We had a server outage, and we're rebuilding the site. Some of the site features won't work. Thank you for your patience.
imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

white themeblack themered themetheme help
About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
latest news
best of news
syndication
commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
printable version - js reader version - view hidden posts - tags and related articles

3,000 lumikas sa Surigao

by PESANTE-USA Tuesday, Dec. 11, 2007 at 7:38 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-09-6 537 Gledale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Napagalaman ngayon ng AJLPP na lumulubha ang mga paglabag sa karapatang pantao sa Mindanao lalong lalo na sa mga probnsya ng Surigao at Davao. Umaabot na sa halos 3,000 magsasaka an lumikas mula sa 12 komunidad ng Surigao de Sur habang nagpapatuloy ang mga operasyon militar ng mga pwersa ng Eastern Mindanao Comman laban sa Bagong Hukbong Bayan Ayon sa Karapatan-Surigao del Sur Chapter, aabutan na ng Pasko ang mga bakwit sa mga sentro ng ebakwasyon dahil sa mga operasyong militar sa mga bayan ng Lianga, San Agustin, San Miguel, Cagwait at Tago na nagsimula noon pang huling bahagi ng Oktubre.

3,000 lumikas sa Surigao

Los Angeles- Napagalaman ngayon ng AJLPP na lumulubha ang mga paglabag sa karapatang pantao sa Mindanao lalong lalo na sa mga probnsya ng Surigao at Davao.

Umaabot na sa halos 3,000 magsasaka an lumikas mula sa 12 komunidad ng Surigao de Sur habang nagpapatuloy ang mga operasyon militar ng mga pwersa ng Eastern Mindanao Comman laban sa Bagong Hukbong Bayan

Ayon sa Karapatan-Surigao del Sur Chapter, aabutan na ng Pasko ang mga bakwit sa mga sentro ng ebakwasyon dahil sa mga operasyong militar sa mga bayan ng Lianga, San Agustin, San Miguel, Cagwait at Tago na nagsimula noon pang huling bahagi ng Oktubre.

Nauna rito, tinakot at pinagbantaan na ng militar ang mga Manobong nakatira sa 12 barangay sa mga bayan ng Lianga at San Agustin. Bunsod ito ng mga reklamo nila sa pagdami ng mga pwersang militar mula nang pumasok ang mga kumpanyang nagmimina ng mga depositong ginto, tanso at karbon sa Andap Valley.

Ibinunyag ng mga Manobo ang pagkakampo ng mahigit 500 sundalo mula sa 58th IB sa liblib na mga barangay ng Lianga at San Agustin. Inokupa ng mga sundalo ang mga tahanan at paaralan ng komunidad. Dahil sa takot ay napilitang magbakwit ang mga residente mula noong Nobyembre 1 at pumunta sa mga sentrong bayan.

Dumating ang mga sundalo sa mga barangay ng Simowao at Emeral, Lianga noong huling bahagi ng Oktubre na at may dalang mga kanyon. Ininteroga at inilista nila ang mga pangalan ng mga mag-aaral na nasa 7 hanggang 10-taong gulang at inutusang magsumbong kung may makikita silang mga pwersa ng BHB sa lugar. Nagtayo rin sila ng mga tsekpoynt kung saan lahat ng dumadaan ay nirerekisa, inililista ang pangalan at numero ng cellphone, hinahanapan ng ID at iba pa.

Pinagbawalan din ang mga residente na lumabas sa kani-kanilang mga barangay. Pitong paaralang panliterasi ng mga lumad at isang high school sa barangay ang napilitang magsara. Tinatayang 500 mag-aaral sa elementarya at 177 sa hayskul kasama ang 27 guro ang apektado sa operasyon.

Noong Nobyembre 11, inaresto ng militar si Ritchie Enot, 19, taga-Upper Oregon, San Isidro, Lianga habang kumukuha ng yantok sa kagubatan. Pinilit ng militar na magsilbing giya si Enot at pinakawalan lamang siya matapos ang 16 na araw.

Minamanmanan ng militar ang mga kilos at gawaing pangkabuhayan ng mga residente. Pinagbawalan silang pumunta sa kani-kanilang mga bukirin at dahil dito'y may mga pamilyang isang beses na lamang kumakain sa isang araw.
Report this post as:
Share on: Twitter, Facebook, Google+

add your comments


© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy