Bakit Hindi Dapat Ipagdiwang ang Marso 22 bilang AFP Day?

by Echo Park Community Coalition (EPCC) Wednesday, Mar. 25, 2009 at 9:42 PM
epcc_la@hotmail.com 818-749-0272 1740 W. Temple St. Los Angeles, CA 90026

Bakit hindi dapat ipagdiwang ang Marso 22 bilang araw ng hukbong sandatahan ng Pilipinas o ng AFP? Una, ang araw na ito ay kaarawan ni Heneral Emilio Aguinaldo, Itinalaga ng araw na ito na anibersaryo ng AFP para parangalan ang heneral ng Cavite. Ito ay simbolo ng partiarkalismo at eletismo para sa iisang tao. Ito rin ang nagaganap ngayon dahilang AFP ay sumusumpa lamang ng katapatan nito sa iisang tao-kay Presidente Gloria Arroyo na simbolo ng tiraniya at pangungurakot sa modernong panahon. Ikalawa, bagamat ito ay simbolo ng pagtatagumpay ng grupong Magdalo noong 1897, ang sumunod ay ang pagkatalo ng hukbong rebolusyonaryo sa mga Kastila sa Kabite at lahat ng dako. Ito ay nang matapos nilang paslangin si Andres Bonifacio. Pagkatapos nito sila ay nagpatapon sa Hongkong sa halagang P 100,000 piso. Ayon ito sa kasunduan sa Biak na Bato.

EPCC NEWS

Pahayag ng Kilusang Dekada 70 (KD70)

Jerry Esguerra

(818) 749-0279

Bakit hindi dapat ipagdiwang ang Marso 22 bilang araw ng hukbong sandatahan ng Pilipinas o ng AFP?

Los Angeles- Bakit hindi dapat ipagdiwang ang Marso 22 bilang araw ng hukbong sandatahan ng Pilipinas o ng AFP?

Una, ang araw na ito ay kaarawan ni Heneral Emilio Aguinaldo, Itinalaga ng araw na ito na anibersaryo ng AFP para parangalan ang heneral ng Cavite. Ito ay simbolo ng partiarkalismo at eletismo para sa iisang tao.

Ito rin ang nagaganap ngayon dahilang AFP ay sumusumpa lamang ng katapatan nito sa iisang tao-kay Presidente Gloria Arroyo na simbolo ng tiraniya at pangungurakot sa modernong panahon.

Ikalawa, bagamat ito ay simbolo ng pagtatagumpay ng grupong Magdalo noong 1897, ang sumunod ay ang pagkatalo ng hukbong rebolusyonaryo sa mga Kastila sa Kabite at lahat ng dako. Ito ay nang matapos nilang paslangin si Andres Bonifacio. Pagkatapos nito sila ay nagpatapon sa Hongkong sa halagang P 100,000 piso. Ayon ito sa kasunduan sa Biak na Bato.

Ikatlo, noong Marso 22, 1902, nadakip ng mga Amerikano si Aguinaldo. Araw ito ng ganap na pagkatalo ng unang Republika ng Pilipinas kayat hindi dapat ideklara na araw ng sandatahan ng Pilipinas.

Hindi marangal na araw ang araw na kaarawan ng isang hindi dakilang tao. Hindi ito marangal na araw dahil araw ito ng mga pagkatalo. Magdiriwang lamang sa araw ng AFP ang mga walang dangal at mersenaryong sundalo. Niloloko lamang ng mga military ang kanilang sarili sa pagdiriwang ng araw na ito.

Dapat lamang ukitin pa ang tunay na marangal na araw ng kawal na Pilipino. Darating ang panahong ito hanggang may mga marangal na anak ng bayan na nakahandang manindigan para sa inang bayan.

Original: Bakit Hindi Dapat Ipagdiwang ang Marso 22 bilang AFP Day?