Huling Pahimakas sa Obispo ng mga Anak-Pawis

by Arturo P. Garcia Sunday, Oct. 15, 2006 at 12:41 AM
prinzcut276@hotmail.com 213-241-0906

Alay kay Obispo Alberto Ramento, alagad ng kapayapaan at Obispo ng mga Anak-Pawis, sa paghahatid sa kanyang huling hantungan-- Arturo P. Garcia , Oktubre 12, 2006

by Arturo P. Garcia Friday, Oct. 13, 2006 at 6:27 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Ave. Los Angeles, CA 90026


Huling Pahimakas sa Obispo ng Anak-Pawis


Madaling mangaral, ngunit
mahirap gawin ito,
Madaling magdasal lalo na
Para sa sarili at hindi para sa iba,
Madaling maging alagad ng diyos,
Ngunit mahirap magpakatao,
Madaling magmisa sa loob ng simbahan,
Mas mahirap na makihalubilo sa mga anak-pawis,
Madaling magsuot ng tiara, ng mga abubot
Ng karangyaan at luho ng simbahan,
Ngunit mahirap ipamigay ang saplot
Sa mga walang damit at nagugutom

Ngunit lahat iyan ay ginawa mo.
Ninais mo ng kapayapaan at sinabuhay mo ito,
Naging pastor ka ng mga magsasaka at mangagawa,
Sa gitna ng tubuhan at ng dambuhalang sentral,
Ano pa ang mananakaw nila sa iyo?

Dala mo ang respeto ng masa,
Ang pag-asa at dalamhati nila.
Ang tanging alay nila sa iyo
Ay mga panalangin
at taus-pusong pasasalamat,

Mahal na obispo ng mga anak-pawis
Obispo Maximo Alberto Ramento:
sa iyong paglisan,
ang tanging pabaon naming
ay taal at dalisay na pag-ibig
Na iyong itinanim:
Isang panatang magpapatuloy kami
Sa pakikibaka upang matamo ang tunay,
Pangmatagalan at ganap na kapayaan,
Panlipunang pagbabago
At pambansang kalayaan
Sa iyong bayang naiwan

Oktubre 12, 2006