Huwag Kalilimutan ang Mga Krimen ng Diktador na si Suharto Laban sa Mamamayang Indones

by Pesante-USA Sunday, Feb. 03, 2008 at 8:48 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Para sa mga makabayang Pilipino hindi dapat malimutan o patawarin ang mga krimen ng yumaong diktador ng Indonesia na si Heneral Suharto laban sa mga Indones at Sillangang Timor. Dahil dito, mariing kinokondena ng Pesante-USA ang pagbibigay ng gobyernong Indones at ng kanyang mga kasabwat sa militar ng parangal kay Suharto. Namatay si Suharto nang hindi napagbayaran ang mga krimen niya laban sa mamamayan.

Huwag Kalilimutan ang Mga Krimen ng Diktador na si Suharto Laban sa Mamamayang Indones at Silangang Timor

Los Angeles—Para sa mga makabayang Pilipino hindi dapat malimutan o patawarin ang mga krimen ng yumaong diktador ng Indonesia na si Heneral Suharto laban sa mga Indones at Sillangang Timor.

Dahil dito, mariing kinokondena ng Pesante-USA ang pagbibigay ng gobyernong Indones at ng kanyang mga kasabwat sa militar ng parangal kay Suharto. Namatay si Suharto nang hindi napagbayaran ang mga krimen niya laban sa mamamayan.

Tulad ni Marcos sa Pilipinas ni hindi man siya naparusahan o ni nabasahan ng sakdal. Katulad ng diktador na si Marcos at Pinochet, lagi nilang idinadahilan ang kanilang pagkakasakit upang di sila mausig o makulong.

Marcos at Suharto, parehong pasista.

Katulad ni Marcos na nagpasasa sa yaman ng bayan,sa loob ng 14 taong paghaharing diktador, ninakawan ni Suharto ng mahigit $ 35 bilyon ang mga mamamayang Indones sa loob ng kanyang 35 taong paghahari. Ito ang naging dahilan ng labis na paghihirap at pagdarahop ng masang Indones.

Ganito rin ang karansanng mamamayang Pilipino. Ngunit kaiba sa mga Indones, hinding hindi pinatawad ng masa si Marcos. Tutol sila na ilibing ito sa libingan ng mga bayani. Tanging mga naghaharing-uri tulad nina Heneral Fidel Ramos at Gloria-Macapagal Arroyo ang nagbigay galang at tumutulad sa yumaong diktador Marcos sa Pilipinas.

Hindi lamang milyong Indones ang nilipol ni Suharto,noong magkudeta sila noong 1965. Muli , sa tulong ng Estados Unidos, sinalakay ni Suharto ang Silangang Timor. Kalalaya lamang ng Silangang Timor mula sa mga kolonyalistang Portuges noong 1975 ng salakayin sila nina Suharto at sinakop ito hanggang 1998.

Doon ay pinatay ng pasistang militar Indones ang may 300,000 mamamayan mula 1974 hanggang sa ito ay lumaya noong 1999. Katulad ni Marcos na mahigit ilang daang libo ang pinatay o pinahirapan sa loob ng 14 na taong paghahari ng diktadura sa Pilipinas.

Hinding hindi dapat kalimutan o patawarin ang kanilang kalupitan at kabukutan. Hindi natin dapat kalimutan ang kanilang pasistang paghahari at lagi itong kondenahin ng buong lakas.

Katarungan laban sa biktima ng pasismo! Isumpa at usigin ang mga diktador tulad nina Suharto.

Para sa dagdag na impormasyon, kontakin ang Pesante-USA si Arturo P.Garcia sa (213)241-0995 at sa email sa magsasakapil@hotmail.com



Original: Huwag Kalilimutan ang Mga Krimen ng Diktador na si Suharto Laban sa Mamamayang Indones