TAMA NA ANG PASIKAT, LUTASIN ANG MGA PAGLABAG SA KAPAPATANG PANTAO!

by AJLPP Tuesday, Mar. 17, 2009 at 7:45 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-413-4944 1740 W. Temple St. Los Angeles, CA 90026

“Kung ayaw, maraming dahilan, kung gusto, gagawin ng sapilitan.” Buong tapang at lakas na kinokondena ng Alliance-Philippines (AJLPP) na nakabase sa United States ang rehimeng US-Arroyo sa bagong pakanang pulitikal na ito at hinahamon ang rehimeng lutasin ang mga krimeng pulitikal at paglabag sa karapatang pantao . Ayon pa sa AJLPP; “ Dapat nang tigil ang mga pasikat ng rehimeng na panay ingay at walang aksyon. Huwag gamitin ang kaso nina Col Mancao at Dumlao sa pulitika. Bigyang katarungan ang mga biktima ng karahasan tulad ni Dacer at maraming ibapa. “

Pahayag ng AJLPP
March 16, 2008
Contact: Arturo P. Garcia
Phone: (213) 413-4944

TAMA NA ANG PASIKAT! LUTASIN NA ANG MGA KRIMEN LABAN SA MGA KARAPATANG PANTAO!

Los Angeles— “Kung ayaw, maraming dahilan, kung gusto, gagawin ng sapilitan.”

Buong tapang at lakas na kinokondena ng Alliance-Philippines (AJLPP) na nakabase sa United States ang rehimeng US-Arroyo sa bagong pakanang pulitikal na ito at hinahamon ang rehimeng lutasin ang mga krimeng pulitikal at paglabag sa karapatang pantao .

Ayon pa sa AJLPP; “ Dapat nang tigil ang mga pasikat ng rehimeng na panay ingay at walang aksyon. Huwag gamitin ang kaso nina Col Mancao at Dumlao sa pulitika. Bigyang katarungan ang mga biktima ng karahasan tulad ni Dacer at maraming ibapa. “

Umarangkada sina DOJ Secretary Raul Gozalez at Executive Secrtary Ermita at ang mga hibang na propagandista ng rehimeng US-Arroyo sa pangangalandakang lulutasin daw nila ang walong ( 8) taong kaso ng pagpatay kina Dacer at Corbito.

Taktikang Pusit

Sa tulong ng kanilang makinarya sa media, parang mananayaw ng burles, unti-unting nilalabas ng mga ito ang detalye ng affidavit ni Col Cezar Mancao mula sa Amerika na diumano ay babalik para magsiwalat ng kanilang alam sa kaso ng pagpatay kina Dacer at Corbito. Ngayon pa lang may mga sinasangkot sila sa kasong mga malalaking pulitiko.

Malinaw ang tangka ng mga propagandista ng rehimen: pagtakpan ang mga paglabag sa karapatang pantao na lalong lumalala at dumarami, nagkukunwang may ginagawa kasabay ng paninira sa kanilang mga kalaban sa pulitika sa darating na eleksyong presidensyal 2010.

Tumpak ang sinabi ni Atty. Arnedo Valera, abogado ni Col Mancao: “Sana ay huwag gawing propaganda ng gobyerno ang kaso at tuluyang nang lutasin ang kaso ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao tulad ng nasa media na si Buddy Dacer. Huwag sanang kulayan ito ng pulitika.”

Nagpahayag din ang AJLPP na umaabot na sa may mahigit 1,300 ang biktima ng karahasang militar sa Plipinas. Pinakahuli dito ang pagpatay kay Rebelyn Pitao at Boy Billones sa Mindanao.

Mahigit na 230 ang nakakulong sa iba;t ibang piitan ng rehimen at mahigit 200 din ang nawawala pa at pinapalagay na nakulong o pinatay na ng rehimeng US-Arroyo mula noong 2001.

Sa isla lamang ng Mindanao at Sulu, may mahigit 2 milyong tao ang apektado ng digmaan at may 600,000 ang refugees dahil sa digmaan sa pagitan ng MILF at ng AFP mula pa noong 2008.