Mahigit 16,000 biktima ng paglabag sa karapatang-tao, naitala ng Karapatan

by AJLPP Monday, Dec. 17, 2007 at 7:13 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-2410-06 537 Glendale Blvd. Los Angeles,CA 90026

Iniulat ngayon ng AJLPP ayon sa tipong ulat ng KARAPATAAN, grupong nagtatanggol sa karapatang pantao na umabot sa 330 insidente ng paglabag sa karapatang-tao na bumiktima sa 16,307 katao ang naitala ng Karapatan ngayong taon 2007. Kabilang dito ang mga sumusunod

Mahigit 16,000 biktima ng paglabag sa karapatang-tao, naitala ng Karapatan

Los Angeles --Iniulat ngayon ng AJLPP ayon sa tipong ulat ng KARAPATAAN, grupong nagtatanggol sa karapatang pantao na umabot sa 330 insidente ng paglabag sa karapatang-tao na bumiktima sa 16,307 katao ang naitala ng Karapatan ngayong taon 2007.
Kabilang dito ang mga sumusunod:

-68 biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang;
-35 biktima ng iba pang uri ng pampulitikang pagpatay;
-26 na biktima ng pagdukot na nawawala pa rin;
-walong biktima ng pagdukot na natagpuan o pinakawalan;
-29 na biktima ng tortyur; 129 biktima ng iligal na pang-aaresto;
-116 biktima ng iligal na detensyon;
-330 biktima ng pagbabanta, harasment at pananakot;
-7,542 biktima ng sapilitang pagpapabakwit at
-3,600 biktima ng hamletting.

Anang Karapatan, mas mababa ang kasalukuyang bilang ng 68 biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang kumpara sa 209 biktima noong 2006 dahil sa matinding presyur sa rehimeng Arroyo mula sa internasyunal na komunidad.

Ulat ng UN sa Karapatang Pantao

Tinukoy nito ang pinal na ulat ni UN Special Rapporteur Philip Alston na inilabas nitong Nobyembre 27 na nagsasaad na ang istratehiyang "counter-insurgency" ng rehimeng Arroyo ang siyang nagsisilbing balangkas ng mga ekstrahudisyal na pamamaslang.

Binanggit dito na ang AFP ay “nagkakaila sa mga kasalanan nito”.Naging epektibo din at nakatulong ang ang desisyon ng Senado ng US na iangkla ang dagdag na ayudang militar sa pagtalima ng gubyernong Arroyo sa rekomendasyon ni Alston na resolbahin ang problema ng mga pampulitikang pamamaslang at parusahan ang mga salarin.

Maging ang husga ng Permanent People's Tribunal na ang mga rehimeng Arroyo at rehimeng Bush ay kapwa nagkasala sa malawakan at sistematikong paglabag sa karapatang-tao, pandarambong sa ekonomya at paglapastangan sa soberanya ng mamamayang Pilipino ay nagging mabisa.

Iginigiit ng Karapatan ang pagbibitiw ni Gloria Arroyo kaalinsabay ng panawagan sa mga dayuhang gubyerno na itigil na ang lahat ng ayudang militar nila sa Pilipinas.

Panawagan ng World Council of Churches

Bago ito, noong Nobyembre 18 ay nanawagan ang World Council of Churches (WCC) sa rehimeng Arroyo na itigil na ang mga paglabag sa karapatang-tao sa Pilipinas. Ipinahayag ito ng WCC nang bumisita sa Pilipinas si Rev. Dr. Samuel Kobia, pangkalahatang kalihim nito, para makipagkita sa mga pamilya ng mga biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang, mga kinatawan ng National Council of Churches in the Philippines at mga pangulo ng myembro at di myembrong mga simbahan ng WCC.

Masugid na sinusuportahan ng WCC ang mga pagkilos at pagbubunyag laban sa mga paglabag sa karapatang-tao sa Pilipinas. Sinamahan si Rev. Dr. Kobia nina Justice Sophia Adinyira ng Anglican Church of the Province of West Africa; Rev. Dr. Sandy Yule, national secretary ng Christian Unity, Uniting Church of Australia; at Dr. Mathews George Chunakara, WCC program executive para sa Asia.

**************