapain ang nagpupuyos na loob ng masa. Sa labanan ng dalawang departamento, nanalo ang manok ng State Department sa manok ng Depense department sa nakaraang eleksyon.

Hindi pa nga nakaupo, binigyan na ng basbas ng Amerika ang kanyang bagong tuta. Hudyat na ganap na ang kosmetikong pagbabago sa Pilipinas.

Walang pagbabagong naganap

Nakonsolida sa pwesto ang may 100 pampulitikang dinastiya. napalitan ng bago ang mga luma at walang nagbago sa sistema kundi ang mga tao at pangalan. Muling aasa ang bayan sa pagbabago. Gayunman ang damdamin ng bayan, ang agos na anti-GMA ang nanaig tulad ng 1986 elections ng patalsikin ng masa si Marcos.

Mayorya pa rin sila Kongreso, may kontrol sa military at pulis at mukhang balak pahirapan ang uupong pangulo. Nakakalungkot lang din na ang mga Marcos ay balik-pwesto dahil sumakay sila sa agos na anti-GMA.

Pagmamayabang ni Erap

Maging si Erap na nag-anti-GMA ay sumegunda pa kay Aquino. Ngunit ang mahigit na limang milyong lamang ni Aquino ay napakahirap ng dayain kahit nang COMELEC. Malayong-malayo sa pagdaya ni GMA kay FPJ noong 2004.

Kaya buong yabang na nagmalaki si Erap na bendikasyon daw na “ wala siyang sala” ang 10 milyong boto ng sambayanan.” Gayung kasalanan ni GMA na kung bakit siya pinatawad at pinayagang kumandidato sa eleksyong presidensyal, Ito ay pagpapakita na tunay na bulok ang sistemang elektoral.

Ang hindi matanggap ni Erap, ay ang pagtalo niya sa San Juan. Tinalo siya ni Noynoy ng 800 boto sa kanyang diumano'y balwarte. Masisisi ba niya ang bayang isinusuka na siya sa kawalanghiyaan?

Balik-Pwesto

Nakabalik din sa pwesto ang mga labi ng rehimeng Marcos at batikang survivors tulad nia Juan Ponce Enrile. Kasama niya ang mga artistang pulitiko na sasakop sa Senado tulad nina Lapid, Revilla . Sotto at iba pang taga-aliw ng madala tulad ni Miriam Defensor Santiago.

Tama ang kilusan sa pagsasabing walang pagabago o mababago dahil sa eleksyon. Nanatili ng may 100 dinastiyang pampulitika sa lahat ng level ng gobyerno kaya dapat pag-bayuhin ng masa ang pakiibaka. Ang eleksyong naganap ay palitan ng ng tao, mukha at persona ng naghaharing uri. Wala itong epekto sa naghihirap na sambayan.

Kontrol pa ring n Imperyalismo ang buong bayan. Sakop pa rin ng mga tropang kao ang dagat at ang lahat ng base military ng AFP sa buong Pilipinas dahilsa makaisang panig na VFA. Tulad saAmerika ng paitan ni Obama si Bush, pinalitan lang ni Noynoy si Gloria. Isang bagol na pareho ang esensya, nagiba lang ang mukha.

Kailangang Magtuwid ang Kaliwa sa kanang tendensya

Halatang halata na hindi matanggap ng kilusang demokratiko na na nalampaso ang sila sa nakaraang eleksyon. Ayon sa pinakahuling bilang No. 24 si Liza Maza at No. 26 si Satur Ocampo. Bumaba din ang BAYAN MUNA sa sa No. 7 at ang GWP sa No. 5 at inaantabayan pa natin ang resulta sa party list na nababoy dahil sa pakikialam ni GMA at ng COMELEC.

Napakahirap kasing ipaliwanag kung bakit kasama sina Maza at Ocampo kay Villar at kay Marcos sa iisang entablado ngayong kilalang mangugulimbat at korupt ng mga ito. Hindi nanalo kahit sa mga kilalang balwarte ng kilusan tulad ng Davao at Manila ang NP-MAKABAYAN

Habang ang tunay na anti-GMA na sina Maza at Ocampo ay di nakaligtas dahil sa pagsama sa barkadahang Villar-Marcos. Sino ngayon ang magsasabing madaling makalimot ang masa?

Dapat sibakin ang mga arkitekto ng alyansa kay Villar/NP at ng demokratikong kilusan. Nangangatwiran pa ang mga ito na naideliver nila ang inaasahan nilang boto. Pero mali na dalawa ang ikinandidato nila sa senado.

Di pa sila natuto sa pagkakamali ng Partido ng Bayan noong 1987 at inulit pa ito. Bale sumuntok sila sa pamamagitan ng dalawang kamay. Walang lakas at walang pag-asa ng panalo.

Kung tutuusin, kung pagsasamahin ang mga boto ng nasa kaliwa at kontra--GMA, mas malaki ang boto nila. Nakapasok sa top 20 sina Hontiveros,General Danny Lim at Col Querobin. Kung pagsasama-samahin ang boto nilaaabot ito ng higit sa 17 milyon kayang mapagpasok ng isang senador.

Hindi dapat isangkalan at ang sipain ay ang mga kadre sa nakababang antas na namahala sa kampang electoral. Dapat magumpisa mula sa itaas ang pamumuna at pagpuna at dapat silang magpakumababa sakanilang pagakakamali.

Kung gaano sila kabilis magdesisyon an manipa ng mga tao sa ibaba, ganoondin sana sila kabilis umaksyon kapag nagkakamali ang mga nasa itaas. Dapat silang bumaba sa kanilang toreng gari at bahay na ginto. Dahil hindi nila dala at hindi sila tagapagmana ng kaban ng tipan ni Abraham sa biblilya. Hindi dapat na ang isinasakripisyo lagi ang mga nasa ibaba tulad ng mga sundalong kanin na pambala sa kanyon.

Marahil kung isa lamang ang ikinandidato nila at nagsarili ang kilusan, disinsana mas respetado pa sila at hindi naging tampulan ng kantyaw ng masa. Sinisisi ng ilang na wala daw sariling makinarya ang MAKABAYAN mula pambansa hanggang sa ibaba.

Pero paanomagkakaroon ng sariling makinarya kung hindi ito hinanda? Lagi na lang pagmay eleksyon napapaghalo ang balat sa tinalupan. Ang mga nakatayo nang grupo tulad ng GWP, ANAK-PAWIS at BAYAN MUNA ang inaasahan din siyang tatatyo para sa MAKABAYAN.

Ang tanong bakit hindi inihanda ang mga ito sa tagal nang panahon. Bakit lagingready made ang inaasahan. Bakit? Dahil ba nasanay na tayo sa pagkain ng noodles o fast food at inaasahan ang paghahanda ay kasing dali ng pagasasama ng mga nakatayo nang organisasyon? Matuto naman tayo sa aral ng nakaraan. Dapat malaman ang masiikhay na paghahanda ang susi ng tagumpay.

Dapat lamang magresign na ang mga makabayang party-list dahil mabababoy lamang sila sa loob ng labangan ng baboy na Kongreso kasama si GMA at kanayang mga baboy na alad sa party-list.

Napakahusay ng kilusan sa paglalagom ng natapos na . pero hirap na hirap na pulso sa kung ano an gusto ng masa. Ito ang problemang dapat mabigyan ng solusyon.

Kundi paulit-ulit lang,problema. Naganap ito sa boykot ng 1986, ang palpak na pagsusuri ng 1992, ang pagkampi kay Erap noong 2003 at itong eleksyon ng 2010.

Dapat na magtuwid ang legal na demokratikong kaliwa! Di lamang sila dapat magpuna kundi dapat silang patalaksin ang mga lideratong mahilig sumabit sa pundilyo ng mga malalaking pulitiko. sa kilusan. Hindi na nila madama ang damdamin ng masa at kontra-agos sila sa nais ng taumbayan!

Doon lamang matutupad ang tunay na pagwawasto!