Palparan, sangkot sa pagdukot--Court of Appeals

by AJLPP Saturday, Jan. 12, 2008 at 5:05 PM
ajlpp_socal@yahoo.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Naiulat mula sa mga tagapagbalita ng AJLPP na diumano sangkot si Brig. Gen. Jovito Palparan at ang ilan tauhang militar sa pagdukot sa magkapatid na Reynaldo at Raymond Manalo noong 2006, ayon sa 2 d Division ng Court of Appeals (CA). Ang 30-pahinan desisyon ay inilabas noong huling linggo ng Disyembr ekaugnay ng paggawad ng writ of amparo sa magkapatid.

Palparan, sangkot sa pagdukot--Court of Appeals


Manila- Naiulat mula sa mga tagapagbalita ng AJLPP na diumano sangkot si Brig. Gen. Jovito Palparan at ang ilan tauhang militar sa pagdukot sa magkapatid na Reynaldo at Raymond Manalo noong 2006, ayon sa 2 d Division ng Court of Appeals (CA). Ang 30-pahinan desisyon ay inilabas noong huling linggo ng Disyembr ekaugnay ng paggawad ng writ of amparo sa magkapatid.

Si General Palparan ay dating hepe ng 7th Infantry Division na nakabase sa Central Luzon. Ayon sa CA, napatunayang ang magkapatid ay dinukot, tinortyur at dinetine ng mga elemento ng 7th Infantry Division at na ito'y may buong kaalaman ni Palparan.

Isinalaysay ng magkapatid sa korte na mismong si Palparan ay pumunta sa kanilang kulungan para pagsabihan sila na di dapat magsumbong sa mga awtoridad ang kanilang mga kamag-anak.

Si M/Sgt. Donald Caigas, isa sa mga pinangalanang tauhan ni Palparan na sangkot din sa pagdukot sa magkapatid ay inaresto kamakailan sa ibang kaso ngunit siya'y nakapagpyansa at kaagad pinakawalan. Kahit maraming kasong nakasalang laban sa kanya, ipinadala siya ng rehimeng Arroyo sa Haiti bilang myembro ng United Nations Stabilization Mission doon.

Kaugnay nito, nananawagan ang Karapatan-Gitnang Luzon na dapat arestuhin at kasuhan si Palparan sa kanyang pamumuno at partisipasyon sa serye ng mga pagdukot, enforced disappearances at ekstrahudisyal na pamamaslang sa mga aktibista.

****