ENRILE, TUTA NI MARCOS NOON< GALAMAY NI ARROYO NGAYON

by Pesante-USA Tuesday, Nov. 18, 2008 at 11:41 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 1610 Beverly Blvd. Los Angeles, CA 90026

Para Pesante -USA at sa mga mamayang Pilipino sa Amerika , ang pag-akyat ni Senador Juan Ponce-Enrile bilang Pangulo ng Senado ay pagbabadya ng mga masamang pangitain para sa bayan. Para sa isang tampok na tagapagtanggol at alyado ni Arroyo, ang pagpapalit ng pinuno sa Senado ay hudyat ng mga maniobra sa pulitika lalo na sa pagpapalit ng sistema ng gobyerno bago mag-2010

ENRILE, TUTA NI MARC...
img_1046.jpg, image/jpeg, 2112x2816

PESANTE NEWS
Nov. 17, 2008

ENRILE, GALAMAY NI MARCOS, TUTA NGAYON NI ARROYO

Los Angeles – Para Pesante -USA at sa mga mamayang Pilipino sa Amerika, ang pag-akyat ni Senador Juan Ponce-Enrile bilang Pangulo ng Senado ay pagbabadya ng mga masamang pangitain para sa bayan.

Para sa isang tampok na tagapagtanggol at alyado ni Arroyo, ang pagpapalit ng pinuno sa Senado ay hudyat ng mga maniobra sa pulitika lalo na sa pagpapalit ng sistema ng gobyerno bago mag-2010.

Alam ng lahat si Enrile, Honasan at iba pa ay mga mahigpit na kasapakat ni Arroyo kaya sila ay nakapamamayagpag sa kanilang pagmamalabis laban sa bayan. Kaya nga bulag ang gobyernong Arroyo sa talamak na smuggling sa Port Irene, sa mga kasong kudeta nina Honasan at Lacson at mga kaso ng pangungurakot sa gobyerno tulad ng kay Jocjoc Bolante atbp.

Hindi nalilimutan ng masa ng sambayan na si Juan Ponce Enrile ang punong tagapagpatupad ng diktadurang EU-Marcos mula 1972 hanggang 1986. Bilang Ministro ng Depensa,sa ilalim ng kanyang panunungkulan mahigit 70,000 ang natortyur, mahigit 10,000 ang nawala at hindi matagpuan at mahigit 300,000 ang nagbuwis ng bhuay sa ilalim ng batas militar.

Hindi naparusahan si Enrile sa kanyang pamumuno sa mga kudeta laban sa gobyernong Aquino at sa halip namayagpag pa ito bilang Senador, Kongresista at Senador mula sa ilalim nina Estrada at Arroyo. Lalo pa nitong pinalawak ang kanyang baseng ekonomya at lalo pang nagsamantala sa bayan.

Ngayon, bilang alyado nakikinabang muli si Enrile sa ilalim ng rehimeng US-Arroyo. Bilang pangulo ng Senado tiyak na ipagtatangol nina Enrile at kanayang mga kabatakan ang bulok na rehimeng katulad niya.

Ngunit ang bayan ay di natutulog. Darating ang araw magbabayad din si Enrile sa kanayang mga krimen laban sa mga mamamayan.

para sa karagdagang impormasyon,kontakin si Al P. Garcia sa (213)241-0995 at magemailsa magsasasakapil@hotmail.com