imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

white themeblack themered themetheme help
About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
latest news
best of news
syndication
commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
printable version - js reader version - view hidden posts - tags and related articles

IPAGLABAN ANG KATARUNGAN PARA KAY NICOLE, IPAGTANGGOL ANG DANGAL NG BAYANG PILIPINAS!

by Pesante-USA Saturday, Jan. 06, 2007 at 8:01 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Naninindigan ang Pesante-USA na kung ang soberanya at legalidad ang pag-uusapan, lahat ng mga balibagan ng katumpakan at kamalian ng usapin hinggil sa paglilipat ng may-salang marinong si Daniel Smith sa U. S Embassy, ang tunay na esensya ng usapin ng panggagahasa kay Nicole ay talagang matatabunan. Tunay na makakaligtaan ang isang Pilipina ang nagdurusa dahil sa tahasang kawalang katarungan at pagpapatuta ng gobyerno ng Pilipinas. Ang inapi, inalipusta at hanggang sa ngayon ay binubusabos ng sarili niyang gobyerno, ang kababayan nating si Nicole.

IPAGLABAN ANG KATARUNGAN PARA KAY NICOLE, IPAGTANGGOL ANG DANGAL NG BAYANG PILIPINAS!

by Pesante-USA 2007-01-06 10:29 AM +0800

IPAGLABAN ANG KATARUNGAN PARA KAY NICOLE, IPAGTANGGOL ANG DANGAL NG BAYANG PILIPINAS!

Los Angeles -- Naninindigan ang Pesante-USA na kung ang soberanya at legalidad ang pag-uusapan, lahat ng mga balibagan ng katumpakan at kamalian ng usapin hinggil sa paglilipat ng may-salang marinong si Daniel Smith sa U. S Embassy, ang tunay na esensya ng usapin ng panggagahasa kay Nicole ay talagang matatabunan.

Tunay na makakaligtaan ang isang Pilipina ang nagdurusa dahil sa tahasang kawalang katarungan at pagpapatuta ng gobyerno ng Pilipinas. Ang inapi, inalipusta at hanggang sa ngayon ay binubusabos ng sarili niyang gobyerno, ang kababayan nating si Nicole.

Mali mula Umpisa Hanggang Wakas.

Sa umpisa pa lamang ng kaso, nagsabwatan na ang gobyerno sa pamamagitan ng piskalya ng Olongapo, ng Departamento ng Inhustiya sa pagtatakip sa kaso. Kaagad na iniligpit ang maselang testigong si Timoteo Soriano na matatala sa kasaysayan ng Pilipinas isa sa mga pinakatraidor sa dilang traydor sa kanyang lahi. Masahol pa siya kay Januario Galot na nagkanulo kay Heneral Del Pilar sa Pasong Tirad at sa mga MAKAPILING nakabayong noong panahon ng Hapon sa kanyang pagkakaila sa kanyang kababayan.

Ngunit mas masahol pa sa nakabayong na MAKAPILI ang mga tagausig ng DOJ na sa halip na ipagtanggol, nais pang ibenta ang kaso sa pagpupumilit na magpaareglo na lamang ang biktima at pamilya nito. Mabuti na lang at may dangal at dignidad ang pamilya at nanadindigan di tulad ng palasukong mga tagausig sana ng DOJ.

Sumunod ang urong sulong na huwes na nagpatali na lamang sa kung ano ang sinasaad ng batas.. Paano nga naman, ipinahayag na may sala ang isa, pinawalan na lamang ang tatlong marino sa tuwa ng kanilang embahada.

Kaya nga hindi kami sumangayon na natamo na ang hustisya. Ni wala ito sa kalahating nais matamo ng sambayanan. Kaya lang makatwiran lamang ang sinabi ng ina ng biktima na kay baba pala ng halaga ng puri ng Pilipina sa panahong ito. Ang bayad pinsala ay halos halaga lamang ng pangtaksi lamang niya

Ngunit tunay na arogante at mapaniil ang mga imperyalista. Hindi sila pumayag na magdusa ang kahit isa sa kanilang mga sundalo sa piitan ng Pilipinas. Kaagad nitong brinaso ang gobyernong Arroyo na kaagad bumigay at nagtanggol pa sa amo nilang Kano!

Kaya’t walang nagawa ang Court of Appeals. sinikap na lamang nitong hilutin ang anumang pangiisulto ng opisina ng Pangulo sa kanilang hurisdiksyon. Sa wari, pinagbigyan ang bawat-panig, ginawang “moot and academic” ang usapin dahil inunahan na sila ng Pangulo at ng mga alipures nito sa paglilipat ng custody ni Smith sa U.S Embassy.

Tradisyon ng Pagiging Busabos

Wala itong pinag-iba sa mga kompromiso sa ating kasaysayan. Noong matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kaagad na pinatawad ni President Manuel Roxas ang lahat ng nasasakdal dahil sa paggiging kolaborator sa mga Hapon. Unang –una dahil siya ang kaporal ng mga kolaborator ng mga Hapon.

Noong panahon ni ama ni Gloria Macapagal, pinatapon agad ni Disodado si Harry Stonehill para walanmg madamay kung kakanta man o magdadawit ang businessman sa kaso niyang korupsyon sa gobyerno.

Mula noong 1946, sa 3,000 kaso laban sa mga Amerikano, wala man lamang ni isa ang nakarating sa korte o nahatulan.

Ngayon ang kaisa-isang kaso na may nahatulan ay mapupurnada pa. Tunay na mailap ang katarungan para kay Nicole at sa lahat ng kababaihang Pilipina na pinagsamantalahan ng mga dayuhan.

Tunay na hindi garantiya na ang kahit na babae ang maging pangulo, na ipagtatangol nito ang kapwa niya babae laban sa pagsasamantala. Mas nanaisin pa nitong maging tagapagtanggol ng dayuhan kaysa manindigan sa kung ano ang tama at makatarungan para sa kanyang bansa.

Dapat lamang nating suportahan, ipagtanggol at ipaggumiitang matamo ang katarungan para kay Nicole at panagutin si Smith sa batas ng Pilipinas. Kailangang ipagtanggol ang ating mga kababaihan at ang dangal ng ating lahi at ng inang bayan!



Philippine Peasant Support Network (Pesante-USA)

Enero 5, 2007

Report this post as:

Local News

GUIDE TO REBEL CITY LOS ANGELES AVAILABLE A12 5:39PM

lausd whistle blower A10 11:58PM

Website Upgrade A10 3:02AM

Help KCET and UCLA identify 60s-70s Chicano images A04 1:02PM

UCLA Luskin: Casting Youth Justice in a Different Light A02 11:58AM

Change Links April 2018 A01 11:27AM

Nuclear Shutdown News March 2018 M31 6:57PM

Join The Protest Rally in Glendale on April 10, 2018! M29 7:00PM

Join The Protest Rally in Glendale on April 10, 2018! M29 6:38PM

Spring 2018 National Immigrant Solidarity Network News Alert! M19 2:02PM

Anti-Eviction Mapping Project Shows Shocking Eviction Trends in L.A. M16 5:40PM

Steve Mnuchin video at UCLA released M15 12:34AM

Actress and Philanthropist Tanna Frederick Hosts Project Save Our Surf Beach Clean Ups M06 12:10PM

After Being Told He's 'Full of Sh*t' at School Event, Mnuchin Demands UCLA Suppress Video M02 11:44AM

Resolution of the Rent Strike in Boyle Heights M01 6:28PM

What Big Brother Knows About You and What You Can Do About It M01 3:30PM

Step Up As LAPD Chief Charlie Beck Steps Down F14 2:44PM

Our House Grief Support Center Hosts 9th Annual Run For Hope, April 29 F13 12:51PM

Don’t let this LA County Probation Department overhaul proposal sit on the shelf F13 11:04AM

Echo Park Residents Sue LA Over Controversial Development F12 8:51AM

Former Signal Hill police officer pleads guilty in road-rage incident in Irvine F09 10:25PM

Calif. Police Accused of 'Collusion' With Neo-Nazis After Release of Court Documents F09 7:14PM

Center for the Study of Political Graphics exhibit on Police Abuse posters F07 9:50AM

City Agrees to Settle Lawsuit Claiming Pasadena Police Officer Had His Sister Falsely Arre F04 3:17PM

Professor's Study Highlights Health Risks of Urban Oil Drilling F04 12:42PM

Claims paid involving Pasadena Police Department 2014 to present F04 10:52AM

Pasadenans - get your license plate reader records from police F03 11:11PM

LA Times Homicide Report F03 1:57PM

More Local News...

Other/Breaking News

Doxa du lobby A25 2:03AM

Tech workers organize A24 6:24PM

Architect Stephen Francis Jones A24 3:01PM

UN Forum Wrestles with Economic Policies 10 Years After Financial Crisis Islands Call for A24 12:34PM

Xyloglossie attitudinale A23 8:07AM

Shadowgun Legends Hack and Cheats A23 7:24AM

What does the Quran Say About Islamic Dress?? A21 4:15PM

Biodiversité ou la nature privatisée A20 11:22AM

The Market is a Universal Totalitarian Religion A20 7:14AM

Book Available about Hispanics and US Civil War by National Park Service A19 5:52PM

The Shortwave Report 04/20/18 Listen Globally! A19 4:01PM

The Republican 'Prolife' Party Is the Party of War, Execution, and Bear Cub Murder A19 11:48AM

Neurogenèse involutive A18 9:21AM

Paraphysique de la dictature étatique A16 10:13AM

Book Review: "The New Bonapartists" A16 3:45AM

The West Must Take the First Steps to Russia A14 12:25PM

Théorie générale de la révolution ou hommage à feu Mikhaïl Bakounine A14 3:30AM

The Shortwave Report 04/13/18 Listen Globally! A12 3:50PM

“Lost in a Dream” Singing Competition Winner to Be Chosen on April 15 for ,000 Prize! A12 3:48PM

The World Dependent on Central Banks A12 4:43AM

Ohio Governor Race: Dennis Kucinich & Richard Cordray Run Against Mike DeWine A11 9:40PM

March 2018 Honduras Coup Again Update A10 10:52PM

Apologie du zadisme insurrectionnel A10 3:33PM

ICE contract with license plate reader company A10 1:14PM

Palimpseste sisyphéen A09 11:23PM

Black Portraiture(S) IV: The Color of Silence...Cuba No...Cambridge Yes A09 5:32AM

Prohibiting Micro-Second Betting on the Exchanges A09 4:18AM

Prosecutors treat Muslims harsher than non-Muslims for the same crimes A08 10:33PM

More Breaking News...
© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy