Pambansa-koordinadong protesta at welgang transportasyon, tagumpay!

by Pesante-USA Thursday, Dec. 20, 2007 at 4:48 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0995 337 Glendale blvd. Los Angeles, CA 90026

IPINAHAYAG ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayong umaga na tagumpay ang pambansa-koordinadong protesta at welgang transportasyon bago pa man ito sinimulan ngayong araw. Sinabi ni Elmer ‘Ka Bong’ Labog, Tagapangulo ng KMU na ang pahayag ng Department of Energy (DOE) na wala nang susunod pang pagtataas ng presyo ng langis ngayong Disyembre at anunsyo ng LPGMA o LPG Marketers Association na magrorolbak sila ng presyo ng LPG sa mga susunod na araw, sa bisperas ng pagdaraos ng welgang transportasyon ay mga malinaw na positibong mga reaksyon sa mga lehitimong panawagan at sentimyento ng mga demonstrador.

Pambansa-koordinadong protesta at welgang transportasyon, tagumpay bago pa man ito naisagawa ngayong araw - KMU

Submitted by KMU on Thu, 2007-12-13 12:09. :: Balita

Manila--IPINAHAYAG ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayong umaga na tagumpay ang pambansa-koordinadong protesta at welgang transportasyon bago pa man ito sinimulan ngayong araw.

Sinabi ni Elmer ‘Ka Bong’ Labog, Tagapangulo ng KMU na ang pahayag ng Department of Energy (DOE) na wala nang susunod pang pagtataas ng presyo ng langis ngayong Disyembre at anunsyo ng LPGMA o LPG Marketers Association na magrorolbak sila ng presyo ng LPG sa mga susunod na araw, sa bisperas ng pagdaraos ng welgang transportasyon ay mga malinaw na positibong mga reaksyon sa mga lehitimong panawagan at sentimyento ng mga demonstrador.

Inirehistro ng KMU, PISTON at iba pang militanteng organisasyon na ang tatlong mayor nilang panawagan sa gubyernong Arroyo ay ang mga sumusunod: agarang pagpapatigil sa pagtataas ng presyo ng langis, ang pagbabasura o pagpapawalambisa sa Oil Deregulation Law at pagtatanggal sa 12-porsiyentong value-added tax sa mga produktong petrolyo.

“ Muli, pinatunayang tama kami na ang malakas na kolektibong hiyaw ng protesta at militanteng pagkilos sa mga lansangan ng mga Pilipino ay magtutulak sa gubyernong Arroyo upang makinig at gumawa ng mga hakbang. Samantala, hindi naman kailangang maibaba ang antas ng ating pagiging mapagbantay dahil batay sa ating karanasan na kapag nawala na ang atmposhere of protest ay magsasagawa ang gubyernong Arroyo at mga kumpanya ng langis ng muling sunud-sunod na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo. Kailangan kung gayong patuloy nating igiit ang ating tatlong mayor na panawagan: agarang pagpapatigil sa pagtataas ng presyo ng langis, ang pagbabasura o pagpapawalambisa sa Oil Deregulation Law at pagtatanggal sa 12-porsiyentong value-added tax sa mga produktong petrolyo,” sabi ni Labog.

Nagpasalamat ang lider-manggagawa sa mga drayber, maliliit na opereytor at publiko sa inisyal na suportang ipinamalas nila sa pambansa-koordinadong protesta at welgang transportasyong ngayong umaga.

“ Kami ay labis na nagagalak na batay sa aming monitoring ngayong umaga, malaking bilang ng mga tsuper ng dyip ang lumahok sa protesta at welga. Kabaligtaran sa ipinagmamayabang ng mga upisyal ng gubyernong Arroyo na magiging minimal o maliit ang epekto ng welgang transportasyon, nakasama namin maging ang mga miyembrong tsuper ng mga grupo ng transportasyong nagpahayag kahapon na di sasama sa aming tigil-pasada. Pinapatunayan lamang nito na lehitimo an gaming ipinaglalaban. Sa kabilang banda, inaasahan din naming sa pagtatapos ng hapong ito ay idedeklara ng gubyernong Arroyo katulong ang mga spin doctors sa media na bigo ang pambansang welgang transportasyon, partikular sa Metro Manila, kagaya ng laging ginagawa nito sa nakaraan, upang panghinaan ng loob ng mga drayber na huwag lumahok sa mga katulad na pagkilos sa hinaharap,” diin ni Labog. ###

Original: Pambansa-koordinadong protesta at welgang transportasyon, tagumpay!