Privilege speech of Anakpawis Rep. Rafael Mariano

by Pesante-USA Wednesday, Jan. 20, 2010 at 11:50 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Anginyo pong natutunghayan ngayon ay ang actual footage, bidyo-dokumentaryo, ng isa sa mga pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng pakikibaka ng uring magsasaka, ang Masaker sa Mendiola na naganap noong Enero 22, 1987. 23 taon na ang nakakaraan nagmartsa ang libu-libong magbubukid sa pangungana ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas upang igiit sa noo’y rehimen ng yumaong Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino, na naluklok sa kapangyarihan sa pamamagitan ng aklasang bayan, ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa. Tunay na reporma sa lupa na ang sentral na layunin at laman ay ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga nagbubungkal. Isang makatwiran, makabuluhan at makatarungang kahilingan ng mga magsasaka sa rehimeng Aquino. Ang kahilingang ito ay sinagot ng rehimen ng magkakasunod na lagitik ng gatilyo’t nagbabagang punglong ibinaon hindi lamang sa katawan ng mga magbubukid kundi maging sa kamalayan at kasaysayan ng kanilang pakikibaka. G. Speaker, mga kapwa kinatawan, labintatlong (13) magsasaka, sina

Privilege speech of ...
al__s_12-10-09_pix_004.jpg, image/jpeg, 1600x1200

Pesante News
Enero 19, 2010

Privilege speech of Anakpawis Rep. Rafael Mariano

G. Speaker, mga kapwa kinatawan,

Anginyo pong natutunghayan ngayon ay ang actual footage, bidyo-dokumentaryo, ng isa sa mga pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng pakikibaka ng uring magsasaka, ang Masaker sa Mendiola na naganap noong Enero 22, 1987.

23 taon na ang nakakaraan nagmartsa ang libu-libong magbubukid sa pangungana ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas upang igiit sa noo’y rehimen ng yumaong Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino, na naluklok sa kapangyarihan sa pamamagitan ng aklasang bayan, ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa. Tunay na reporma sa lupa na ang sentral na layunin at laman ay ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga nagbubungkal. Isang makatwiran, makabuluhan at makatarungang kahilingan ng mga magsasaka sa rehimeng Aquino. Ang kahilingang ito ay sinagot ng rehimen ng magkakasunod na lagitik ng gatilyo’t nagbabagang punglong ibinaon hindi lamang sa katawan ng mga magbubukid kundi maging sa kamalayan at kasaysayan ng kanilang pakikibaka.

G. Speaker, mga kapwa kinatawan, labintatlong (13) magsasaka, sina Kasamang Danilo Arjona, Dante Evangelio, Leopoldo Alonzo, Angelito Guiterrez, Adelfa Aribe, Rodrigo Grampan, Dionisio Bautista, Bernabe Laquindanum, Roberto Caylao, Sonny Boy Perez, Vincent Campomanes, Roberto Yumul, at Ronilo Dumanico ay walang pag-iimbot na nag-alay ng kanilang buhay alang-alang sa pakikibaka ng magbubukid para sa lupa. Pinakamataas na pagsaludo at pagpupugay ang ipinapaabot ng KMP, Anakpawis at ng Kinatawang ito sa mga martir ng masaker sa Mendiola, mga martir ng pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa.

LAKBAYAN 2010 AT MENDIOLA MASSACRE OF 1987

Sa mga sandaling ito, G. Speaker, mga kapwa kinatawan, libu-libong magbubukid mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang nagmamartsang muli sa tinaguriang “Lakbayan ng Anakpawis para sa Lupa at Katarungan.” Nagsama-sama at nagma-martsa ang uring magsasaka patungong Malakanyang upang igiit ang tunay na reporma sa lupa at katarungan..

Bakit kami muling nagma-martsa? Nagma-martsa kaming muli, G. Speaker, mga kapwa kinatawan, hindi para simpleng gunitain ang masaker sa Mendiola. Nagma-martsa kaming muli sapagkat 23 taon na ang nakaraan nanatili, sa katunayan ay sumahol pang lalo, ang suliranin ng kawalan ng lupa, pangangamkam, at pag-masaker sa hanay ng uring magsasaka sa kanayunan.

Nananatiling pito (7) sa bawat sampung (10) magsasaka ang walang sariling lupa. Sa bawat 100 magsasaka, 21 dito ay manggagawa sa agrikultura, 28 dito ay unpaid family workers, 26 dito ay nakapailalim sa iba’t ibang porma ng tenancy relations at 25 lamang ang nagma-may-ari ng lupa sa average na kalahati (1/2) hanggang isang (1) ektarya. Ipinapakita nito ang pagsahol ng katangian at pagtindi sa lawak, lalim, at lakas ang pananalasa’t pangangamkam ng lupang idinulot ng mga programa at patakaran ng pamahalaan laluna sa repormang agraryo at agrikultura gaya ng huwad na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at ang patakaran ng liberalisasyon ng agrikultura.

Eksaktong anim (6) na buwan matapos ng masaker sa Mendiola, noong Hulyo 22, 1987, inilabas ni dating Pangulong Aquino ang Executive Order 229 na naglatag ng mekanismo para sa implementasyon ng CARP. Inilatag nito ang balangkas ng CARP, na isinabatas mahigit isang taon matapos ang madugong masaker, ang isang repormang agraryong nag-exempt sa malalawak na lupain at nagpalakas ng control ng mga panginoong maylupa sa malalawak na lupain na ang direksyon ng produksyon ay nakatuon sa “malayang pamilihan.” Ipinwesto din ng EO 229 at ipinasok sa huwad na CARP ang Stock Distribution Option na ipinatupad sa Hacienda Luisita at nagpatigas nang lalo sa pag-aari’t control ng mga Cojuangco-Aquino sa mahigit 6,000 ektaryang hacienda.

Pangangamkam ng Lupa, Lumalala

Kabi-kabila ngayon ang pangangamkam ng lupa. Ilan dito ay ang Hacienda San Antonio at Sta. Isabel sa Isabela, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, 600,000 ektarya para sa plantasyon ng bio-fuels ng Hapon sa Ilocos, minahan sa Cordillera, mga Ayala sa Timog Katagalugan, kumbersyon ng mahigit 8,000 ektarya ng Hacienda Looc para sa dayuhan, mga maka-panginoong maylupang kasunduang SDO at iba pang joint ventures, at malawakang eksempsyon ng lupa sa Negros, pagmimina, trosohan at malalawak na tanimang pang-eksport sa Mindanao.

Sa ilalim ng kontra-insurhensyang patakarang Oplan Bantay Laya, G.Speaker, mga kapwa kinatawan, pinapaslang, mina-masaker ang mga magbubukid. Sa tala ng Karapatan, umabot na sa 561 ang pinaslang na magbubukid, kung saan 119 dito ay mga lider at kasapi ng KMP. Kabilang dito ang madugong masaker sa Hacienda Luisita noong Nobyembre 16, 2004 na ikinamatay ng pito (7) at ang masaker sa siyam (9) na magsasaka sa Brgy. San Aqustin, sa bayan ng Palo sa Leyte. Dagdag pa, 129 magbubukid ang biktima ng sapilitang pagdukot at hanggang ngayon ay hindi pa inilulutang.

Ang kalunus-lunos na kalagayang ito ng mga magbubukid G. Speaker, mga kapwa kinatawan, ang nagtulak at patuloy na nagtutulak sa libu-libong magbubukid mula sa iba’t ibang panig ng kapuluan upang humugos mula sa kanayunan patungong Kamaynilaan ngayon upang isigaw ang kahilingan para sa lupa at katarungan.


G Speaker, mga kapwa kinatawan, bago ang masaker sa Mendiola at bago pa man naluklok sa kapangyarihan ang dating pangulong itong ipapamahagi ang Hacienda Luisita. Uulitin ko G. Speaker, mga kapwa kinatawan, nang maupo ang dating pangulong Aquino sa poder ay hiniling ng mga magsasaka ang tunay na reporma sa lupa subalit bala ang isinagot sa kanila.

Sa kasalukuyang sitwasyong pampulitika ng bansa at sa harap ng nalalapit na halalang pampanguluhan kung saan isa na naming Cojuangco-Aquino – si Sen. Benigno “Noynoy” Cojaungco-Aquino na diumano’y nangunguna sa karera ang tatakbo – ngayon pa lamang ay hinahamon na ng uring magsasaka si Sen. Aquino at ang sinumang uupo sa Malakanyang na dinggin ang panawagan ng mga magbubukid para sa lupa at katarungan.

Hindi kami titigil sa pagma-martsa. Itutuloy namin ang martsa ng mga martir ng Mendiola, itutuloy namin ang simulain ng makatwirang welga ng mga martir ng masaker sa Hacienda Luisita, itutuloy namin ang paghahanap ng katarungan para sa mga biktima ng pagdukot at sapilitang namin ang pakikibaka ng uring magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa at katarungan. Tuloy ang martsa ng uring magbubukid hanggang sa tagumpay.

Maraming salamat, G. Speaker, mga kapwa kinatawan.


^^^^^^^^^^^^^^^^