Pesante-USA-- Pagpatay Kay Sotero Llamas, Kagagawan ng Rehimeng US-Arroyo-

by Vener Malabanan Thursday, Jun. 01, 2006 at 11:40 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Ave. Los Angeles, CA 90026

Pataksil na pinatay isang grupo ng mamamatay tao si si Sotero Llamas ng Bicol ng walang kalaban-laban. Isang malaking karuwagan na naman sa ngalan ng nagpapatuloy na kampanya ng terorismo ni Gloria Macapagal-Arroyo ang itinalang krimen ng pangkating Ermita-Gonzales-Senga-Lumibao laban sa sambayanan..

Pesante-USA-- Pagpatay Kay Sotero Llamas, Kagagawan ng Rehimeng US-Arroyo-

Los Angeles—Pataksil na pinatay isang grupo ng mamamatay tao si si Sotero Llamas ng Bicol ng walang kalaban-laban. Isang malaking karuwagan na naman sa ngalan ng nagpapatuloy na kampanya ng terorismo ni Gloria Macapagal-Arroyo ang itinalang krimen ng pangkating Ermita-Gonzales-Senga-Lumibao laban sa sambayanan..

Ibinibintang na naman ng rehimen at ng militar nito ang pagpatay kay Llamas laban sa NPA at laban sa grupo ng rebeldeng militar sa ilalim ni Gringo Honasan.

Kulang na lamang sabihin nilang pinatay ng biktima ang sarili sa kanilang kampanya ng paninira laban sa demokratikong kilusan. ??Walang pagsidlan ng kawalang-hiyaan ang rehimeng ito na isinusuka ng taumbayan.

Walang maasahang katarungan sa ilalim ng rehimeng US-Arroyo. Kung hindi nito maaming may kakulangan ng silid aralan na simpleng bagay na alam ng lahat, lalo nitong hindi matatanggap ang katotohanang ang kanyang military at pulisya ang mga mamamatay tao tulad ng mga pasistang kriminal noong panahon nina Marcos at Aquino. ??Ang pagpatay kay Sotero Llamas ay kapwa banta at patunay na hindi na makapaghari sa lumang paraan ang rehimeng Arroyo at gagamit ito ng kamay na bakal durugin ang anumang oposisyon laban sa kanyang pangungunyapit sa kapangyarihan. Ngunit hindi nila matatakot pa ang sambayanan.A ng kamatayan ni Sotero Llamas ay lalo lang magmumulat sa kanila na lumaban at igiit ang kanilang karapatan.

Ipinahayag ni Vener Malabanan ang pakikiramay ang Pesante-USA sa mga naulila at kaanak ni Ka Teroy. Bilang isang kasama sa First Quarter Storm ng 1970 sa Bicol.Kahanay na siya ng mga dakilang kasama na nagbuwis ng buhay para sa sambayanan tulad nina Amor Espinas, Francisco Portem, Ruben at Romulo Jallores, Bodjie Jimenes, Cezar Gavanzo, Mayor Johnson So, Dr. Juan Escandor at iba ang martir ng kilusan at mga dakilang anak ng Kabikulan.

Isa si Ka Teroy sa mga nagpundar ng kilusang magsasaka sa Bicol at nagsulong ng armadong pakikibaka sa matagal na panahon. Sa katunayan, isa siya sa mga kasamang nanatili sa kanayunan ng matagal na panahon habang ang ibang mga kasama ay naglagi sa kalunsuran at doon na nanatili, ??“Malaki rin ang naiambag niya sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan mula noon 1986. Katulad ni Ka. Roger, kinatawan ni Ka. Nognog ang NDF sa usapan lalo nang siya ay madakip noong 1995.

Kaya't malayong-malayo na hangarin ng mga kasama sa pakikibaka ang anumang masama laban kay Ka Teroy. Kaya ang karumaldumal na krimeng ito ay patunay lamang na walang awa ang pasistang rehimeng-Arroyo at ang kamatayan ni Ka Teory bilang ika 605 na biktima ay dugo sa kamay ni Arroyo na kanyang pagbabayaran ng mahal sa hinaharap, ” pahayag ni Malabanan. ?

Hunyo 1, 2006

Original: Pesante-USA-- Pagpatay Kay Sotero Llamas, Kagagawan ng Rehimeng US-Arroyo-