We had a server outage, and we're rebuilding the site. Some of the site features won't work. Thank you for your patience.
imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

white themeblack themered themetheme help
About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
latest news
best of news
syndication
commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
printable version - js reader version - view hidden posts - tags and related articles

Samantalahin ang lumalalim na krisis pampulitika

by Pesante-USA Monday, Jun. 11, 2007 at 4:57 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Ang naghaharing rehimeng Arroyo na mismo ang lumilikha ng kundisyon para sumambulat ang tumitinding krisis pampulitika at humantong ito sa maigting na pagtutuos sa pagitan nito at ng mamamayan. Sa desperadong pagpupumilit ng rehimen na makapangunyapit sa poder lampas pa sa 2010, ginawa nito ang lahat para maipanalo ang mga kandidato nito sa kagaganap na eleksyon. Nagsagawa ito ng todo-todong pandaraya at maruruming maniobra, panggigipit sa mga kalaban at malawakang paghahasik ng karahasan.

RP Update
June 10, 2007

Statement of the Revolutionary Movement in the Philippines
June 10, 2007

Samantalahin ang lumalalim na krisis pampulitika

Manila--Ang naghaharing rehimeng Arroyo na mismo ang lumilikha ng kundisyon para sumambulat ang tumitinding krisis pampulitika at humantong ito sa maigting na pagtutuos sa pagitan nito at ng mamamayan.

Sa desperadong pagpupumilit ng rehimen na makapangunyapit sa poder lampas pa sa 2010, ginawa nito ang lahat para maipanalo ang mga kandidato nito sa kagaganap na eleksyon. Nagsagawa ito ng todo-todong pandaraya at maruruming maniobra, panggigipit sa mga kalaban at malawakang paghahasik ng karahasan.

Sa pamamagitan ng pagkopo nito ng malaking mayorya sa Kongreso at mga lokal na pamahalaan, tinitiyak ng rehimen na mahaharang nito ang panibagong impeachment. Mairaratsada na rin nito ang matagal nang ipinagpipilitang pagbabago sa konstitusyon upang bigyang-daan ang higit na panunupil nito sa bayan at pagkapit sa poder. Sa

gayon, inaasahan nitong mas maluwag na makatatamasa ito at ang amo nitong imperyalismong US ng higit na biyaya sa ekonomya, pulitika at militar sa kapinsalaan ng bansa at mamamayang Pilipino.

Sa kabila ng todo-todong pagsisikap na dayain ang eleksyon, hindi nito lubusang nakontrol ang eleksyon sa Senado, party-list at sa ilang distritong kongresyunal at lokal na pamahalaan. Pero
hanggang sa huling sandali'y pilit na sinisikap pa rin ng kampong Arroyo na makapaglaglag pa ng kandidato ng oposisyon at makapagpapasok ng mga kandidato ng Malacañang.

Gumagawa rin ang Comelec at mga opereytor ni Arroyo ng iba't ibang paraan sa pandaraya upang mabawasan pa ang makukuhang pwesto ng mga progresibong organisasyong party-list.

Lalong nagpupuyos ang damdamin ng mamamayan sa tuluy-tuloy pang nalalantad na matitinding kaso ng pandaraya at pandarahas sa eleksyon na kalakha'y kagagawan ng kampong Arroyo.

Pinakahuli lamang ang mga ito sa mahaba nang listahan ng mga pang-aabuso at paglapastangan sa kanilang mga karapatan at interes.

Sariwa pa rin sa isipan ng mamamayan ang huwad na pagkapanalo ni Arroyo noong 2004 na pinatampok ng iskandalong "Hello Garci." Saksi sila kung papaano inabuso ni Arroyo ang kapangyarihang hindi karapat-dapat na mapasakanya. Hindi na nila mapalalampas muli ang pagsangkalan na naman ng pekeng pangulo sa huwad na pananagumpay ng kanyang mga alipures para supilin ang mga lumalaban sa rehimen at itulak ang mga hakbanging magbibigay-daan sa tuluy-tuloy na pamamayagpag nito sa kapangyarihan.

Pinabubulaan ng lubhang paghihikahos ng dumaraming mamamayan ang ipinagmamalaki ng rehimeng Arroyo na pag-unlad umano ng ekonomya.

Taumbayan ang bumabalikat sa pagbayad ng mabigat na pasaning buwis at utang na ipinapataw ng rehimen. Pero ang isinusukli naman sa kanila'y salat at bulok na mga batayang serbisyong panlipunan. Samantala, buong kahayukan ang pandarambong ng mga imperyalistang dayuhan at kakutsaba nilang malalaking kumprador at burukrata.

Bagsak ang lokal na industriya at agrikultura at papalala ang disempleyo dahil sa mapagsamantala, mapang-api at maka-imperyalistang mga patakaran sa ekonomyang masugid na itinataguyod ng rehimeng Arroyo.

Ibayo pang pagkasuklam ang nararamdaman ng mamamayan sa rehimen at mga armadong galamay nito dahil sa walang tigil na mga pamamaslang, pagdukot, malawakang terorismo at iba pang paraan ng panunupil sa mga aktibista at mamamayang mahigpit na tumututol sa umiiral na bulok at malupit na paghahari.

Batid ng rehimen na ang mga rebolusyonaryo at progresibong pwersa at masusugid na oposisyunista ang pinakamalalaki, pinakasolido at pinakamalalakas na sagka sa pagpapalawig pa ng paghahari nito lampas sa kasalukuyang termino ni Arroyo. Dahil dito'y nagbalangkas na rin ang rehimen ng plano para patindihin ang panunupil at saywar mula 2007 hanggang 2010 na tumatarget sa mga pangunahin nitong kaaway. Oras na magkabisa na ang Anti-Terrorism Law sa Hulyo, isa ito sa mga magiging pangunahing instrumento ng karahasan at panunupil na gagamitin ng rehimen laban sa kanila.

Dapat nang itransporma ang nag-uumapaw na galit ng mamamayan kay Gloria Arroyo upang mabuo ang isang malawak at malakas na kilusang protestang hahantong sa tuwiran at mapagpasyang pakikipagtuos sa rehimen.

Dapat pabilisin ang pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa mamamayan sa kalunsuran at kanayunan para mabuo ang malakas na pwersang may kapasyahang lumaban at humamon sa rehimen.

Dapat ding buuin ang pinakamalawak na nagkakaisang prenteng anti-Arroyo na magsusulong ng higanteng kilusang protestang hahantong sa pagpapatalsik sa kamuhi-muhing naghaharing pangkatin.

Dapat ding pabilisin ang pagpapalaki at pagpapalakas ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa at mga rebolusyonaryong base. Mahalaga ang malawakang paglulunsad ng masisiglang rebolusyonaryong pagkilos ng masa.

Kailangang patuloy na paigtingin ang mga taktikal na opensiba para parusahan ang mga pasistang armadong pwersang nagsisilbing pangunahing salalayan ng rehimen at dulutan sila ng mga suntok sa katawan at ulo na mabisang makapagpapahina sa rehimen at makapag-aambag sa pagpapabilis ng pagbabagsak nito.

**********


Report this post as:
Share on: Twitter, Facebook, Google+

add your comments


© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy