Walang kinang ang mga medalya ni Maj. Gen. Jeffrey Sodusta sa araw ng kanyang pagretiro

by AJLPP Monday, Apr. 13, 2009 at 8:32 AM
ajlpp_socal@yahoo.com 213p-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Tuluyan nang gumuho ang hibang na pangarap ni Maj. Gen. Jeffrey Sodusta na durugin o kahit pahinain man lamang ang rebolusyonaryong kilusan sa Bikol nang magretiro ito bilang kumander ng 9th Infantry Division - Philippine Army nitong Abril 8, 2009. Tulad ng maraming nagretirong upisyal ng AFP at PNP na masugid na nagpatupad ng malupit na kontra-rebolusyonaryong programa ng National Internal Security Plan (NISP) at Oplan Bantay Laya 1 at 2, ginamit lamang na palamuti sa rekord ni Maj. Gen. Jeffrey Sodusta ang umano'y mga tagumpay ng 9th ID-PA laban sa rebolusyonaryong kilusan sa Bikol. Bigong-bigo ang 9th ID-PA sa pamumuno ni Maj. Gen. Sodusta na madurog kahit isang larangan o yunit ng BHB sa rehiyon, mapadapa ang baseng masa ng kilusan, at mawasak ang ligal at progresibong kilusan ng mamamayan sa kalunsuran. Sa pagpapatupad nito ng Oplan Bantay Laya 2 sa pamamagitan ng Joint Task Force Bicol (JTFB), mga inosenteng sibilyan at mga ligal na aktibista ang nabiktima ng malupit at pasistang paraan ng extra-hudisyal na pamamaslang, pagdukot at pagkawala, tortyur at iba pang paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan. Isang indikasyon ng kabiguang pigilan ang patuloy na pagsulong ng armadong pakikibaka sa rehiyon ang pagkakandarapa ng 9th ID-PA na magbuo ng isa pang brigadang pangkombat at ilang kumpanya ng CAFGU at pagsandal sa kinasasabikang ayudang militar ng tropang US upang palakasin ang kontra-rebolusyonaryong digma laban sa CPP-NPA-NDF sa rehiyon.

AJLPP Update
April 12, 2009

Walang kinang ang mga medalya ni Maj. Gen. Jeffrey Sodusta sa araw ng kanyang pagretiro

Gregorio Bañares
Tagapagsalita
National Democratic Front of the Philippines-Bicol

Abril 12, 2009


Legazpi City---Tuluyan nang gumuho ang hibang na pangarap ni Maj. Gen. Jeffrey Sodusta na durugin o kahit pahinain man lamang ang rebolusyonaryong kilusan sa Bikol nang magretiro ito bilang kumander ng 9th Infantry Division - Philippine Army nitong Abril 8, 2009.

Tulad ng maraming nagretirong upisyal ng AFP at PNP na masugid na nagpatupad ng malupit na kontra-rebolusyonaryong programa ng National Internal Security Plan (NISP) at Oplan Bantay Laya 1 at 2, ginamit lamang na palamuti sa rekord ni Maj. Gen. Jeffrey Sodusta ang umano'y mga tagumpay ng 9th ID-PA laban sa rebolusyonaryong kilusan sa Bikol.

Bigong-bigo ang 9th ID-PA sa pamumuno ni Maj. Gen. Sodusta na madurog kahit isang larangan o yunit ng BHB sa rehiyon, mapadapa ang baseng masa ng kilusan, at mawasak ang ligal at progresibong kilusan ng mamamayan sa kalunsuran. Sa pagpapatupad nito ng Oplan Bantay Laya 2 sa pamamagitan ng Joint Task Force Bicol (JTFB), mga inosenteng sibilyan at mga ligal na aktibista ang nabiktima ng malupit at pasistang paraan ng extra-hudisyal na pamamaslang, pagdukot at pagkawala, tortyur at iba pang paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan.

Isang indikasyon ng kabiguang pigilan ang patuloy na pagsulong ng armadong pakikibaka sa rehiyon ang pagkakandarapa ng 9th ID-PA na magbuo ng isa pang brigadang pangkombat at ilang kumpanya ng CAFGU at pagsandal sa kinasasabikang ayudang militar ng tropang US upang palakasin ang kontra-rebolusyonaryong digma laban sa CPP-NPA-NDF sa rehiyon.

Bilang parusa sa malupit na kampanya ng 9th ID-PA at walang kahihiyang pagpapakatuta nito sa tropang US, binigwasan ito ng BHB ng matitinding opensiba sa huling mga buwan ng panunungkulan ni Maj. Gen. Sodusta sa 9th ID-PA na nagdulot ng maraming kaswalti at papalalang demoralisasyon sa mga upisyal at tauhan nito.

Mula Enero 2009 hanggang unang linggo ng Abril, nakapaglunsad ang BHB ng di-bababa sa 25 taktikal na opensiba na kinabibilangan ng anim na ambus, isang reyd, 16 na operasyong haras at isnayp, at mga pamamarusa. Kahit sa dalawang depensibang labanan, natalo ng BHB sa maniobra ang kaaway at nakapagdulot ng pinsala sa umaatakeng kaaway. Umabot sa 44 kaaway ang napatay, di-bababa sa 40 ang sugatan sa AFP-PNP at CAFGU at nasamsam ang ilang malalakas na armas at mga bala.

Hindi na natuto si Maj. Gen. Sodusta. Mula pa noong kumander ito ng 303rd Brigade sa Negros ay nagyayabang na itong dudurugin ang BHB sa pamamagitan ng Oplan Gordian Knot (lokal na bersyon ng Oplan Bantay Laya) mula 2002 ngunit nabigo.

Dapat malaman ni Maj. Gen. Sodusta at lahat ng mga heneral ng AFP at PNP na kailanman ay hindi magtatagumpay ang isang kontra-rebolusyonaryong digma kahit buhusan pa ito ng suporta ng US dahil sa pagiging likas na reaksyunaryo nito, malupit at nagtatanggol sa isang bulok at mapang-aping sistema sa lipunan, at walang suporta ng mamamayan.

Kahit nagretiro na, maaaring arestuhin at litisin ng rebolusyonaryong Hukumang Bayan si Maj. Gen. Jeffrey Sodusta bilang punong kumander ng 9th ID-PA at pangunahing tagapagpatupad ng malupit na Oplan Bantay Laya 2 na pangunahing dahilan ng napakaraming kaso ng war crimes at paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan.

Ka Greg Bañares
Tagapagsalita ng NDF-Bicol