imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

white themeblack themered themetheme help
About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
latest news
best of news
syndication
commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
printable version - js reader version - view hidden posts - tags and related articles

Rehimeng US-Arroyo, nanguupat at naghahanda ng Gyera sa Mindanao.

by Pesante-USA Thursday, Oct. 26, 2006 at 9:19 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Patuloy na ipinakikita ng reaksyunaryong gubyerno, laluna ng rehimeng Arroyo, na hindi ito interesadong kamtin ang tunay na kapayapaan para sa mamamayang Moro. Ang tanging interes ng rehimen ay sumuko at magbaba ng armas ang MILF. Sa ngayon todo ang propaganda ng gobyerno kapwa laban sa NPA at sa MILF na ang diumano may sabwatan ang MILF sa Abu Sayaff at sa Jemmayah Islamiya. Anuman ang kahihinatnan ng paghahanda sa gyera ng gobyerno, gumagawa lamang ito ng gulo at sa huli magbabagsak ng mabigat na bato sa sariling paa nito kapag itinodo nito ang gyera laban sa mamamayan ng Mindanao.

Rehimeng US-Arroyo, nanguupat at naghahanda ng Gyera sa Mindanao.

Manila-- Patuloy na ipinakikita ng reaksyunaryong gubyerno, laluna ng rehimeng Arroyo, na hindi ito interesadong kamtin ang tunay na kapayapaan para sa mamamayang Moro. Ang tanging interes ng rehimen ay sumuko at magbaba ng armas ang MILF.

Noong nakaraang mga linggo, sunud-sunod na mga bomba ang sumabog sa Mindanao at kasabay nito wala pa ring tigil ang operasyong military laking dibisyon sa isla ng Sulu laban daw sa Abu Sayaff. Sinundan ito ng paghahabla ng gobyerno ng salang pambomba laban sa mga lider ng MILF sa Korte. Mga hakbang na patunay na sinasabotahe nito ang usapang pangkapayapaan.

Nauna rito, buong pagmamalaking ibinalita ng AFP na binuo na nito ang dalawang hiwalay na kumand ng AFP sa Mindanao mula sa dating pinakamalaking kumand ng AFP- ang Southern Command (SOUTHCOM). Binuo nila ang Eastern Mindanao Command (EasMinCom) na “haharap sa banta ng NPA” at ang Western Mindanao Command (WesMinCom) na “haharap sa banta ng mga Muslim Seccesionist.”

Kaugnay nito binuo nila ang dalawang dagdag na dibisyon ng AFP- ang 9th at 10th Division ng Armi at ipinailalim ito sa bagong buong dalawang command. Kasabay nito ang bagong 12 batalyon ay pinasasanay sa ilalim ng mga adviser na Amerikano katulad ng pagsasanay nito sa mga batalyong anti-komunista noon sa El Salvador.

Kasaysayan ng pananabotahe

Mula't sapul. Sinimulan ang usapang pangkapayapaan noong 1997 sa ilalim ng rehimeng Ramos. Sa loob ng dalawang taon, nabuo ang mga mayor na kasunduan kabilang ang General Agreement for Cessation of Hostilities (1997), ang General Framework of Agreement of Intent (1998) at ang kasunduan para sa pagbubukas ng pormal na negosasyon (1999). Subalit sarisaring balakid ang inihaharang ng GRP sa bawat pihit ng usapan.

Sa mismong pagbubukas ng pormal na negosasyon, naglunsad ang AFP ng panibago at mas malalaking operasyong militar sa mga teritoryo ng MILF. Mula sa 17 batalyong nakatuon sa MILF noong 1999, idinagdag ng AFP rito ang 25th, 39th at 40th IB, Philippine Marines at Scout Rangers ng 6th Infantry Division na nakabase sa Maguindanao; ang 41st at 81st IB sa ilalim ng 4th ID na nakabase sa Cagayan de Oro City; at isang contingent mula sa 301st Brigade sa ilalim ng 3rd ID na nakabase sa Visayas.

Todo Gera I.

Noong 2000, sa utos ng noo'y presidente Joseph Estrada, sinalakay ng AFP ang Camp Abubakar, ang pangunahing himpilan ng MILF sa kabila ng umiiral noong tigil-putukan at kahit pa katatapos lamang sumang-ayon ng GRP sa kasunduan kaugnay sa pag-atras ng mga pwersa ng MILF sa mga teritoryo nito. Hindi pa man nakakabwelo, gumuho na ang usapang pangkapayapaan. Sa loob ng sumunod na mga buwan, walang awat ang mga pagsalakay ng AFP sa mga teritoryo ng MILF.

Mahigit 400,000 mamamayang Moro ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga komunidad bunga ng todo-gera laban sa MILF.

Dahil dito, nagpasya ang pamunuan ng MILF na magdeklara ng jihad o "banal na gera" laban sa rehimeng Estrada noong Setyembre 2000. Nasa kasagsagan ang naturang jihad nang mapatalsik si Estrada noong Enero 2001.

Sa kabila nito hindi pa rin nagbago ang kalagayan at nagpatuloy ang pag-atake ng AFP laban sa mga mamamayang Moro. Nagkaroon lamang ng bahagyang paghupa ng operasyon at pansamantalang kapayapaan sa Mindanao.

Usapang pangkapayapaan. Noong 2001, nagkasundo ang MILF at rehimeng Arroyo na muling buksan ang pormal na usapan. Nagdeklara ang MILF ng suspensyon ng mga operasyong militar. Nabuo noong Hunyo sa Tripoli, Libya ang Kasunduan para sa Kapayapaan sa pagitan ng GRP at MILF, na mas nakilala bilang MILF-GRP Tripoli Agreement on Peace of 2001.

Nakasaad sa naturang kasunduan ang mga substantibong adyenda ng negosasyon kabilang ang tungkol sa 1) aspetong panseguridad o tigil-putukan; 2) rehabilitasyon at pagpapaunlad ng mga lugar na nawasak dahil sa militarisasyon; at 3) lupang ninuno.

Nabuo ang kasunduan ukol sa unang dalawang adyenda. Subalit mula noon ay wala pang nabubuong kasunduan ukol sa usapin ng lupang ninuno, ang pinakaubod ng pakikibaka ng mamamayang Moro. Mula 2003 ay ginagawa na ng rehimeng Arroyo ang lahat ng paraan upang ipagpaliban o isaisantabi ang pag-adyenda rito habang iniiwasan nitong mawalan ng bisa ang iba pang kasunduan, laluna yaong hinggil sa tigil-putukan.

Todo Gera II sa kabila ng Usapan ng 2001

Bago pa man magsimula ang ikatlong adyenda noong Pebrero 2003, nagtambak na ang rehimen ng ilandaang tropa sa paligid ng Liguasan Marsh. Mula rito, naglunsad ng malawakang operasyon ang AFP sa mga baryo ng Cotabato at Maguindanao. Unti-unting dinagdagan ng AFP ang mga tropa nitong nakadeploy sa Pikit, North Cotabato noong unang linggo ng Pebrero.

Noong Pebrero 11, sa kabila ng kasunduan para sa tigil-putukan at ng nakatakdang pormal na pag-uusap sa araw na iyon, nagsagawa ng malawakan at walang pakundangang pambobomba ang mga pwersa ng AFP sa Rajahmuda at Buliok sa bayan ng Pikit. Umabot sa 20,000 sibilyang Moro ang napilitang lumikas. Marami ang namatay at mas marami pa ang nasugatan.

Upang muling masabotahe ang usapan, isinagawa ng rehimeng Arroyo ang pambobomba sa Sasa Wharf at Davao International Airport noong Abril 2003 (bagay na pinatotohanan ng mga sundalong lumahok sa Oakwood Mutiny).

Pinalalabas noon ng rehimeng Arroyo na ang mga pambobombang iyon ay gawa ng MILF. Muling nagdeklara ang GRP ng todo-gera laban sa MILF, karakarakang kinasuhan ang mga upisyal nito at inilabas ang kautusang arestuhin ang noo'y tagapangulo nitong si Hashim Salamat at ang buo nitong Komite Sentral. Muling gumuho ang pormal na usapan.

Usapin Hinggil sa mga Lupang ninuno.

Pagsapit ng Disyembre 2004, dumating sa Pilipinas ang International Monitoring Team na binubuo ng mga kinatawan mula sa mga bansang kasapi ng Organization of Islamic Conference. Dahil dito, bahagyang naglubay ang AFP sa mga paglabag nito sa tigil-putukan at sa karapatang-tao ng mamamayang Moro. Binigyang-daan din nito ang pagtalakay sa usapin ng lupang ninuno ng mga Moro.

Subalit mula noon ay matagal na uminog ang usapan sa pagmamatigas ng GRP kaugnay ng usapin ng lupang ninuno. Tuwing may natatapos na kahit mababang antas ng talakayan tungkol sa usaping ito, pinalalabas ng Malakanyang na may “malaking breyktru” na nakamit sa usapang pangkapayapaan. Lumabas ang katotohanan hinggil sa pagbagsak ng usapan matapos ang ika-13 exploratory talks nitong Setyembre 7.

Nagpahayag na ang MILF na sila ay handa sa pagsiklab ng anumang gyera na itutulak ng Rehimeng Arroyo. Nagkakamali ang Rehimeng Arroyo kung sa kanilang palagay kaya nilang pagsabayin ang kanilang todo-gyera laban sa NPA at ang todo gyerang ikakasa nila laban sa mamamayang Moro sa pang-uupat ng Imperyalismong US.

Sa ngayon todo ang propaganda ng gobyerno kapwa laban sa NPA at sa MILF na ang diumano may sabwatan ang MILF sa Abu Sayaff at sa Jemmayah Islamiya. Anuman ang kahihinatnan ng paghahanda sa gyera ng gobyerno, gumagawa lamang ito ng gulo at sa huli magbabagsak ng mabigat na bato sa sariling paa nito kapag itinodo nito ang gyera laban sa mamamayan ng Mindanao.

*****

Report this post as:

Local News

GUIDE TO REBEL CITY LOS ANGELES AVAILABLE A12 5:39PM

lausd whistle blower A10 11:58PM

Website Upgrade A10 3:02AM

Help KCET and UCLA identify 60s-70s Chicano images A04 1:02PM

UCLA Luskin: Casting Youth Justice in a Different Light A02 11:58AM

Change Links April 2018 A01 11:27AM

Nuclear Shutdown News March 2018 M31 6:57PM

Join The Protest Rally in Glendale on April 10, 2018! M29 7:00PM

Join The Protest Rally in Glendale on April 10, 2018! M29 6:38PM

Spring 2018 National Immigrant Solidarity Network News Alert! M19 2:02PM

Anti-Eviction Mapping Project Shows Shocking Eviction Trends in L.A. M16 5:40PM

Steve Mnuchin video at UCLA released M15 12:34AM

Actress and Philanthropist Tanna Frederick Hosts Project Save Our Surf Beach Clean Ups M06 12:10PM

After Being Told He's 'Full of Sh*t' at School Event, Mnuchin Demands UCLA Suppress Video M02 11:44AM

Resolution of the Rent Strike in Boyle Heights M01 6:28PM

What Big Brother Knows About You and What You Can Do About It M01 3:30PM

Step Up As LAPD Chief Charlie Beck Steps Down F14 2:44PM

Our House Grief Support Center Hosts 9th Annual Run For Hope, April 29 F13 12:51PM

Don’t let this LA County Probation Department overhaul proposal sit on the shelf F13 11:04AM

Echo Park Residents Sue LA Over Controversial Development F12 8:51AM

Former Signal Hill police officer pleads guilty in road-rage incident in Irvine F09 10:25PM

Calif. Police Accused of 'Collusion' With Neo-Nazis After Release of Court Documents F09 7:14PM

Center for the Study of Political Graphics exhibit on Police Abuse posters F07 9:50AM

City Agrees to Settle Lawsuit Claiming Pasadena Police Officer Had His Sister Falsely Arre F04 3:17PM

Professor's Study Highlights Health Risks of Urban Oil Drilling F04 12:42PM

Claims paid involving Pasadena Police Department 2014 to present F04 10:52AM

Pasadenans - get your license plate reader records from police F03 11:11PM

LA Times Homicide Report F03 1:57PM

More Local News...

Other/Breaking News

The Market is a Universal Totalitarian Religion A20 7:14AM

Book Available about Hispanics and US Civil War by National Park Service A19 5:52PM

The Shortwave Report 04/20/18 Listen Globally! A19 4:01PM

The Republican 'Prolife' Party Is the Party of War, Execution, and Bear Cub Murder A19 11:48AM

Neurogenèse involutive A18 9:21AM

Paraphysique de la dictature étatique A16 10:13AM

Book Review: "The New Bonapartists" A16 3:45AM

The West Must Take the First Steps to Russia A14 12:25PM

Théorie générale de la révolution ou hommage à feu Mikhaïl Bakounine A14 3:30AM

The Shortwave Report 04/13/18 Listen Globally! A12 3:50PM

“Lost in a Dream” Singing Competition Winner to Be Chosen on April 15 for ,000 Prize! A12 3:48PM

The World Dependent on Central Banks A12 4:43AM

Ohio Governor Race: Dennis Kucinich & Richard Cordray Run Against Mike DeWine A11 9:40PM

March 2018 Honduras Coup Again Update A10 10:52PM

Apologie du zadisme insurrectionnel A10 3:33PM

ICE contract with license plate reader company A10 1:14PM

Palimpseste sisyphéen A09 11:23PM

Black Portraiture(S) IV: The Color of Silence...Cuba No...Cambridge Yes A09 5:32AM

Prohibiting Micro-Second Betting on the Exchanges A09 4:18AM

Prosecutors treat Muslims harsher than non-Muslims for the same crimes A08 10:33PM

Amy Goodman interview on cell phone safety A08 10:29PM

Mesa, Arizona police officer kills unarmed white man A08 9:50PM

Israeli leaders should be prosecuted for war crimes A08 9:48PM

Paraphysique de l'autorité A08 12:11AM

Two Podcasts on fbi corruption A06 10:13PM

Fbi assassins assault & try to kill DAVID ATKINS A06 7:29PM

EPA Head Scott Pruitt: Of Cages And Sirens A06 2:15PM

The Shortwave Report 04/06/18 Listen Globally! A05 4:25PM

More Breaking News...
© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy