Sabwatang Imperyalismong US

by AJLPP-USA Monday, Jan. 29, 2007 at 6:24 PM
ajlpp_socal@yahoo.com 213-241-0906 377 Glendale Blvd. Los Angeles,CA 90026

Mahigpit at mariing kinokondena ng AJLPP o Alliance-Philippines-USA ang sukdulang kawalang-hiyaan ng pasistang rehimeng US-Arroyo sa pagmamalaki nito sa kasalukuyang kontra-terorismong todo gyera laban sa sambayanang Pilipino. Kasumpa-sumpa ang pagiging nuno sa karagapalan ng pasistang gobyerno . Dahil pati ang usaping ng pagtulong kanhit pakunwari na dating ginagawa ng mga sundalong Pilipino, ngayon ay inaasa na sa mga mapanakop na sundalong Amerikano lalo na sa mga lugar na malakas ang NPA at ang MILF. Dati-rati mula sa panahon ng mga naunang papet na presidente, ang mga civic action (Civac) na ngayon ay tinatawag na “Humanitarian Missions” ay ginagawa ng AFP at ng gobyerno ng Pilipinas. Ngayon, ayon sa kanilang kasunduan, ang Civac o “humanitarian missions’ tulad ng pagtatayo ng mga klinika, eskwelahan at iba pang serbisyong medical at enheneriya tulad ng paggawa ng daan at kalsada, tulay at iba pang imprastraktura ay ipinauubaya na at ginagampanan ng mga tropang Amerikano.

Sabwatang Imperyalismong US at Pangkating Arroyo Laban sa Sambayanang Pilipino, kasumpa-Sumpa—AJLPP-USA

Los Angeles – Mahigpit at mariing kinokondena ng AJLPP o Alliance-Philippines-USA ang sukdulang kawalang-hiyaan ng pasistang rehimeng US-Arroyo sa pagmamalaki nito sa kasalukuyang kontra-terorismong todo gyera laban sa sambayanang Pilipino.

Kasumpa-sumpa ang pagiging nuno sa karagapalan ng pasistang gobyerno . Dahil pati ang usaping ng pagtulong kanhit pakunwari na dating ginagawa ng mga sundalong Pilipino, ngayon ay inaasa na sa mga mapanakop na sundalong Amerikano lalo na sa mga lugar na malakas ang NPA at ang MILF.

Dati-rati mula sa panahon ng mga naunang papet na presidente, ang mga civic action (Civac) na ngayon ay tinatawag na “Humanitarian Missions” ay ginagawa ng AFP at ng gobyerno ng Pilipinas.

Ngayon, ayon sa kanilang kasunduan, ang Civac o “humanitarian missions’ tulad ng pagtatayo ng mga klinika, eskwelahan at iba pang serbisyong medical at enheneriya tulad ng paggawa ng daan at kalsada, tulay at iba pang imprastraktura ay ipinauubaya na at ginagampanan ng mga tropang Amerikano.

Patunay ito na wala nang kakayahan ang papet na gobyernong Arroyo na gumasta at tinitipid ang kanyang badyet sa militar para ituon ito sa pangungurakot ng mga opisyal military at gobyerno.

Tahasang Pakikialam ng US sa Pilipinas

Wala nang dapat ipagtaka kung sa malayong hinaharap, direkta nang lalahok ang mga tropang Amerino sa mga operasyong military tulad ng ginagawa nila ngayon sa Sulu laban sa MNLF at mga bandidong grupong Abu Sayaff at sa Basilan at iba pang lugar kung saan malakas ang MILF lalo na sa gitnang Mindanao.

Noon pa lamang 1972, lumahok na ang US Air Force sa pagbomba sa mga gerilyang NPA sa Isabela. Ang adviser ng JUSMAG noon ay aktibo sa kontra-insuyreksyong laking brigada at batalyon sa Cagayan at Kalinga-Apayao. Nadakip pa nga ng NPA ang may 15 sundalong Amerikano sa Upper Kalinga noong 1986 at pinalaya ang mga ito na nagpapangap na “ naghahanap ng bumagsak na eroplano.

Sinanay, diniderektahan ng JUSMAG at mga tagapayong Israeli ang paniktik pangkomunikasyon ( electronic intelligence) ng AFP sa kanilang pagsalakay sa mga basing gerilya ng NPA sa Cagayan Valley lalo na sa Marag Valley noong kasidhian ng OPLAN LAMBAT-BITAG mula 1990- 1993.

Nang maipataw ang VFA, ang mga tagapayong military din ang AFP ang nagsanay sa mga “special forces”, marines at paniktik ng AFP laban sa NPA at sa kanilang pananalakay laban sa MILF sa panahon nina Estrada at Arroyo. Hanggang ngayon sila pa rin ang nagsasanay sa mga piling tropang “anti-terorismo”.

Ang kaibahan lamang, hindi na maliit na yunit tulad ng JUSMAG ang ginagamit. Ngayon, buo-buong mga brigada ng US Marines, mga plotang naval at mga special forces ng Amerika ang ginagamit sa Pilipinas. Tanda ng ibayong panghihimasok ang kanilang ginagawa sa ilalim ng mapaniil at mapanakop na VFA.

Habang ginagamit ang mga pwersang Amerikano at tahasang nanghihimasok ang Imperyalismong US sa Pilipinas, walang matatamsang kapayapaan at kalayaan ang sambayanang Pilipino. Kailangang mapaalis sa lalong madaling panahon ang lahat ng dayuhang tropa sa Pilipinas.