imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

white themeblack themered themetheme help
About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
latest news
best of news
syndication
commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
printable version - js reader version - view hidden posts - tags and related articles

HINGGIL SA KOMISYONG MELO AT HALALAN SA 2007

by PESANTE-USA Tuesday, Feb. 06, 2007 at 3:21 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Panloloko sa bayan at panibagong inhustisya sa mga biktima ng paglabag sa mga karapatang tao ang kawalang lubos na liwanag tungkol sa nilalaman ng ulat ng Komisyong Melo. Pinapaugong ng Malakanyang na inaakusahan ng ulat ang militar at Heneral Palparan tungkol sa ilang pamamaslang. Kasabay nito, sinasabi rin nila na hindi lamang ang militar at pulis ang gumagawa ng mga krimen. Sa gayon, pinagtatakpan nila ang kriminal na pananagutan ni Gloria M. Arroyo at mga alipuris niyang militar at pulis sa higit ng 820 na pamamamaslang at higit na 200 pagdukot sa ilalim ng Oplan Bantay Laya I at II.

PANAYAM KAY PROP. JOSE MARIA SISON NG PINOY WEEKLY

HINGGIL SA KOMISYONG MELO AT HALALAN SA 2007

Pebrero 4, 2007

Prop. Sison, Magandang araw! Muli nais po namin kayong hingan ng ilang pagtingin/komento sa ilang maiinit na isyu sa ating bayan:

1) Ano pong masasabi ninyo sa ipinalabas na bahagyang ulat ng Komisyong Melo hinggil sa pamamaslang sa mga aktibista at kritiko ng

pamahalaang Arroyo? Bakit si Palparan lamang ang inerekomendang kasuhan ng Komisyon at hindi na nagbigay paliwanag kung may kinalaman ba sa mga pagpatay si Pangulong Arroyo?



JMS: Panloloko sa bayan at panibagong inhustisya sa mga biktima ng paglabag sa mga karapatang tao ang kawalang lubos na liwanag tungkol sa nilalaman ng ulat ng Komisyong Melo. Pinapaugong ng Malakanyang na inaakusahan ng ulat ang militar at Heneral Palparan tungkol sa ilang pamamaslang. Kasabay nito, sinasabi rin nila na hindi lamang ang militar at pulis ang gumagawa ng mga krimen. Sa gayon, pinagtatakpan nila ang kriminal na pananagutan ni Gloria M. Arroyo at mga alipuris niyang militar at pulis sa higit ng 820 na pamamamaslang at higit na 200 pagdukot sa ilalim ng Oplan Bantay Laya I at II.

2) Bagaman inamin nina Hen. Esperon at Pangulong Arroyo na maaaring may ilang militar na sangkot sa pamamaslang, iilan lamang umano sila

at sinabi pa ng dalawa na mismong mga nasa makakaliwang grupo ang pumatay sa kanilang mga kasamahan. Ano pong masasabi ninyo rito?

JMS: Talagang talamak na mga kriminal at sinungaling sina Heneral Esperon at Arroyo. Sila ang mga salarin sa pamamaslang. Pero ibig pa nilang palitawin na ang mga biktima ay dapat sisihin bilang mga kumunista at ibig din nilang palitawin na mga kumunista ang pumaslang sa kanila. Kabaligtaran ito ng katotohanan na bago paslangin ng mga death squad ng militar ang mga biktima ay lantarang pinagbabantaan at ginigipit sila ng mga militar. Sa maraming kaso, may mga saksi sa mga pangyayaring mga militar ang pumapaslang. Kasali sa mga saksi ang mga nakakaligtas sa mga salakay ng mga death squad. Sukdulan ang pagiging demonyo nina Arroyo at Esperon.

3) Ano ho ba ang maitutulong ng mga internasyunal na grupo upang lumabas ang katotohanan hinggil sa patuloy na pamamaslang sa mga kasapi ng militante at progresibong grupo?



JMS: Malaki ang maitutulong ng mga internasyonal na grupo, laluna yong mga may malasakit sa karapatang tao, sa paghahantad ng katotohanan tungkol sa pamamaslang sa mga militante at progresibong aktibista. Mga international fact-finding groups at people’s tribunal ng mga manggagawa, magsasaka, kababaihan, relihyoso, abogado at iba pa ang nauna at patuloy na naghahantad ng katotohanan. Malaki rin ang naging papel ng Amnesty International at iba pang human rights organizations.

Tingnan natin kung ano ang magagawa ng UN Human Rights Committee, UN Human Rights Council at iba pang UN human rights treaty bodies at mga international rapporteurs ng UN. Mahirap umasa sa kanila kahit na kailangang bigyan sila ng impormasyon tungkol sa mga paglabag ng mga karapatang tao. Problema na ang US at rehimeng Arroyo ay nakakapagmaneobra sa loob ng UN.

Sa The Hague sa Marso, magkakaroon ng sesyon ang Permanent People’s Tribunal tungkol sa Pilipinas para litisin ang rehimeng Arroyo at mga imperyalistang kasabwat nito sa paglabag sa mga karapatang tao, pandarambong sa ekonomiya ng Pilipinas at paglabag sa pambansang soberaniya ng sambayanang Pilipino. Mas magaling ang magagawa ng Permanent People’s Tribunal kaysa sa UN sa paglantad sa kaimbihan ng rehimeng Arroyo at mga amo nitong imperyalista.

4) Hinggil naman sa nalalapit na eleksiyon. Ano pong tingin ninyo sa mga nagaganap sa hanay ng UNO at administrasyong Arroyo? Ang mga dating nasa kampo ng UNO tulad nina Sotto at Oreta, ngayon napapabalitang sasanib na sa tiket ng administrasyon dahil naetsa-puwera umano sa pilian ng mga kandidato sa pagkasenador. Sa

hanay naman ng administrasyon, may ilan naman tutol sa pagpasok ng mga kandidatong kilalang dikit kay dating pangulong Estrada.

JMS: Napakabulok at napakabaho ang rehimeng Arroyo. Kung gayon, maraming nag-uunahang pumasok sa senatorial slate ng oposisyon. Sa isang slate, may puwang para lamang sa labing dalawang kandidato. Puedeng may dalawang slate sa oposisyon. Gayunman, marami pa rin yong hindi makakapasok. Kung gayon, liniligawan ng administrasyon ang mga hindi makapasok sa slate ng oposisyon.

Pero siksikan at tulakan na rin ang nangyayari sa slate ng administrasyon. Pang-akit ng administrasyon ang abilidad nitong mandaya sa eleksyion at ang malaking pondo at pasilidades ng gobyerno. Nasa mga susing posisyon ang mga kasabwat ni Garcillano sa pandaraya noong 2004 . Tinutukoy ko sina secretary of national defense Ebdane, chief of staff Esperon at DILG secretary (Puno).

5) Sa kalagayang nabanggit sa itaas ano pong posibleng senaryo ang maaring mangyari ngayong halalan? Ano naman po ang dapat gawin ng mga

progresibong grupo, maging ng mga partylist sa ganitong kalagayan?

JMS: Tiyak na mandaraya at gagamit ng dahas ang rehimeng Arroyo para mangibabaw ito sa halalan. Takot na takot si Arroyo na ma-impeach siya. Ayaw na ayaw niyang manalo ang tunay na oposisyon ng 79 o higit pa sa kamara ng mga kongresista. Dahil sa pandaraya at pandarahas ng rehimeng Arroyo, sasambulat ang poot ng sambayanang Pilipino. Kikilos sila para ibagsak ang rehimen.

Sa halalan, lalahok pa rin ang mga progresibong grupo sa party list para labanan ang imbing pakana ng rehimen. Kung dadayain sila at lalo pang ipagpapaslang ang mga lider at kasapi nila, lalong mapapatunayan ang masamang gawa ng rehimen, lalong magagalit ang sambayang Pilipino at lalong lalakas ang kilusan sa pagpapatalsik sa rehimeng Arroyo. Matapos ang halalan, sasabog sa mukha ng rehimen ang lahat ng masamang ginawa nito sa bayan, ang pagkapapet, pangungurakot, pandaraya, pagsisinungaling at pamamaslang.

6) Ano pong reaksiyon ninyo sa sinabi kamakailan ni US Amb. Kenney na kailangang magpadala ng tagamasid ang US sa darating na eleksiyon?

JMS: Walang maaasahan sa mga opisyal na tagamasid mula sa gobiyerno ng US. Pagtatakpan at babasbasan lang nila ang pandaraya at pandarahas ng rehimeng Arroyo. Gusto lang nila ang maka-imperyalistang estabilidad ng rehimen alang-alang sa neoliberal globalisasyon (monopolistang pandarambong) at militar na pakikialam at panghihimasok ng US. Mainam kung may mga tunay na demokratikong grupo na dadayo sa ating bansa para magmasid sa halalan. . ###



Report this post as:

Local News

GUIDE TO REBEL CITY LOS ANGELES AVAILABLE A12 5:39PM

lausd whistle blower A10 11:58PM

Website Upgrade A10 3:02AM

Help KCET and UCLA identify 60s-70s Chicano images A04 1:02PM

UCLA Luskin: Casting Youth Justice in a Different Light A02 11:58AM

Change Links April 2018 A01 11:27AM

Nuclear Shutdown News March 2018 M31 6:57PM

Join The Protest Rally in Glendale on April 10, 2018! M29 7:00PM

Join The Protest Rally in Glendale on April 10, 2018! M29 6:38PM

Spring 2018 National Immigrant Solidarity Network News Alert! M19 2:02PM

Anti-Eviction Mapping Project Shows Shocking Eviction Trends in L.A. M16 5:40PM

Steve Mnuchin video at UCLA released M15 12:34AM

Actress and Philanthropist Tanna Frederick Hosts Project Save Our Surf Beach Clean Ups M06 12:10PM

After Being Told He's 'Full of Sh*t' at School Event, Mnuchin Demands UCLA Suppress Video M02 11:44AM

Resolution of the Rent Strike in Boyle Heights M01 6:28PM

What Big Brother Knows About You and What You Can Do About It M01 3:30PM

Step Up As LAPD Chief Charlie Beck Steps Down F14 2:44PM

Our House Grief Support Center Hosts 9th Annual Run For Hope, April 29 F13 12:51PM

Don’t let this LA County Probation Department overhaul proposal sit on the shelf F13 11:04AM

Echo Park Residents Sue LA Over Controversial Development F12 8:51AM

Former Signal Hill police officer pleads guilty in road-rage incident in Irvine F09 10:25PM

Calif. Police Accused of 'Collusion' With Neo-Nazis After Release of Court Documents F09 7:14PM

Center for the Study of Political Graphics exhibit on Police Abuse posters F07 9:50AM

City Agrees to Settle Lawsuit Claiming Pasadena Police Officer Had His Sister Falsely Arre F04 3:17PM

Professor's Study Highlights Health Risks of Urban Oil Drilling F04 12:42PM

Claims paid involving Pasadena Police Department 2014 to present F04 10:52AM

Pasadenans - get your license plate reader records from police F03 11:11PM

LA Times Homicide Report F03 1:57PM

More Local News...

Other/Breaking News

Doxa du lobby A25 2:03AM

Tech workers organize A24 6:24PM

Architect Stephen Francis Jones A24 3:01PM

UN Forum Wrestles with Economic Policies 10 Years After Financial Crisis Islands Call for A24 12:34PM

Xyloglossie attitudinale A23 8:07AM

Shadowgun Legends Hack and Cheats A23 7:24AM

What does the Quran Say About Islamic Dress?? A21 4:15PM

Biodiversité ou la nature privatisée A20 11:22AM

The Market is a Universal Totalitarian Religion A20 7:14AM

Book Available about Hispanics and US Civil War by National Park Service A19 5:52PM

The Shortwave Report 04/20/18 Listen Globally! A19 4:01PM

The Republican 'Prolife' Party Is the Party of War, Execution, and Bear Cub Murder A19 11:48AM

Neurogenèse involutive A18 9:21AM

Paraphysique de la dictature étatique A16 10:13AM

Book Review: "The New Bonapartists" A16 3:45AM

The West Must Take the First Steps to Russia A14 12:25PM

Théorie générale de la révolution ou hommage à feu Mikhaïl Bakounine A14 3:30AM

The Shortwave Report 04/13/18 Listen Globally! A12 3:50PM

“Lost in a Dream” Singing Competition Winner to Be Chosen on April 15 for ,000 Prize! A12 3:48PM

The World Dependent on Central Banks A12 4:43AM

Ohio Governor Race: Dennis Kucinich & Richard Cordray Run Against Mike DeWine A11 9:40PM

March 2018 Honduras Coup Again Update A10 10:52PM

Apologie du zadisme insurrectionnel A10 3:33PM

ICE contract with license plate reader company A10 1:14PM

Palimpseste sisyphéen A09 11:23PM

Black Portraiture(S) IV: The Color of Silence...Cuba No...Cambridge Yes A09 5:32AM

Prohibiting Micro-Second Betting on the Exchanges A09 4:18AM

Prosecutors treat Muslims harsher than non-Muslims for the same crimes A08 10:33PM

More Breaking News...
© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy