PAHAYAG NG AJLP: BULOK NA HUSTISYA

by AJLPP Saturday, Sep. 13, 2008 at 6:08 AM
ajlpp_socal@yahoo.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Ang batayan ng ating kalayaan ay ang pagiging malaya ng ating mga hukuman” Ito ang sabi ng isang dating presidente ng Amerika. John Quincy Adams. 
 
”Kung ako na isang Hukom ay kaya nilang ganituhin, paano pa ang mga pangkariniwang mga tao”. May katwirang magsalita ng masakit ang nasibak na Hukom Vicente Roxas ng Court of Appeals ng Pilipinas.Natumbok niya na may bahid pulitika ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa maalingasngas na kaso ng GSIS at Meralco at kaugnay dito ang buong bulok na sistema ng hustisya sa Pilipinas.

PAHAYAG NG AJLP: BUL...
_3a_00069.jpg, image/jpeg, 2400x1600

PAHAYAG NG AJLPP HINGGIL SA NAGAGANAP NA KRISIS SA HUDIKATURA SA PILIPINAS 
AT KAWALAN NG HUSTISYA SA PILIPINAS

Los Angeles-- “Ang batayan ng ating kalayaan ay ang pagiging malaya ng ating mga hukuman” Ito ang sabi ng isang dating presidente ng Amerika. John Quincy Adams. 



”Kung ako na isang Hukom ay kaya nilang ganituhin, paano pa ang mga pangkariniwang mga tao”. May katwirang magsalita ng masakit ang nasibak na Hukom Vicente Roxas ng Court of Appeals ng Pilipinas.Natumbok niya na may bahid pulitika ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa maalingasngas na kaso ng GSIS at Meralco at kaugnay dito ang buong bulok na sistema ng hustisya sa Pilipinas.

Bulok na sistema ng Hustisya

Repleksyon lamang ito ng talamak na katiwalian sa nabubulok na rehimeng US-Arroyo. 
 
Kung talagang seryoso ang Korte Suprema sa sinasabi nitong reporma sa sistema ng hudikatura, mapapasubo ito kung talagang gagawin nito ang kanyang tunay na gawain. Kahit pa man ito ay sa batayan ng burges na sistema ng hustisya.

Talagang talamak ang korupsyon sa sistema ng hustiya na inaruga ng bulok na sistemang malakolonyal at malapyudal. 
 
Sa kabila ng pagpipilit ng ilang mahistrado na magposturang kahiwalay ang hudikatura sa eksekyutibo, di pa rin maitago ang pagiging sunud-sunuran nito.

Laglag ang palda at bistado sa pagiging Korte Suprema ni Gloria Macapagal-Arroyo ang hudikatura. Walang iniwan sa napakanotoryus na Korte Suprema ng 1972-1986 bilang “Marcos Supreme Court” noong panahon ng diktadura. Naging rubber stamp lamang sila ng diktador. Kilalang-kilala ang Korte Suprema sunud-sunuran sa mga naging Pangulo ng Pilipinas ang tunay na komokontrol nito.
 


Ipinakita ito mismo ng Punong mahistrado Enrique Fernando na naging tagadala ng payong ni Imelda Marcos.Ni Marcelo Fernan na kumandidato pa at natalong senador at presidente. Ni Hilario Davide na ginantimpalaan ni Gloria Arroyo sa pagiging punong delegado sa United Nations sa New York.

Mga Korte,bantog sa katiwalian

Bantog ang Korte Suprema at ang Court of Appeals kahit noon pang pagkatapos 1986 People’s Power sa korupsyon at sa sistema ng ” lagayan.” Kilalang kilala ito na nasusuhulan. Bantog ito sa pagbibigay ng TRO (temporary restraining order ) lalo na kung kasangkot ang mga malalaking kompanya ng negosyong dayuhan at mga pribadong kompanya sa bansa.

Nariyan ang kaso ng Manila Hotel na isinampal sa mga negosyanteng Malaysia. Nariyan ang kaso ng habeas corpus laban sa pamilya Burgos na pumabor sa AFP. Malakas ang ugong na madaling kumuha ng TRO mula sa halagang P100,000 hanggang 10 milyong piso kapwa sa Court of Appeal at sa Supre Court.

Wala pang Korte Suprema na pumabor sa pangkaraniwang tao kahit na palagi itong tampulan ng pansin ng madla at bulnerable sa opinyong publiko. Kasi ba naman pulos mayayaman at kamag-anak o kaibigan ng mga malalaking negosyante ang mga mahistrado. Hindi nila maitago sa kanilang toga ang tunay na balat nila.
 


Nakapagtataka lamang na kahit sa burges na batas, hindi ba dapat na mas malaki ang kasalanan at mas mabigat ang kaparusahan sa Punong Hukom Conrado Vazquez ng Court of Appeals dahil sa kanyang kapabayaan lumala ang problema? Di ba laging command responsibility ang dapat sundin?
 


Bakit suspensyon lamang ang hatol kay Hukom Jose Sabio Jr. ng Court of Appeals gayung siya ang nakipagsabwatan sa kapatid niyang PCGG Chairman Camilo Sabio at tumanggap ng P300,000 suhol mula sa isang “businessman”. Inamin pa ito mismo ni Hukom Sabio na tumanggap siya ng “regalong” P300,000.

Pero bakit? Bakit si Hukom Roxas ang pinakamabigat na pinarusahan ng Korte Suprema? Gayong sinubukan lang naman niyang gawin ang trabaho niyang maging obhetibo sa mga hatol na kanyang pinapataw. Dahil ba sa kontra ito sa interes ng mga taga-Malakanyang? Nasaktan ba sila sa obhetibong hatol na ipinataw ni Hukom Roxas? Lalong napapaghalata na tuloy ang mga taga-Malakanyang na may kinikilingan sila. 
 


Maraming katanungan ang dapat sagutin ng sistema ng hustisya sa Pilipinas lalo pa ang gumagaya ito sa Amerika. Gayang-gaya sa naging alingasngas ng dating Kalihim ng Hustisya si Alberto Gonzales. Yung pagtanggal sa pitong United States Attorneys nuong Disyembre 7, 2006. Ngunit isa lamang ang matingkad. Parang déjà vu yata ito.

Walang hinaggap sa hudikatura ng Thailand o sa Korte SUprema ng Amerika kung ito ang nais nilang tularan. Kung saan kayang utusan ng Korte Suprema ng Thailand ang kanilang Prime Minister na magbitiw, dahil sa isang iskandalo. 
 


Makakayanan kayang manindigan ng Korte Suprema ng Pilipinas para sa mamamayang Pilipino?

Tunay na totoo, na ang tunay na hustisya ay matatamo sa isang bansang malaya, progresibo at para sa masa sa hinaharap.
 
 



AJLPP

Los Angeles, California 

Setyembre 11, 2008