imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

white themeblack themered themetheme help
About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
latest news
best of news
syndication
commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
printable version - js reader version - view hidden posts - tags and related articles

Karahasang Militar Lumalala: Lider ng KMP, inaresto; pastor, pinatay ng militar

by Pesante_USA Friday, Feb. 08, 2008 at 6:11 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0995 1610 Beverly Blvd. Los Angeles, CA 90026

Kabilang sa mga karumal-dumal na krimen ng rehimeng Arroyo nitong nakaraang mga linggo ang pagpaslang sa isang pastor ng UCCP sa Leyte at pagpatay sa isang aktibista sa Bohol. Sa kanayunan ng Tagum, nagpapatuloy ang sapilitang paglikas ng mga residente dahil sa matitinding operasyong sa kanilang mga lugar. Sa Maynila, mahigit 80,000 residente ang mawawalan ng tirahan dahil sa proyektong riles. Sa Negros, inaresto ang isang lider ng KMP, at sa Palawan, dalawang pinaghihinalaang myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang dinukot ng militar. Isa ring lider-masa sa Cebu ang dinukotat dalawang araw na itinago ng militar bago siya makatakas.

Karahasang Militar Lumalala: Lider ng KMP, inaresto; pastor, pinatay ng militar

Manila-- Kabilang sa mga karumal-dumal na krimen ng rehimeng Arroyo nitong nakaraang mga linggo ang pagpaslang sa isang pastor ng UCCP sa Leyte at pagpatay sa isang aktibista sa Bohol. Sa kanayunan ng Tagum, nagpapatuloy ang sapilitang paglikas ng mga residente dahil sa matitinding operasyong sa kanilang mga lugar. Sa Maynila, mahigit 80,000 residente ang mawawalan ng tirahan dahil sa proyektong riles. Sa Negros, inaresto ang isang lider ng KMP, at sa Palawan, dalawang pinaghihinalaang myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang dinukot ng militar. Isa ring lider-masa sa Cebu ang dinukotat dalawang araw na itinago ng militar bago siya makatakas.

Enero 31 hanggang sa kasalukuyan. Ginigipit ng mga tropa ng 730th Combat Group ng Philippine Air Force ang mga residente ng Hacienda Looc at Barangay Natipuan sa Nasugbu, Batangas matapos salakayin ng BHB ang isang detatsment ng AFP sa kalapit na Barangay Calayo noong Enero 31. Di bababa sa 25 pamilya na ang napilitang lumikas para makaiwas sa harassment ng militar. Noong araw ding iyon ay sinunog ng mga tropa ng AFP ang mga bahay nina Sopreno Cabral, Florence Reyes at Toribio Reyes, pawang mga residente ng Hacienda Looc. Mula Pebrero 1 ay nagtayo ang AFP ng mga tsekpoynt sa Barangay Calayo kung saan hinaharang, iniinterogeyt at hinaharas ang mga dumadaan. Kabilang sa mga nabiktima sina Coche Polagan, prinsipal ng Barangay Looc Elementary School at ang kanyang asawang si Narsing. Sapilitan silang pinalabas sa kanilang van at pinaluhod sa kalsada.

Enero 28. Inaresto at tinortyur ng mga elemento ng Negros Occidental Police Provincial Office (NOPPO) si Randall Echanis, 60, deputysecretary general for external affairs ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Si Echanis ay inalider ng mga manggagawang bukid ng National Federation of Sugar Workers (NFSW). Umabot sa 30 nakasibilyang

armadong operatiba ang umaresto kay Echanis. Si Echanis ay inaresto kaugnay ng akusasyon ng militar na sangkot siya sa kaso ng umano’y pagpatay sa 67 katao sa Inopacan, Leyte noong 1985. Siya at si Rep. Satur Ocampo ay kabilang sa 52 na akusado kasong ito. Inaresto si Ocampo noong nakaraang taon kaugnay nito, ngunit pinalaya rin matapos ibasura ng korte ang gawa-gawang kaso. Katulad ni Ocampo, nakakulong din si Echanis nang mangyari ang gawa-gawang insidente sa Leyte. Kaya ang pag-aresto sa kanya ay malinaw na panggigipit lamang sa mga katulad niyang kumikilos sa demokratikong kilusan. Mariing kinundena ng KMP ang pag-aresto at pagtortyur kay Echanis. Binatikos din ng NDFP ang pagaresto kay Echanis dahil paglabag ito sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG). Si Echanis ay myembro ng Reciprocal Working Committee on Socio-economic Reforms ng NDFP sa usapang pangkapayapaan.

Enero 26. Dinukot ng mga elemento ng pulisya sa prubinsya ng Palawan at Armed Forces Western Command (Wescom) sina Christine Butaca, 27 at ang kanyang asawang si Wilson Mangao. Pinalalabas ng mga otoridad na mga ipinakitang warrant of arrest ang mga pulis at militar nang dukutin ang mag-asawa. Dumadalo sila noon sa kasal ng kapatid ni Butaca sa Barangay Bono-bono, Bataraza, Palawan. Iniutos ng Provincial Prosecutor’s Office sa pulisya at militar na pakawalan ang mag-asawa

matapos lamang ang ilang araw nang mapatunayang walang matibay na ebidensyang

hawak ang AFP laban sa kanila.

Enero 24. Mahigit 1,000 residente ng Barangay San Agustin, Tagum City ang napilitang lumikas dahil sa tindi ng operasyong military sa kanilang lugar. Inaresto ng mga nag-ooperasyong sundalo ang mga lalaking residente at pinagbintangan silang mga kasapi ng BHB. Pinadapa at ipinailalim sila sa interogasyon. Ang pandarahas na ito sa mamamayan ay pagbubunton ng naslang sa isla. Noong Mayo 2005 ay pinatay ng militar si Rev. Edwin Lapuz sa San Isidro, Leyte.

Enero 17. Pinatay ang aktibistang maka-kalikasan na si Ronaldo Sendrijas, 35, ng mga nakamaskarang berdugo sa Graham Avenue, Tagbilaran City, prubinsya ng Bohol,alas-9:20 ng gabi. Dalawang tama ng bala sa batok ang ikinamatay ni Sendrijas. Kalalabas lamang niya sa Ramiro Community Hospital para bumili ng gamot para sa kanyang kapatid. Si Sendrijas ay dating seminarista at dating detenidong pulitikal. Inaresto siya sa Cebu noong 2003 kaugnay ng kasong rebelyon na isinampa sa kanya sa Bohol at Cebu. Pinakawalan siya noong 2006 matapos makapagpyansa. Mula nang makalaya siya ay tuluy-tuloy siyang hinaras ng militar. Bukod sa kasong rebelyon, pilit siyang iniuugnay ng militar sa dalawang kaso ng pamamaslang noong 2006 at 2007. Lagi-lagi rin siyang pinipilit magpanggap na surenderi ng BHB at itakwil ang armadong pakikibaka. Noong Nobyembre 7 ay nireyd ng militar sa pamumuno mismo ni Lt. Col. Ceasar Yano, hepe ng 302nd Bde, ang bahay at mga kapitbahay ni Sendrijas sa Barangay San Jose, Inabanga, Bohol sa akusasyong may iniingatan umano itong baril. Walang nakitang anumang sandata.

Enero 13-27. Sapilitang nagbakwit ang mga Ata-Manobo mula sa 65 komunidad ng Talaingod, Davao del Norte dahil sa matitinding bata at isang matandang lalaki mula sa Sityo Sasu, Barangay Palma Gil ang namatay noong Enero 13 dahil sa matinding gutom. Sa halip na tulungan ang mga bakwit, pinabulaanan pa ng mga upisyal ng Talaingod na mayroong mga nangyaring paglabag sa karapatang-tao. Ginigipit din ng nag-ooperasyong mga tropa ng 73rd IB ang mga lider ng Salugpongan Ta Tanu Igkanugon,isang lokal na organisasyon na binubuo ng mga Ata-Manobo sa

Talaingod.

Enero 12 hanggang sa kasalukuyan. Malawakang pang-aaresto,sapilitang pagpapabakwit at panununog ng mga bahay ng mga magsasaka Sityo Gintalaokan at Bantolinao sa Barangay Talalak at Barangay Nagbinlod sa Sta. Catalina, Negros

Oriental kaugnay ng mabangis na operasyong militar ng 56th IB,ayon sa Karapatan-Central Visayas. Isang di pa nakikilalang magsasaka ang karakarakang pinatay ng mga elemento ng Bravo Coy ng 56th IB nitong Enero 27 matapos pag-initan ng mga sundalo ang mga residente nang makatakas si Reynold Carillo, 18, isa sa mga magsasakang dinampot ng militar. Dalawa namang residente ng Sityo Lagasan, Barangay Nagbinlod, na nagngangalang Willy, 30 at Biano, 60 ang patuloy na ginagamit bilang giya at panangga ng nag-ooperasyong mga sundalo.

Enero 4. Dinukot ng pitong ahente ng Intelligence Service of the AFP (ISAFP) si Melvin Yares, 27, tagapangulo ng Kahugpungan sa Kabus sa Basak (KAKABAS) sa Lapu-Lapu City. Nangyari ito bandang alas-9:30 ng gabi sa kanto ng Lincoln at Plaridel St. sa Carbon Public Market. Pilit siyang isinakay sa isang puting van, piniringan, ibinibimbin at ipinailalim sa interogasyon hinggil sa kaugnayan umano niya sa BHB. Ani Yares, pinilit din siyang maging espiyang militar, magpanggap na sumukong Pulang mandirigma at humarap sa midya para batikusin ang Kadamay, Anakpawis at iba pang mga ligal na

progresibong organisasyon. Nagkaroon siya ng pagkakataong tumakas bandang alas-2 ng madaling araw noong Enero 6 nang dalhin siya sa isang madilim at ilang na lugar sa Sityo Timpolok, Barangay Gun-ob, Lapu-Lapu City para tortyurin. Tumakbo siya patungo sa isang dumaraang sasakyan at tumalon sa kabilang dako ng kalsada. Plano ni Yares na sampahan ng kaso ang mga militar na dumukot sa kanya. ~

Report this post as:

Local News

More Pix: "Families Belong Together," Pasadena J02 12:16PM

"Families Belong Together" March, Pasadena J02 12:08PM

Short Report on the Families Belong Together Protest in Los Angeles J30 4:26PM

Summer 2018 National Immigrant Solidarity Network News Alert! J10 11:58PM

Watch the Debate: Excluded Candidates for Governor of California M30 10:20PM

Change Links June 2018 posted M28 12:41AM

The Montrose Peace Vigil at 12 Years M22 1:01PM

Unity Archive Project M21 2:42AM

Dianne Feinstein's Promotion of War, Secret Animal Abuse, Military Profiteering, Censorshi M17 3:22PM

CA Senate Bill 1303 would require an independent coroner rather than being part of police M10 2:08PM

Three years after OC snitch scandal, no charges filed against sheriffs deputies M10 1:57PM

California police agencies violate Brown Act (open meetings) M02 1:31PM

Insane Company Wants To Send Nuke Plant Waste To New Mexico A29 4:47PM

Change Links May 2018 A27 1:40AM

Worker-Owned Car Wash on Vermont Closed A26 10:37PM

GUIDE TO REBEL CITY LOS ANGELES AVAILABLE A12 5:39PM

lausd whistle blower A10 11:58PM

Website Upgrade A10 3:02AM

Help KCET and UCLA identify 60s-70s Chicano images A04 1:02PM

UCLA Luskin: Casting Youth Justice in a Different Light A02 11:58AM

Change Links April 2018 A01 11:27AM

Nuclear Shutdown News March 2018 M31 6:57PM

Join The Protest Rally in Glendale on April 10, 2018! M29 7:00PM

Spring 2018 National Immigrant Solidarity Network News Alert! M19 2:02PM

Anti-Eviction Mapping Project Shows Shocking Eviction Trends in L.A. M16 5:40PM

Steve Mnuchin video at UCLA released M15 12:34AM

Actress and Philanthropist Tanna Frederick Hosts Project Save Our Surf Beach Clean Ups M06 12:10PM

After Being Told He's 'Full of Sh*t' at School Event, Mnuchin Demands UCLA Suppress Video M02 11:44AM

More Local News...

Other/Breaking News

Democratic Socialists of America J14 4:57PM

Leonard Peltier Non Violent Native American Political Prisoner since 1970's J14 4:18PM

Paraphysique miscellanées de l'aggiornamento J14 12:54AM

Actress and Philanthropist Tanna Frederick Hosts Project Save Our Surf Beach Cleanup J13 4:14PM

FBI Investigated LA County Sheriff Baca,Why Not Hank Skinner's Persecution? J13 3:52PM

Updated Partial List Of Famous Vegetarians, Vegans, & Fruitarians J13 2:59PM

The Shortwave Report 07136/18 Listen Globally! J12 4:36PM

Social Policy as Social Infrastructure J12 3:38AM

Vol I: 84 Varieties Of GOP Election Fraud J12 1:50AM

Texas Can Call it An Execution,But It is A State Sponsored Murder of Hank Skinner.. J11 6:48PM

June 2018 Honduras coup update J11 3:35PM

Maria Estrada doubles down on racist support J11 1:40PM

New York Women in Film & Television Announces 2018 NYWIFT Ha Phuong Scholarship Recipients J11 10:14AM

Trapps de la domination, trapps de l'aliénation J11 1:31AM

Please Work For The Defeat Of Brett Kavanaugh And Why J09 8:54PM

Change Links 2018 July posted J09 1:27PM

Transinhumanisme ( transe inhumanisme ) J09 12:44PM

Google, World's Biggest Censor, Was Founded By The CIA J09 10:25AM

For a World Free of Nuclear Risks J09 8:29AM

Corrupt CDC Ignores Meat Fish Recalls J09 4:55AM

The (Temporary) End of Globalization J09 3:03AM

Aternatives to Abortions such as Plan B the pill, condoms and IUD J08 4:03PM

U.S Congressional Legal Minds Know Better Than Allowing Texas To Murder Hank Skinner J08 3:37PM

ACLU in many US states defends in court KKK and American Nazis Sometimes for Money J07 11:28PM

Judge Brett Kavanaugh: 12 Of Many Reasons To Oppose Him J07 9:00AM

Insensibilité engrammée J07 2:37AM

Silver Lining J07 12:21AM

The Shortwave Report 07/06/18 Listen Globally! J05 4:38PM

More Breaking News...
© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy