SUMAMA SA MARTSA-RALI SA HUNYO 24

by AJLPP-USA Sunday, Jun. 24, 2007 at 3:29 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

GANAP NA KARAPATAN PARA SA MGA MIGRANTE! Nanawagan ang lahat ng mga grupong nagtataguyod para sa ganap na karapatan para sa lahat ng migrante lalo na sa lahat ng mga Pilipino na aktibong lumahok sa demosntrasyon sa Linggo, Hunyo 24, 2007 sa Hollywood and Vine sa Los Angeles. Gusto ng mga naghaharing uri na sila ang magdesisyon kung ano ang kapalaran ng 12 millyong migrante at manggagawang walang papeles na tinatwag nilang “ilegal’ dito sa Amerika. Ang sabi natin at HINDI! HINDI tayo papayag na alisin nila ang petisyon para sa mga pamilya at ibawal ang pagpepetisyon ng mga magulang at mga kapatid. Hindi rin tayo payag na ipalit nila sa batas sa family reunification ang “ guest worker program” na nakabatay sa mga puntos na masyadong magulo at hindi maintindihan at pabor sa mga kapitalis

SUMAMA SA MARTSA-RAL...
22a_00050.jpgqsurpi.jpg, image/jpeg, 2400x1600

GANAP NA KARAPATAN PARA SA MGA MIGRANTE!

LEGALISASYON NGAYON!

SUMAMA SA MARTSA-RALI SA HUNYO 24 SA LOS ANGELES

Nanawagan ang lahat ng mga grupong nagtataguyod para sa ganap na karapatan para sa lahat ng migrante lalo na sa lahat ng mga Pilipino na aktibong lumahok sa demosntrasyon sa Linggo, Hunyo 24, 2007 sa Hollywood and Vine sa Los Angeles.

Gusto ng mga naghaharing uri na sila ang magdesisyon kung ano ang kapalaran ng 12 millyong migrante at manggagawang walang papeles na tinatwag nilang “ilegal’ dito sa Amerika. Ang sabi natin at HINDI! HINDI tayo papayag na alisin nila ang petisyon para sa mga pamilya at ibawal ang pagpepetisyon ng mga magulang at mga kapatid. Hindi rin tayo payag na ipalit nila sa batas sa family reunification ang “ guest worker program” na nakabatay sa mga puntos na masyadong magulo at hindi maintindihan at pabor sa mga kapitalista

Ang gusto natin ay madinig ang boses ng mga migrante at manggagawa at makasama tayo sa debate. Tutol din tayo na tapusin na ang debate at panatilihin ang mapangaping kalagayan na nagsasamantala at nagpapahirap sa 12 milyong manggagawang migrante. Kaya lumahok tayong lahat at buong lakas na isigaw ang ating panawagan.

Komon na pahayag: Alyansa –Pilipinas (AJLPP), April 7 Coalition International ANSWER-LA.People’s CORE, Echo Park Community Coalition (EPCC), Kabataang maka-Bayan (KMB), Justice for Filipino American Veterans(JFAV), GAbnet-LA, Pilipino Workers Center (PWC) . Samahang Pilipino ng UCLA, Ecumenical Fellowship for Justice and Peace, Sanctuary Movement atp.

*****