We had a server outage, and we're rebuilding the site. Some of the site features won't work. Thank you for your patience.
imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

white themeblack themered themetheme help
About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
latest news
best of news
syndication
commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
printable version - js reader version - view hidden posts - tags and related articles

ABUSO NG MILITAR LUMULUBHA SA SAMAR-LEYTE

by Pesante-USA Tuesday, Aug. 25, 2009 at 12:19 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Ibinabalita ngayon ayon sa mga nalikom na balita ng Pesante New na lumulubha ang paglabag sa karapatang pantao sa mga isla ng Samar at Leyte. Ito ang iniulat ng mga grupong pangkarapatang pantao sa Pilipinas. Ang mga abusong militar diumano ay dahil sa sa sunud-sunod na kabiguan ng militar na puksain ang rebolusyonaryong kilusan sa Eastern Visayas, ipinatutupad dito ng 8th Infantry Division ng Philippine Army (8ID-PA) ang mababagsik na operasyong militar na bumibiktima sa maraming sibilyan.

ABUSO NG MILITAR LUM...
dsc_0070.jpg, image/jpeg, 3008x2000

PESANTE NEWS
Agosto 24, 2009

Paglabag sa karapatang-tao sa Leyte at Samar, Lumulubha

Los Angeles-- Ibinabalita ngayon ayon sa mga nalikom na balita ng Pesante New na lumulubha ang paglabag sa karapatang pantao sa mga isla ng Samar at Leyte. Ito ang iniulat ng mga grupong pangkarapatang pantao sa Pilipinas.

Ang mga abusong militar diumano ay dahil sa sa sunud-sunod na kabiguan ng militar na puksain ang rebolusyonaryong kilusan sa Eastern Visayas, ipinatutupad dito ng 8th Infantry Division ng Philippine Army (8ID-PA) ang mababagsik na operasyong militar na bumibiktima sa maraming sibilyan.

Sa Pulo ng Leyte.

Sa 16 na baryong saklaw ng mga bayan ng Burauen, Lapaz, MacArthur at Baybay ay pinagbabawalan ng militar ang mga residente na pumunta sa kanilang bukirin. Ang iilang pinapayagan ay dapat hindi lumayo nang mahigit 30 metro mula sa kanilang tahanan.

Nililimitahan ng militar ang pagbili ng bigas mula dalawa hanggang tatlong gatang lamang sa bawat pamilya kada araw. Sinisira ang mga bahay na nadadaanan ng mga sundalong nag-ooperasyon at binubunot ang mga tanim ng mga magsasaka. Inaaresto at binubugbog ang ilang sibilyan, idinedetine at isinasailalim sa interogasyon sa kampo ng militar at pilit na pinapagiya sa mga operasyon. Walang patumanggang binobomba at iniistraping ang kabundukan ng mga naturang bayan gamit ang mga 105 mm na kanyon at dalawang helikopter.

Pwersahang pinapalikas ng militar ang mga residente ng Barangay Cagbana at Barangay Lanawan patungong bayan ng Burauen. Kinatulong ng 8th ID-PA si Fe Renomeron, alkalde ng Burauen, sa pagpapakalat ng kasinungalingan na mga nagsisukong myembro umano ng BHB ang mga residenteng nagbakwit mula sa dalawang baryo.

Sa Isla ng Samar.

Noong Hunyo 4, binugbog ng nag-ooperasyong tropa ng 34th IB sina Juanito Dacles, 39, kagawad ng Barangay San Andres, Motiong; at si Prudencio Gabiana, 48. Alas-7:15 ng umaga nang biglang damputin si Dacles ng mga militar habang nagtatrabaho sa kanyang bukirin. Dinala siya sa kanyang kubo at doo'y binugbog. Hinampas ang kanyang binti ng kahoy hanggang ito ay mabali. Hindi pa nasiyahan, ninakaw pa ang itak at pitaka ni Dacles.

Nadaanan din noon ng militar si Gabiana sa kanyang bukirin. Tinadyakan siya sa tiyan hanggang sa maihi siya sa tindi ng sakit. Binantaan si Gabiana na papatayin siya kapag hindi niya ibinunyag ang mga pangalan ng mga dumadaang kasapi ng BHB. Habang iniimbestigahan siya, nakatutok sa kanya ang dalawang ripleng M16.

Samantala, inaresto ng militar nang walang mandamyento ang tatlong kapitan ng barangay sa Samar noong Pebrero 10. Nakilala ang mga biktima na sina Marito Igdalino ng Barangay Pusongan, Motiong; Jemie Caburubyas ng Barangay Angyap, Motiong; at Renato Fabilar ng Barangay Tutubigan, Paranas.

Bago pakawalan ay isinailalim ang tatlong upisyal ng baryo sa pitong oras na interogasyon ni Brig. Gen. Francis Lanuza, hepe ng 801st Bde. Pinagbibintangan silang mga tagsuporta ng BHB.

********
Report this post as:
Share on: Twitter, Facebook, Google+

add your comments


© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy