Sampal kay Arroyo

by AJLPP-USA Tuesday, May. 22, 2007 at 2:18 PM
ajlpp_socal@yahoo.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Sa kabila ng todo-todong pandaraya manipulasyon at pandarahas ng MalacaƱang a mga instrumento nito, di nagawang burahin an boto ng mamamayan laban sa rehimeng Arroyo Nakapagkamit ng makabuluhang tagumpay ang mg progresibong partido at oposisyon sa halalan s Senado, sa party-list, sa ilang pamahalaang lokal at distritong kongresyunal. Malaking sampal sa rehimeng US-Arroyo ang pangunguna ng mga oposisyunista at mga progresibong grupong party-list sa inisyal na resulta ng mga bilangan. Kahit sa mga balwarte umano ng mga alipures ni Arroyo tulad ng Cebu, Iloilo, Negros Occidental at Eastern Samar ay bigo silang tiyakin ang solidong boto para sa lahat ng kandidato ng MalacaƱang. Nangunguna sa halalan sa Senado ang nakararaming kandidato ng Genuine Opposition. Kabilang sa 12 na may pinakamataas na boto si dating Ltsg. Antonio Trillanes IV, isa sa mga lider ng pag-aalsa sa Oakwood noong 2003 at isa rin sa mga pinakamariing tumutuligsa kay Gloria Arroyo. Ito'y sa kabila ng kanyang pagkakakulong ngayon sa Camp Bonifacio, kakulangan ng pera at makinaryang pangampanya.

Paliwanag; Inilathala ng AJLPP ang artikulong ito na lumabas sa internet Mayo 20, 2007 bilang pagsusuri ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas hinggil sa nakaraang halalan na tinampukan ng pandaraya at karahasan.

**********

Sampal kay Arroyo

Manila-- Sa kabila ng todo-todong pandaraya manipulasyon at pandarahas ng Malacañang a mga instrumento nito, di nagawang burahin an boto ng mamamayan laban sa rehimeng Arroyo Nakapagkamit ng makabuluhang tagumpay ang mg progresibong partido at oposisyon sa halalan s Senado, sa party-list, sa ilang pamahalaang lokal at distritong kongresyunal.

Malaking sampal sa rehimeng US-Arroyo ang pangunguna ng mga oposisyunista at mga progresibong grupong party-list sa inisyal na resulta ng mga bilangan. Kahit sa mga balwarte umano ng mga alipures ni Arroyo tulad ng Cebu, Iloilo, Negros Occidental at Eastern Samar ay bigo silang tiyakin ang solidong boto para sa lahat ng kandidato ng Malacañang.

Nangunguna sa halalan sa Senado ang nakararaming kandidato ng Genuine Opposition. Kabilang sa 12 na may pinakamataas na boto si dating Ltsg. Antonio Trillanes IV, isa sa mga lider ng pag-aalsa sa Oakwood noong 2003 at isa rin sa mga pinakamariing tumutuligsa kay Gloria Arroyo. Ito'y sa kabila ng kanyang pagkakakulong ngayon sa Camp Bonifacio, kakulangan ng pera at makinaryang pangampanya.

Tampok din sa halalan sa Senado ang maliit na botong nakukuha ng pangunahing mga tagapagsalita ng rehimeng Arroyo, kabilang sina Mike Defensor at Prospero Pichay.

Sa halalan para alkalde ng Makati City, bumuhos ang boto para kay Jejomar Binay, ang oposisyunistang meyor na makailang ulit na sinubukang suspindihin ng Malacañang, gayundin sa katiket niya para sa vice mayor, konseho at mga distritong kongresyunal ng Makati. Sa kabilang banda, mga 10% lamang ng mga boto ang nakuha ni Lito Lapid, ang sugo ni Arroyo na pinatakbo niya laban kay Binay.

Nagwagi naman sa Pasay City ang napatalsik na oposisyunistang meyor na si Wenceslao "Peewee" Trinidad matapos gawin ang lahat ng Malacañang para ipakulong siya noong 2006 dahil sa mga gawa-gawang kaso.

Sa Maynila, tinalo ni Alfredo Lim si Ali Atienza, anak ng kasalukuyang alkalde ng Maynila na isa sa mga pinakamasusugid na alyado ni Arroyo at tagasupil ng mga rali sa Maynila. Nangako si Alfredo Lim na ibabasura na niya ang patakaran ng pagbabawal ng rali sa Mendiola.

Sa unang distrito ng South Cotabato, walang panama ang kasikatan ng boksingero at tuta ng Malacañang na si Manny Pacquiao kay Darlene Antonino-Custodio, isa sa mga oposisyunistang kongresistang nanguna sa pagsusulong ng kasong impeachment.

Sa unang distrito ng Bukidnon, tinalo ni Malou Acosta, isang oposisyunista, si Virgilio Garcillano, ang opereytor na nakilala ng buong bayan bilang "Garci" nang malantad ang pagsasabwatan nila ni Gloria Arroyo sa pandaraya sa eleksyon.

Sa Naga City, talo ng oposisyunistang si Jesse Robredo ang kandidato ng administrasyon sa pagkaalkalde na si Jojo Villafuerte, pamangkin ni Luis Villafuerte na presidente ng partido pulitikal ni Arroyo. Ito'y sa kabila ng pagtatangka ng Malacañang at mga Villafuerte na madiskwalipika si Robredo. Inakusahan siyang hindi Pilipino dahil ang lolo niya sa tuhod ay galing sa China.

Sa Pampanga, ang prubinsya ni Gloria Arroyo, isa sa pinakamatutunog na sampal sa mukha ng pekeng presidente ang pananaig ng baguhang si Fr. Ed Panlilio sa kapwa maka-Arroyo na mga kandidatong sina Lilia Pineda at Mark Lapid. Si Lilia Pineda ay asawa ni Bong Pineda, isang malaking jueteng lord, kababayan at mahigpit na kaalyado ni Arroyo. Si Mark Lapid, na malapit din kay Arroyo, ay inaakusahang nangupit ng hanggang bilyong pisong bayad sa gubyerno ng mga naghahakot ng graba mula sa mga ilog ng Pampanga.

Sa Iloilo, maagang tumanggap ng pagkatalo sa halalan pagkagubernador si Roberto Armada, kandidato ni Arroyo laban sa kasalukuyang gubernador na si Niel Tupas Sr. Si Tupas ay isang kilalang oposisyunista na tinangkang patalsikin ng rehimeng Arroyo sa kapitolyo noong nakaraang Enero.

Sa Isabela, tinalo muli ng nakaupong gubernador na si Grace Padaca ang warlord at maka-Arroyong si Benjamin Dy.

Sa kabila rin ng tuluy-tuloy na kampanya ng pamamaslang, panunupil at pananakot laban sa mga progresibong partido, nangunguna ang Bayan Muna (BM) at Gabriela Women's Party (GWP) sa halalan para sa party-list. Sa talaan ng Namfrel, nasa unang dalawang pwesto ang Bayan Muna at Gabriela Women's Party. Inaasahan ding makakukuha ng sapat na boto ang partidong Anakpawis para makaupo ang minimum na isang kinatawan sa Kongreso.

*****

Original: Sampal kay Arroyo