PAHAYAG NG PESANTE SA PAGHUHUKOM SA KASO NI NICOLE

by Pesante-USA Thursday, Nov. 23, 2006 at 11:45 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0995 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

“Walang Pinakamahalaga sa isang Banda kundi ang Kalayaan” Ito ang pahayag ni Ho Chi Minh na nagging gabay ng lahat ng makabayang Byetnames sa kanilang pakikibaka laban sa mananakop na Pranses at Amerikano. “ Aling pag-ibig pa ang hiigit kaya, sa pagkadalisay at pagkadakila, gaya ng pag-ibig sa sa sariling lupa, anung pag-ibig pa, wala na nga, wala.” Ito naman ang tula ni Andres Bonifacio na hanggang ngayon ay gumagabay sa mga makabayang Pilipino upang ipaglaban ang soberanya ng ating bayan. Ngunit wala ito sa bokabularyo ng mga reaksyunaryo lalo na sa mga namununo sa pangkating pasistang US-Arroyo. Dahil sa ito ay walang pagsidlan sa kawalanghiyaan at ang taning layon ay ipagbili ang bayan sa pinakamalaking halaga na kanilang mahuhuthot.

Pahayag ng Pesante-USA hinggil sa Nakatakdang Paghuhukom sa Kaso ni “Nicole” sa Nobyembre 27.



“Walang Pinakamahalaga sa isang Banda kundi ang Kalayaan”

Ito ang pahayag ni Ho Chi Minh na nagging gabay ng lahat ng makabayang Byetnames sa kanilang pakikibaka laban sa mananakop na Pranses at Amerikano.

“ Aling pag-ibig pa ang hiigit kaya, sa pagkadalisay at pagkadakila, gaya ng pag-ibig sa sa sariling lupa, anung pag-ibig pa, wala na nga, wala.”

Ito naman ang tula ni Andres Bonifacio na hanggang ngayon ay gumagabay sa mga makabayang Pilipino upang ipaglaban ang soberanya ng ating bayan.

Ngunit wala ito sa bokabularyo ng mga reaksyunaryo lalo na sa mga namununo sa pangkating pasistang US-Arroyo. Dahil sa ito ay walang pagsidlan sa kawalanghiyaan at ang taning layon ay ipagbili ang bayan sa pinakamalaking halaga na kanilang mahuhuthot.

Kitang-kita ito sa kanilang pagtatangol sa Imperyalismong US at sa mga kawal ng Amerika na lumapastangan sa isang Pilipina noong Nobyembre 2005. Sa halip na kampihan at ipagtanggol ang Pilipina, nilait, halos ipinagbili at inalipusta pa nila ang pamilya ng nagsakdal at lantarang kumampi sa apat na lapastangan.

Kampi ang Gobyernong US-Arroyo sa mga Among Amerikano nito.

Sa halip na ipagtanggol ang soberanya ng bansa, nagpakatuta pa ang mga ito sa pagkapit kay Bush ni GMA at sa pagbibigay ng mas maraming oras at panahon sa medya para sa mga marinong Amerikano na ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

Mula sa simula, pabor na ang DOJ sa mga marinong nagkasala. Hindi lamang ang Gobyernong Arroyo ang dapat batikusin, maging ang ABS-CBN, ang mga pahayagan at iba pang media sa kanilang pagbibigay ng maraming oras at pagtangkilik sa mga lumapastangan kay Nicole ay lumalabas na kahiya-hiya sa mga interview na paulit-ulit at walang sawa nilang ipinakita sa telebisyong makaisang panig na paglalahad ng mga Amerikanong Marino.

Kaya nga sinasabi ng mga kababaihan, dalawang ulit na nalalapastangan ang mga biktima ng panggagahasa. Una, sa pagnanasa ng mga lumapastangan at ikalawa sa mapanirang media at sa kunwa’y depensa ng mga lumapastangan sa kanya, mga abogadong Pilipino pa man din ngunit mga hudas sa kanilang lahi at ng Deparment of Justice na kamping kampi sa mga nanggahasa at walang kahihiyang nagmamalaki pa sa kanilang awtoridad.

Kaya nga ang Pesante-USA ay hindi umaasang magkakaroon ng katarungan ang mga Pilipino at ang biktima sa usaping ito. Sa nalalapit na paghuhukom sa kaso, dapat tayong maging handa sa anumang pasya ng hukom sa kasong ito.

Nakatala na sa kasaysayan ng Pilipinas na sa mahigit na 2,000 kaso, wala ni isa mang Amerikano ang naparusahan sa kanilang mga kabalbalan at krimen laban sa mga Pilipino sa kanilang mahigit 100 daan taong pananatili sa Pilipinas. Kung magbabago man ito, patak na lang ng tubig sa malaking dram ng dalamhati at pighati ng sambayanan. Walang mababago at magpapatuloy ang pagtampalasan sa soberanya ng bayan.

Wala tayong maasahan kundi ang makabayang pagkilos at pagkakaisa upang maigiit ang tunay na soberanya at kalayaaan sa ating bansa na duhagi pa rin ng Imperyalismong US.

Dapat magsilbing pamulat sa mata ng lahat ang kasong ito ni Nicole dahil hindi lamang siya ang ginahasa at nilapastangan kundi ang soberanya ng buong sambayanan.

Philippine Peasant Support Network(Pesante)-USa

Nobyembre 22, 2006

Los Angeles, CA

U.S.A

Original: PAHAYAG NG PESANTE SA PAGHUHUKOM SA KASO NI NICOLE