Unilateral Ceasefire sa Albay idineklara ng SBC

by Pesante-USA Thursday, Dec. 07, 2006 at 6:57 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0995 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Pormal na inililinaw ng Santos Binamera Command ang pagdedeklara ng makaisang panig na tigil putukan sa lalawigan ng Albay. Sa mga panahon ng matitinding kalamidad, palagian nang nagdedeklara ang New People’s Army ng suspensyon ng mga taktikal na opensiba upang bigyang-puwang ang pagsasagawa ng hukbong bayan at mga rebolusyonaryong organisasyong masa ng mga rescue operation. Sa kalagayan ding ito, pinapanawagan ng SBC ang paglahok ng mga organisasyon at mga nagmamalasakit nating kababayan na magbigay-tulong sa mga sinalanta ng bagyo. Unilateral Ceasefire sa Albay idineklara ng SBC

Unilateral Ceasefire sa Albay idineklara ng SBC

by Florante Orobia, Santos Binamera Command, NPA-Albay 2006-12-06 2:59 PM +0800

Florante Orobia
Santos Binamera Command
New People's Army
Albay
Disyembre 04, 2006

Pormal na inililinaw ng Santos Binamera Command ang pagdedeklara ng makaisang panig na tigil putukan sa lalawigan ng Albay. Sa mga panahon ng matitinding kalamidad, palagian nang nagdedeklara ang New People’s Army ng suspensyon ng mga taktikal na opensiba upang bigyang-puwang ang pagsasagawa ng hukbong bayan at mga rebolusyonaryong organisasyong masa ng mga rescue operation. Sa kalagayan ding ito, pinapanawagan ng SBC ang paglahok ng mga organisasyon at mga nagmamalasakit nating kababayan na magbigay-tulong sa mga sinalanta ng bagyo.

Ayon sa mga nakalap na datos mula sa mga rebolusyonaryong pwersa sa paligid ng bulkang Mayon, aabot na sa mahigit isang libo ang mga namatay sa mga bayan ng Guinobatan at Camalig samantalang mahigit sa dalawang libo ang nawawala bunga ng pagragasa ng lahar mula sa bulkan. Daang libo ang apektadong mamamayang Albayano dahil sa kalamidad na ito, partikular ang mga barangay sa mga bayan ng Sto. Domingo, Daraga, Camalig, Guinobatan, at Legazpi City.

Hindi mangyayaring ganito karami ang nawalang buhay ng ilan nating kababayan kung hindi palpak ang mga ahensya ng gubyerno upang tukuyin ang buhos ng ulan at ang lava deposit na nakaambang umapaw mula sa mga gully ng Mayon. Wala ring matinong programa para sa paghahanda sa mga kalamidad at pagpapaliit ng maaaring maging pinsala nito.

Hindi maramdaman ang isang bilyong budget na inilaan ng gubyernong Arroyo para sa pagkain at tubig, gamot at serbisyong medikal upang maibsan ang gutom ng mga taong nasa evacuation center at mabigyan ng lunas ang mga may sakit. Ang masama pa dito ay hindi napupunta sa mga mamamayan ng mga barangay na direktang apektado, bagkus ay ginagatasan pa ng ilang mga pulitiko.

Sa kabila ng makaisang panig na tigil-putukang ito, magmamatyag pa rin ang Santos Binamera Command at mananatiling nasa aktibong depensa laban sa mga isasagawang mapanlinlang na search and destroy operation ng militar sa mga sonang gerilya ng lalawigan.

*********

Hinalaw sa IndymediaManila.

**************