Ang Kahalagahan ng World Refugees Day Sa Pilipinas

by Vener Malabanan Wednesday, Jun. 21, 2006 at 9:08 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Kasama ang Pesante sa paggunita ng World Refugees Day , June 20. Nangangamba ito sa pagdami ng internal refugees sa Pilipinas sa pagpapatindi ni GMA ng pasismo laban sa masang Pilipino



Ang Kahalagahan ng World Refugees Day Sa Pilipinas



Los Angeles- Kasama ang Pesante-USA bilang isang organisasyong nagtataguyod ng karapatang pantao at ng mga magsasaka sa Pilipinas sa paggunita ng buong daigdig sa araw ng mga pinalikas o World Refugees Day ng United Nations, ngayong Hunyo 20.

Ayon sa UN, sa ngayon may 15 milyong refugees sa buong mundo. Ito ay dahil sa mga digmaan, digmaang sibil, mga away ng mga tribo, digmaang relihiyoso at iba pa. Ngunit maliiit ang bilang na ito kung tutuusin at kakarampot sa mga paparaming biktima ng imperyalistang pananakop. Halimbawa, sa Iraq lamang, sa pananalakay ng mga tropang US, ilang daang libo na angpinalikas sa bayan ng Baquba at Ramadi.

Kaya halatang-halata na sa pagggunita ng araw na ito, tinatakpan ang papel ng mga imperyalistang bansa na nagtataguyod ng “War on Terror” na siyang pangunahing dahilan ng pagdami ng mga refugees sa lahat ng mundo.

Mahalaga sa Pilipinas ang bagay na ito dahil ang kasalukuyang rehimeng Arroyo ay handang lumikha ng maraming refugees sa loob ng bansang Pilipinas (internal refugees) sa bantang patinding ang gyera laban sa NPA at iba pang grupong sa kanya ay terorista.

Kailangan niyang gumawa ng banta, magtukoy ng kaaway at ikasa ang AFP at PNPang kampanya ng panunupil at magbuo ng mga mamamatay tao upang panatilihin ang kanyang paghahari sa loob ng susunod pang mga taon.

Si GMA ang bagong Marcos at malapit pa nga niyang higitan ang madugong rekord ng pasistang diktador sa pasistang karahasan. Kung si Marcos ay mga “secret marshals” at may Col.Abadilla, Aure at Aguinaldo na mga mamamatay tao, si GMA naman ay may Palparan, Tolentino, Cabuay na nagpapatupad ng pagpatay estilong “bonnet gang” na nakamotorsiklo.

Maasahan natin na dadami ang mga magsisilikas sa mga baryo patungo sa mga sentro tulad noong martial law at noong panahong isinuong ni Cory Aquino at Joseph Estrada ang mga gyera laban sa kapwa nila Pilipino. Ilang milyon ang nagsilikas noon at sa pagtindi ng pasismo at militarisasyon , ibayong paghihirap pa ang haharapin ng masang Pilipino.

Original: Ang Kahalagahan ng World Refugees Day Sa Pilipinas