Kalabasa sa eskwela, dulot ng kahirapan! -- KADAMAY

by Pesante-USA/AJLPP Wednesday, Jul. 19, 2006 at 9:16 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Dulot ng kagutuman at kahirapan ang papalubhang performance sa pampublikong elementarya kasama ang papataas na bilang ng dropouts ayon kay Carmen "Nanay Mameng" Deunida, Tagapangulo ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY

BALITA

Hulyo 18, 2006


Kalabasa sa eskwela, dulot ng kahirapan! -- KADAMAY

Dulot ng kagutuman at kahirapan ang papalubhang performance sa pampublikong elementarya kasama ang papataas na bilang ng dropouts ayon kay Carmen "Nanay Mameng" Deunida, Tagapangulo ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY).

Ayon sa pag-aaral ng Department of Education (DepEd), dulot ito ng mga problema sa kalusugan ng mga estudyante na resulta naman ng kawalan ng rekurso at kakulangan sa medical personnel. Sa rekord ng DepEd, ang ratio ng medical personnel ay 1 doktor kada 70, 500 estudyante, 1 dentista para sa 18,000 estudyante at 1 nars kada 4, 830 estudyante.

"Bukod dito, lalo lamang lumalala ang kahirapan sa bansa sa ilalim ng mga polisiya ng tsunano sa Malakanyang. Pinepeke lamang niya ang datos ng kahirapan tulad ng pagkapeke ng pagkapangulo niya. Sabi ng kanyang gobyerno, kelangan lamang ng P33.72 kada araw ng isang Pilipino para hindi maging mahirap at sa NCR raw kelangan lamang ng P45.86 kada araw. Pero sa mahal ng bilihin ngayon, iba ang sinasabi ng sikmura ng mga Pilipino sa sinasabi ng kanyang mga estadistika," giit ni Deunida.

Ayon pa kay Deunida, bumaba lamang ang datos ng kahirapan mula 33% noong 2000 patunggong 30% noong 2003, hindi dahil sa pagkaunti ng mahihirap na tao kundi sa redepinisiyon ng kahulugan ng kahirapan sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

Sinabi rin ng lider-maralita na bukod sa kawalan ng trabaho at mataas na implasyon, napakababa pa ng badyet ng gobyerno para sa panlipunang serbisyo tulad ng edukasyon at kalusugan. Sa katunayan, nasa ika-60 ang Pilipinas sa usapin ng pagtustos sa kalusugan at iba pang serbisyo ayon sa isang pag-aaral.
Tinatayang tatlo sa 10 bata na edad 6-10 ang underweight habang 65% naman ng batang edad 6-12 ang iodine-deficient. Nagreresulta ito sa 13.5 point kabawasan sa Intelligence Quotient (IQ) ng bata.

"Paanong mapagtutuunan ng pansin ng mga kananayan ang kalusugan ng mga anak kung walang naisip ipakain ang gobyernong ito sa bayan kundi noodles at sardines. Iyon lamang ang kayang bilhin sa gitna ng mababang pasahod at talamak na kawalan ng trabaho. Wala ring pagpipilian ang mga bata kundi mag-drop out lalo't dinedemolis ang mga tahanan at kaming maralita ay laging kapos sa pagkain at para sa pagpapaaral sa mga anak," galit na sambit ni Deunida.

Muling inirehistro ng batikang lider-maralita ang paniningil ng maralitang tagalungsod sa darating na State of the Nation Address (SoNA) ng Pangulo sa Hulyo 24 para singilin ito sa

papalalang kahirapan at demolisyon. ###