Ibayong lumalawak at lumalakas ang NDF

by Pesante-USA Sunday, Apr. 27, 2008 at 1:00 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Lipos ang kagalakan ng mga rebolusyonaryong magsasaka, manggagawa, kabataan, kababaihan, maralitang komunidad, propesyunal, taong simbahan at mga kadre at kasapi ng Bagong Hukbong Bayan at Partido Komunista ng Pilipinas sa anibersaryo ngayon ng pagkakatatag ng National Democratic Front of the Philippines. Umabot na sa 34 taon ang malawak na nagkakaisang prente ng mamamayang lumalaban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Ang pagdiriwang na ito ay sa gitna ng sinungaling na pagmamalaki ng reaksyunaryong rehimeng Arroyo na tagumpay nitong napapahina o nadudurog ang rebolusyonaryong kilusan sa ilalim ng kontra-mamamayang Oplan Bantay Laya. Sa kabila ng sustenidong pagtutugis, panunupil at mala-ararong pag-ooperasyon at pagbabakod ng AFP, higit pang tumatag at humusay ang kalagayan ng buong rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon.

Ibayong lumalawak at lumalakas ang rebolusyonaryong kilusan sa harap ng pagsasamantala at karahasan ng rehimeng Arroyo


Manila, Philippines- Lipos ang kagalakan ng mga rebolusyonaryong magsasaka, manggagawa, kabataan, kababaihan, maralitang komunidad, propesyunal, taong simbahan at mga kadre at kasapi ng Bagong Hukbong Bayan at Partido Komunista ng Pilipinas sa anibersaryo ngayon ng pagkakatatag ng National Democratic Front of the Philippines. Umabot na sa 34 taon ang malawak na nagkakaisang prente ng mamamayang lumalaban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo.

Ang pagdiriwang na ito ay sa gitna ng sinungaling na pagmamalaki ng reaksyunaryong rehimeng Arroyo na tagumpay nitong napapahina o nadudurog ang rebolusyonaryong kilusan sa ilalim ng kontra-mamamayang Oplan Bantay Laya. Sa kabila ng sustenidong pagtutugis, panunupil at mala-ararong pag-ooperasyon at pagbabakod ng AFP, higit pang tumatag at humusay ang kalagayan ng buong rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon.

Sa nakaraang tatlong taon, dumoble ang kasapian ng Partido at lumaki ng isangkatlo ang bilang ng kadre nito. Imbes na lumiit, lumaki pa ng 96% ang nakikilusang baryo ng BHB. Higit pang lumawak at dumami ang baryong kinokonsolida at kumapal ang mamamayang nauugnayan, naoorganisa at napapakilos. Higit pang lumawak, lumalim at tumatag ang rebolusyonaryong baseng masa.

Ang masikhay na gawaing masa ng BHB ay nagresulta sa pagrekluta ng mga pinakamahuhusay na anak ng sambayanan. Taliwas sa sinasabi ni General Esperon na nasa pinakamaliit na bilang ngayon ang NPA, dumami nga ng 20% ang bilang ng Hukbo at nakapagbuo ng mga bagong yunit ng NPA sa rehiyon.

Sa pagkakaisa ng Hukbo at rebolusyonaryong masa, matagumpay na naisagawa ang 19 na mga aksyong militar noong 2007 na kinabibilangan ng mga ambus, reyd, snipe at pagdis-arma. Naipagtanggol ng di-hamak na mas maliit na puwersa ang kanilang sarili sa mas malaking bilang at mas malaking resorses ng kaaway. Sa mga nailunsad na opensiba at kontra-opensiba, 49 ang naitalang napatay at walo ang sugatan sa AFP. Lumaki ng 73% ang bilang ng armas ng NPA mula 2004.

Kahit sa mga lugar na pinupuruhan, hindi nagtagumpay ang AFP na patahimikin ang masa, wasakin ang kanilang pagkakaisa, at patigilin sila sa pagkilos. Sa pagtindi ng panunupil, lalo lamang kinamumuhian ng masa ang AFP at higit silang nailalapit sa landas ng armadong pakikibaka. Aktibong ipinakita ng mamamayan ang paglaban sa tuluy-tuloy at malawakang militarisasyon, pagtatayo ng CAFGU, tumitinding panunupil sa kilusang magsasaka at iba pang kilusang masa sa kanayunan at kalunsuran, asasinasyong pulitikal, at iba pang anyo ng paglabag sa karapatang pantao. Namamalas nila na ang Oplan Bantay Laya ay hindi programang sasagip sa kanila mula sa karukhaan, kundi Oplan para sa higit na pambubusabos at paglapastangan sa kanilang mga demokratikong interes at karapatan.

Maliwanag at matatag ang batayan ng ibayo pang pag-unlad ng rebolusyonaryong kilusan. Sa sumusunod na mga panahon, lalo nitong mapahihina ang inutil na rehimeng Arroyo sa gitna ng lumalalang krisis ng naghaharing sistema. Nasa mamamayang Pilipino ang lahat ng katwiran upang paigtingin ang pambansa-demokratikong rebolusyon sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan.


Salvador del Pueblo
Tagapagpahayag
National Democratic Front
Northeastern Luzon

Abril 24, 2008