SUPER BAGYO NI GLORIA PATULOY ANG HATAW SA MARALITA

by Pesante-USA Saturday, Dec. 02, 2006 at 12:13 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

---"Kaiba sa mga bagyong dulot ng kalikasan ang superbagyong Gloria na walang puknat sa pag-atake sa kabuhayan at karapatan sa paninirahan ng maralita," pahayag ni Carmen "Nanay Mameng Deunida", Tagapangulo ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa pagdiriwang ng Urban Poor Week sa unang linggo ngayong Disyembre.

URBAN POOR WEEK
MEDIA ADVISORY

Disyembre 1, 2006

Atensyon sa mga newsdesk at potograpo

SUPER BAGYO NI GLORIA PATULOY ANG HATAW SA MARALITA

Maynila---"Kaiba sa mga bagyong dulot ng kalikasan ang superbagyong Gloria na walang puknat sa pag-atake sa kabuhayan at karapatan sa paninirahan ng maralita," pahayag ni Carmen "Nanay Mameng Deunida", Tagapangulo ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa pagdiriwang ng Urban Poor Week sa unang linggo ngayong Disyembre.

Ani Deunida, tatlong milyong maralitang pamilya ang nakararanas ng kagutuman. Aabot naman sa 43% ng kabuuang lakas-paggawa ang salat sa trabaho. Ito ang pinagsamang datos ng 10 milyong mamamayang walang trabaho, 8.2 milyong underemployed at 3,000 migranteng manggagawang lumalabas ng bansa araw-araw, "At upang dayain ang datos ng kahirapan, sinabi pa ni Gloria na sapat na ang P33.72 para masabing hindi naghihirap ang isang Pilipino.

Sa gitna nito, dagdag pa ng lider-maralita, kulang na kulang ang inilalaan ng gobyerno para sa panlipunang serbisyo. Sa bawat P100 badyet ng gobyerno, P1.40 lamang ang napupunta sa serbisyong kalusugan, P15 sa edukasyon at 18 sentimo lamang sa pabahay. "At habang nagugutom ang karamihan, may P160 bilyon pondong isinusubi si GMA para sa 2007 eleksyon!"

Ayon pa kay Deunida, habang nananalanta ang Bagyong Reming, ang super bagyong Gloria ay nanalanta na ng libo-libong pamilya sa palisiya nito ng demolisyon dulot ng pribatisasyon sa Philippine National Railways (PNR) , sa mga pangunahing pantalan ng bansa, at sa nakatakdang demolisyon naman sa 500 ektaryang saklaw ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa. ###