LAKBAYAN 2010, PUMASOK NA SA NCR

by Pesante-USA Friday, Jan. 22, 2010 at 11:20 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Balita mula sa Manila, nakapasok na ang LAKBAYAN 2010s at militanteng nagmartsa sa pusod ng National Capial Region ayon sa PESANTE NEWS. Ayon pa sa PESANTE NEWS ,kahapon, Enero 20, dumating sa may south wing ng Alabang, Muntinglupa, Rizal ang grupong mula sa Timog Katagalugan, Visayas at Mindanao. Sinalubong sila ng kulang sa isang libong mga mamamayan ng NCR.

LAKBAYAN 2010, PUMAS...
mendiolamassacreflyer005.jpg, image/jpeg, 2526x3280

PESANTE NEWS
Enero 21, 2010

LAKBAYAN 2010, PUMASOK NA SA NCR

Los Angeles—Balita mula sa Manila, nakapasok na ang LAKBAYAN 2010s at militanteng nagmartsa sa pusod ng National Capial Region ayon sa PESANTE NEWS.

Ayon pa sa PESANTE NEWS ,kahapon, Enero 20, dumating sa may south wing ng Alabang, Muntinglupa, Rizal ang grupong mula sa Timog Katagalugan, Visayas at Mindanao. Sinalubong sila ng kulang sa isang libong mga mamamayan ng NCR.

Samantala ang galing naman sa norte –Cagayan Valley at Ilocos ay sinalubong ng may 500 plus mula sa Camanava area. Nagbuhat sila sa mga bayan ng Ilagan, Baggao, Gattaran atbp.

Magpipiket sila sa Department of Agrairian Reform (DAR.) Umikot ang south wing sa Ayala at may piket sa Cojuangco bldg. ang grupong Lkabayan mula sa Timog. Magtatanghalian sila sa Gabriela Silang monument sa makati City at at saka tutungo sa Edsa shrine at DND Camp Aguinaldo sa EDSA

Hahantong ito sa NHA para sa salubungan. ang galing norte ay may Anakpawis lunch sa Monumento ni Andres Bonifacio sa Caloocan. Saka sila magmartsa patungong DAR sa may Quezon City.

Sa Enero 21, gaganapin ang Solidarity Night at vigil sa DAR. Expected na mahigit 3,000 ang mapapadalo ayon pa sa KMP.

Enero 22, Masaker ng Mendiola, 1987

Sa Enero 22, ang martsa pa-Mendiola. Aabot sa mga 7000 hanggang -10,000 ang inaasahan sasama sa amrtsa ng mga magsasaka. Ayon kay Mayor Alfredo Lim ng Maynila, libre naman daw pumasok sa Mendiola basta huwag lang mag-OD-OP ( Oplan Dikit at Pinta) at magkakalat.

Nais ni General Lim na dating hepe ng WPD maghugas kamay sa Mendiola Massacre. Isinisisi niya kay Gen. Montano ng dating PC ( PNP ngayon) ang pagbira sa mga magsasaka sa Mendiola Massacre noong Enero 22, 1987.

Sa kabila ng karumaldumal na masaker, naipromote ang lahat ng mga may kinalaman dito. Si General Ramos ng AFP ay naging presidente noong 1992, si General Montano ay naging hepe ng PC, si General Rodolfo Biazon ng Marines ngayon ay Senador at si General Lim na ngayon ay mayor ng Maynila.

Ayon sa PESANTE NEWS mataas ang diwang mapanlaban ng mga nagmartsa. Sumalubong ang mga tao sa Monumento at sumama patungong Our Lady of Grace (OLGA) church para dito sila magpalipas ng gabi.

Hunger Strike ng NFSW Sa Bacolod

Ayon pa sa Pesante NEWS sa kabila ng matinding pagod, puyat, puro pawis at halos putok ang mga paa nila pero sige, tuloy pa rin ang LAKBAYAN 2010 hangga't hindi nalulutas ang kanilang problema sa kawalan ng lupa.

Lumabas din sa pahayagang Inquirer ngayon ang ilang interviews sa mga nagmartsa na magsasaka. Ang kanilang istorya-- ang istorya ng paghihirap ng kalagayan ng mga magsasaka at ng bayan. Inaapi, pinagsasamantalahan, hirap at gutom na kanilang dinaranas.

Hindi sila napatigil ng masungit na panahon, ulan at maging sangkaterbang checkpoints na iniharang mula pa sa Surigao hanggang Quezon. may indefinite hunger strike ang National Federation of Sugar Workers (NFSW) sa Bacolod City , Negros..

********