FRANCIS MAGALONA- ARTISTA NG BAYAN

by AJLPP Wednesday, Mar. 11, 2009 at 10:30 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337

Nagpupugay, sa huling pagkakataon at pinararangalan ng Alliance-Philippines (AJLPP) kasama ng komunidad ng Pilipino-Amerikano ang makabayang artista na kilala sa tawag na “master Rapper” Francis Magalona.na sumakabilang buhay noong March 6, 2009 sa maynila. Si Francis Magalona pangunahin na ay isang makabayan. Ito ay ipinakita niya sa kanyang mga likhang sining lalo na sa musika. Nagsikap siyang iangat ang kanyang sining sa antas ng kanyang mga kababayan at nagtagumpay siya. Kinikilala ng AJLPP si Magalona dahil hindi lamang siya nagbigay ng aliw kundi inilakip niya ang sining sa buhay ng kanyang bayan at mga kababayan. Kaya nga kanyang rap ay umangkop sa kultura at sining ng Pilipino hindi lamang ng panggagagad ng dayuhan kundi pagpapayaman ng porma nito.

FRANCIS MAGALONA- AR...
dsc_0197.jpgmcgifh.jpg, image/jpeg, 3008x2000

Pahayag ng AJLPP
March 10, 2008

FRANCIS MAGALONA: ARTISTA NG BAYAN

Los Angeles- Nagpupugay, sa huling pagkakataon at pinararangalan ng Alliance-Philippines (AJLPP) kasama ng komunidad ng Pilipino-Amerikano ang makabayang artista na kilala sa tawag na “master Rapper” Francis Magalona.na sumakabilang buhay noong March 6, 2009 sa maynila.

Si Francis Magalona pangunahin na ay isang makabayan. Ito ay ipinakita niya sa kanyang mga likhang sining lalo na sa musika. Nagsikap siyang iangat ang kanyang sining sa antas ng kanyang mga kababayan at nagtagumpay siya.

Kinikilala ng AJLPP si Magalona dahil hindi lamang siya nagbigay ng aliw kundi inilakip niya ang sining sa buhay ng kanyang bayan at mga kababayan. Kaya nga kanyang rap ay umangkop sa kultura at sining ng Pilipino hindi lamang ng panggagagad ng dayuhan kundi pagpapayaman ng porma nito.

Naging mabisa itong komentaryo at matalim na pagpuna sa lipunan sa harap ng mga pampulitkang krisis na bumalot sa bayan ng panahong iyon

Tunay siyang anak ng katulad din niyang mga makabayang artista na sina Pancho Magalona and Tita Duran, mga artistang gumanap sa mga makabayang dula at pelikula tulad ng “El Flibusterismo” at “Jikiri”

Maitutulad si Francis sa isang kometang ang sinag ay nagninining ngunit kinakailangang lumisan upang hayaan ang kalawakan ay magdilim. Sapagkat ang mga bituin ay hahanapin lamang ng mga tao kapag wala ang kinang ang kalawakan ng mga tala.

Francis Magalona, Karangalan ka ng iyong bayan!