Ipagdiwang ang Ika-144 Taong Kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio

by Pesante-USA Friday, Nov. 30, 2007 at 10:39 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 1610 Beverly ,Los Angeles,CA 90026

Buong giting na ipagbubunyi ng Pesante-USA bilang nagtataguyod ng layunin ng mga magsasaka at anak-pawis na Pilipino sa Amerika, ng karapatang pangtao at kalikasan ang ika-144 na taong kaarawan ng dakilang proletaryo, Andres Bonifacio – tagaptatag ng Katipunan ngayong ika –30 ng Nobyembre 2007. Naging dramatiko ang pagdiriwang dahil sa araw ring ito noong 1964 itinatag ang Kabataang Makabayan(KM) na nagbandila ng bagong kilusang pampropaganda na naghawan ng landas sa armadong rebolusyon. Dramatiko rin ang protesta ng ginawa ng mga rebeldeng military na pinamumuan nina General Lim at Ltsg. Antonio Trilannes IV ang paglilitis at omukupa sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City laban sa pangigipit ng administrasyong US-Gloria Macapagal-Arroyo.

Pahayag ng Pesante-USA

Ipagdiwang ang Ika-144 Taong Kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio

Los Angeles--Buong giting na ipagbubunyi ng Pesante-USA bilang nagtataguyod ng layunin ng mga magsasaka at anak-pawis na Pilipino sa Amerika, ng karapatang pangtao at kalikasan ang ika-144 na taong kaarawan ng dakilang proletaryo, Andres Bonifacio – tagaptatag ng Katipunan ngayong ika –30 ng Nobyembre 2007.

Naging dramatiko ang pagdiriwang dahil sa araw ring ito noong 1964 itinatag ang Kabataang Makabayan(KM) na nagbandila ng bagong kilusang pampropaganda na naghawan ng landas sa armadong rebolusyon.

Dramatiko rin ang protesta ng ginawa ng mga rebeldeng military na pinamumuan nina General Lim at Ltsg. Antonio Trilannes IV ang paglilitis at omukupa sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City laban sa pangigipit ng administrasyong US-Gloria Macapagal-Arroyo.

Nakikiisa rin ang Pesante-USA sa kasalukuyang pakikibaka ng uring magsasaka para sa lupa kapwa sa legal at di-legal na paraan sa kanyunan. Tumpak lamang na pagibayuhin ng mga magsasaka ang kanilang pakkibka para sa tunay na reporma sa lupa.

Suliranin sa lupa sa ilalim ng mga kasikeng Kastila ang dahilan ng rebolusyong 1896. Ito pa rin ang suliranin sa panahon ng paghahari ng Rehimeng US-Arroyo na patuloy pang lumalala.

Mahigpit kaming sumusuporta sa pambasang welga sa transportasyon sa Disyembre ng ANAKPAWIS at ng KMU laban sa pagtataas ng presyo ng gasoline. Kapwa makatarungan at tama ang hakbang na ito.

Mabuhay ang diwa ni Gat. Andres Bonifacio!

Isulong ang pakkibaka para tunay na reporma sa lupa.

Pesante-USA

Nobyembre 30,2007





Original: Ipagdiwang ang Ika-144 Taong Kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio