We had a server outage, and we're rebuilding the site. Some of the site features won't work. Thank you for your patience.
imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

white themeblack themered themetheme help
About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
latest news
best of news
syndication
commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
printable version - js reader version - view hidden posts - tags and related articles

Usapang pangkapayapaan sa MILF

by AJLPP Monday, Aug. 11, 2008 at 3:42 PM
magsasakapil@homail.com 213-241-0995 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Panloloko, pagtatraydor at pananabotahe ang ginagawa ng rehimeng Arroyo sa usapang pangkapayapaan nito sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Kunwa'y nakikipagnegosasyon ito sa MILF pero ang tunay na pakay ng rehimeng Arroyo ay gamitin ang prosesong pangkapayapaan para muling itulak ang pakana nitong charter change o pagbabago ng konstitusyon. Sakaling bumalik sa puspusang paglulunsad ng armadong pakikibaka ang MILF, gagamitin din itong sangkalan ni Arroyo para makapaglunsad ng todo-todong opensibang militar at magpataw ng emergency rule kundiman batas militar.

Usapang pangkapayapaan sa MILF
Ginagamit ng rehimen para sa sariling interes


Manila--Panloloko, pagtatraydor at pananabotahe ang ginagawa ng rehimeng Arroyo sa usapang pangkapayapaan nito sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Kunwa'y nakikipagnegosasyon ito sa MILF pero ang tunay na pakay ng rehimeng Arroyo ay gamitin ang prosesong pangkapayapaan para muling itulak ang pakana nitong charter change o pagbabago ng konstitusyon.

Sakaling bumalik sa puspusang paglulunsad ng armadong pakikibaka ang MILF, gagamitin din itong sangkalan ni Arroyo para makapaglunsad ng todo-todong opensibang militar at magpataw ng emergency rule kundiman batas militar.

Walang anumang intensyon ang rehimen na galangin ang karapatan ng MILF at tumalima sa mga napagkasunduan. Nakikipagnegosasyon lamang ito sa MILF para palakasin ang nanghihina nang kapit ni Arroyo sa poder at malinlang ang mga rebolusyonaryong pwersang Moro na pumasok sa masyadong mahabang tigil-putukan, maging pasibo sa usaping militar at sumuko.

Kaya naman nanatiling patay-sindi at impormal ang usapang pangkapayapaan ng rehimeng Arroyo at MILF mula pa noong 2001. Ang tanging mayor na napagkasunduan ay isang mahaba at mabuway na tigil-putukan.

Layon lamang nitong papurulin ang palabang diwa ng Bangsamoro Islamic Armed Forces, pahinain ang MILF hanggang sa mapresyur itong sumang-ayon sa maliliit lamang na konsesyon at halos sumurender.

Ang totoo'y walang anumang intensyon ang rehimeng Arroyo na sumang-ayon sa mga susing usaping iginigiit ng MILF tulad ng pagbabalik ng kanilang lupang ninuno, pagtamasa ng soberanya sa mga likas na yaman at paggalang sa karapatan ng mga Moro sa sariling pagpapasya at sa awtonomya.

Hanggang sa kahuli-hulihan, pilit na pinalalabnaw nang husto ng mga negosyador ni Arroyo ang isang borador na kasunduan na pumapatungkol sa mga usaping ito.

Nagtangka pang magpasok ng mga amyenda ang tusong mga negosyador ng gubyerno sa dokumentong pinagkaisahan na nang walang pagpapaalam sa mga negosyador ng MILF. Labis itong ikinagalit ng MILF at nagbunsod ito ng pag-walk out ng mga negosyador nila noong Hulyo 26.

Para bumalik ang MILF sa negosasyon, kunwa'y pumayag ang rehimeng Arroyo na magkapirmahan nitong August 5 sa Memorandum of Agreement (MoA) on Ancestral Domain, kahit alam nito na ang pagpapalapad ng saklaw ng Bangsamoro Juridical Entity nang lagpas sa kasalukuyang kalat-kalat at makikitid na saklaw ng Autonomous Re-gion for Muslim Mindanao (ARMM) ay mahigpit na tututulan ng mga naghaharing uri sa bansa, kabilang ang mga kapitalistang nagmamay-ari ng malalaking minahan sa mga sangkot na lugar.

Ito'y bukod pa sa pagtutol ng samutsaring pwersang anti-Moro sa mga sasaklawing lugar tulad ng ilang syudad, bayan at baryo sa Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Lanao del Norte, Bukidnon, North Cotabato, Sultan Kudarat at Palawan.

Hindi rin lamang mga lokal na naghaharing uri ang inaasahang tututol sa MoA. Tiyak na hindi papayagan ng US at iba pang imperyalistang may malalaking interes sa Mindanao na magkaroon ng mga pagbabagong makasasagka sa kanilang pandarambong at panghihimasok sa isla.

Alam na alam din nina Arroyo na pipigilan ng Korte Suprema ang pirmahan ng MoA bago ang nakatakdang eleksyon sa ARMM ngayong Agosto. Pero tusong ipinangako ng mga negosyador ni Arroyo na maipagpapaliban ang eleksyon para mabigyang-pagkakataon umano ang pagpapatupad sa MoA.

Batid rin nina Arroyo na marami pang pagdaraanang proseso ang reaksyunaryong gubyerno bago maipatupad ang isang plebisito hinggil sa usapin ng lupang ninuno ng Bangsamoro. At alam din nina Arroyo na ayon sa mga proseso ng reaksyunaryong gubyerno, dapat munang maamyendahan ang konstitusyon bago maipatupad ang pagpapasaklaw ng teritoryo ng Bangsamoro.

Sadya ring inililihim ng rehimeng Arroyo ang nilalaman ng MoA para lalong mag-alma ang mga pwersang anti-Moro at makapagbunsod ng ibayong kaguluhan na siyang sasagpangin ng Malacaang para makagamit ito ng kamay na bakal.

Gigil na gigil na ang rehimeng ideklara ang pormal na pagsasara ng usapang pangkapayapaan para makapaglunsad na ito ng todo-todong opensibang militar laban sa MILF oras na lumaban ito para depensahan ang sarili at mga komunidad ng Moro laban sa ibayong pananalakay ng AFP at iba pang mga armadong pwersang anti-Moro.

Buo ang suporta ng Partido Komunista ng Pilipinas sa MILF at sa pakikibaka ng kabuuang Bangsamoro para sa pambansang pagpapasya sa sarili, pagbabalik sa kanila ng kanilang mga lupang ninuno at pagtamasa ng ganap na awtonomya.

Ang pakikibaka ng Bangsamoro ay bahagi ng kabuuang pambansa-demokratikong rebolusyonaryong pakikibaka. Tulad ng lahat ng iba pang aspeto ng rebolusyong Pilipino, ang anumang hindi makakamtan sa pamamagitan ng prosesong pangkapayapaan ay matatamasa rin balang araw sa ganap na pagtatagumpay ng digmang bayan laban sa malakolonyal at malapyudal na sistemang umiiral sa bansa.

Report this post as:
Share on: Twitter, Facebook, Google+

add your comments


© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy