UTOS NA DOJ PABOR SA AMPATUAN- UTOS NI GMA, TALAMAK NA KAWALANGHIYAAN!

by Pesante-USA Tuesday, Apr. 20, 2010 at 2:54 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, Ca 90026

“ Sagad sa butong kawalanghiyaan!” Ito ang naibulalas ng Philippine Peasant Support Network (PESANTE))-USA na nakabase sa Los Angeles sa desisyon ng Department of Justice Secretary Agra na nagbasura sa kasong murder ng dalawang Ampatuan noong nakaraang Biyernes. Ayon pa kay Arturo P. Garcia ng Pesante “ Maliwanag na utos ito ni GMA at paghahanda ito para pawalang wala ang mga Ampatuan at gamitin ang mga ito lalo na si dating Governor ng ARMM Zaldy Ampatuan na muling mandaya sa darating na eleksyong Mayo 10, 2010” ayon sa PESANTE-USA.

Pahayag ng PESANTE
Contact; Arturo P. Garcia
Email- magsasakapil@hotmail.com
Phone; (213)413-4944 begin_of_the_skype_highlighting (213)413-4944 end_of_the_skype_highlighting

UTOS NA DOJ PABOR SA AMPATUAN- UTOS NI GMA, TALAMAK NA KAWALANGHIYAAN!

Los Angeles- “ Sagad sa butong kawalanghiyaan!”

Ito ang naibulalas ng Philippine Peasant Support Network (PESANTE))-USA na nakabase sa Los Angeles sa desisyon ng Department of Justice Secretary Agra na nagbasura sa kasong murder ng dalawang Ampatuan noong nakaraang Biyernes.

Ayon pa kay Arturo P. Garcia ng Pesante “ Maliwanag na utos ito ni GMA at paghahanda ito para pawalang wala ang mga Ampatuan at gamitin ang mga ito lalo na si dating Governor ng ARMM Zaldy Ampatuan na muling mandaya sa darating na eleksyong Mayo 10, 2010” ayon sa PESANTE-USA.

“ Ang utos ng DOJ secretary ay paglapastangan sa mga biktima ng masaker, ng lahat ng kaanak at sa mamamayang Pilipinong nananalig sa hustisya at pagkakapantay-pantay sa harap ng batas.

Lubos na nagagalak ang PESANTE dahil sa mariing pagtutol ng mga taga-usig o prosecutor ng DOJ laban s autos ng Secretary na ayon sa kanila ay umuupasala sa kanilang gawain at nag-aalis ng natitirang tiwala ng bayan sa DOJ”

Lubos na nakakabahalang ang utos ay ginawa matapos makita ng korte at ng mga tagausig na may “probable cause” para iharap ang kaso at gayung ang kaso ay nasa hukuman. Halatang ay order ng secretaryo ay may lihim agenda na dikta ni GMA.” Ayon pa sa PESANTE.

FAILURE OF ELECTIONS?

“Sa tabas ng kilos ni PGMA, ang kawalang aksyon nitong gawan ng hakbang na tiyaking ligtas ang pagdedeploy ng may 8,000 PCOS machine, ang kawalan ng presupwesto sa gastos ng COMELEC at iba pang hakbang, mukhang may niluluto itong masama sa rerating na eleksyong Mayo, ( kung magkakaroon pa nga ng eleksyon).

Ang pagpapawalang sala sa mga Ampatuan ay isang mabigat na kasalanan ng rehimeng mandhid na at taingang kawali sa mga hinakdal ng bayan. Hindi kataka-taka na magimbita ng krisis at bagong People’s Power ang rehimen na sa tingin niya ay bentahe sa kanya.

Ngunit tulad ni Marcos mabibigo si GMA sa mga pakana niya. Ang sagot ng masa: BALOTA O KALSADA!