DVA, UBOD NG SINUNGALING--JFAV

by Justice for Filipino American Veterans (JFAV) Sunday, Jun. 06, 2010 at 9:55 AM
jfav_us@yahoo.com 213-241-0906 1610 Beverly Blvd. Suite No. 2, Los Angeles, Ca 90026

Ubod talaga ng sinungaling ang DVA. Noong 2001, sabi nila may 18,000 na lang nalalabing beterano sa US at Pilipinas. Nang magfile ng claims ang may 41,000,nahuli sila ng nagsinungaling! Pagkatapos, Idineny nila ang may 16,000 veterans.Ngayon sinasabi nilang nagbigay na sila ng 12,000 gayung marami ang umaangal na nagihintay na hindi pa sila nakakatangap ng benepisyo. Ayon sa datos ng JFAV, kulang 4,000 pa lamang sa mga beteranong nasa Amerika ang nakakatangap ng lump sum. Kailan sila titigil sa pagiging bulaan?

JFAV NEWS

Hunyo 05, 2010

DVA, UBOD NG SINUNGALING--JFAV

Los Angeles- Ubod talaga ng sinungaling ang DVA.

Noong 2001, sabi nila may 18,000 na lang nalalabing beterano sa US at Pilipinas. Nang magfile ng claims ang may 41,000,nahuli sila ng nagsinungaling!

Pagkatapos, Idineny nila ang may 16,000 veterans.Ngayon sinasabi nilang nagbigay na sila ng 12,000 gayung marami ang umaangal na nagihintay na hindi pa sila nakakatangap ng benepisyo. Ayon sa datos ng JFAV, kulang 4,000 pa lamang sa mga beteranong nasa Amerika ang nakakatangap ng lump sum. Kailan sila titigil sa pagiging bulaan?

Huling Hui sa Pagsisinungaling

Huling-huling nagsisinungaling ang DVA. Ang masakit tinatanggap ito ng embahada ng Pilipinas na pumapayag na maging tagatrumpeta ng kasinungalingan ng DVA. Masakit na ang dapat magtanggolsa kapwa nila Pilipino ay parang mga MAKAPILI na siya pang bumabanat sa ating mga matandang kababayan!

Noon pa mang 2001, ayon sa PVAO may buhay pang mahigit na 63,000 beterano sa Pilipinas at Amerika Ngunit nagmatigas ang DVA na 18,000 na lamang ang nabubuhay. Kaya sila ang nasunod. Kayat $ 168 milyon lamang ang itinalagang ibigay na lump sum sa mga beterano.

Ang masakit, idineny nila ang claims ng may 16,000 beterano dahil wala daw sa listahan ng Missouri List. Samantalang makisang panig ang sinasabing "Missouri List" dahil nasunog ito noong 1973 at 20% lamang ang naitala sa sinasabing listahan.

Malinaw na atrisyon ang laro ng DVA. Ang patagalin ang paghihintay ng mga beterano. Ang asarin at patayin silang lahat sa paghihintay.

Siempre kapag hindi naibigay ang pera, makakatipid sila sa savings at dahil dito may bonus sila mula sa gobyernong Amerikano na walang pakialam, puso at habag.

Mahusay na panukala, dagdag sa lump sum

Mabuti na lamang sa mga tagapagtaguyod tulad nina Senator Inouye at Akaka na nagpanukalang dagdagan ng $ 67 milyong paubos na lumpsum. May natitira na lamang na 60 milyon sa 168 milyon inilaan para sa lump sum.

Nagpapasalamat ang JFAV at AWARE sa mga tagapagtaguyod na ito sa Kongreso at umasa kayong susuportahan namin ang iyong pagsisikap para sa katarungan at benepisyo ng mga nabubuhay at yumaong beterano..

Kayat makatarungan lamang ang hakbang na isakdal ang DVA sa makaisang panig na rekesito na gawing listahan ng Missouri ang batayan ng pagppamigay ng lump sum.

Itutuloy ng JFAV at AWARE maging ng Migrant Heritage Commission (MHC) ang planong isakdal ang DVA at ipaglaban ang karapatan ng mga beterano at balo/naiwan ng mga beterano.

KATARUNGAN PARA SA MGA BETERANONG PILIPINO!

IPAGLABAN ANG KARAPATAN NG MGA BALO AT MGA KAANAK NG BETERANO!

HUSTISYA, NGAYON NA!



Arturo P. Garcia

Pambansang Tagapag-ugnay

JFAV

Los Angeles, California

Original: DVA, UBOD NG SINUNGALING--JFAV