PAHAYAG NG PESANTE-USA HINGGIL SA PAGPATAY KAY SOTERO LLAMAS

by Vener Malabanan Thursday, Jun. 01, 2006 at 12:30 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

pinahayag ni Vener Malabanan ang pakikiramay ang Pesante-USA sa mga naulila at kaanak ni Ka Teroy. Bilang isang kasama sa First Quarter Storm (FQS) ng 1970 sa Bicol kasama nina Amor Espinas, Romulo at Ruben Jallores, Bodjie Jimenez, Francisco Portem, Cezar Gavanzo, Juan Escandor, Mayor Johnson So at iba ang martir ng kilusan, isa siya sa mga nagpundar ng kilusang magsasaka sa Bicol at nagsulong ng armadong pakikibaka sa matagal na panahon.Ngunit ang tao at ang bayan ngayon ay lumalaban. Ang pagpatay sa may 225 na aktibista mula noong 2005 ay mga baga sa apoy ng pakikibaka ng masa tungo sa ganap na kalayaan at demokrasya. Ibaling ang pamimighati sa rebolusyonaryong katatagan!

PAHAYAG NG PESANTE-USA HINGGIL SA PAGPATAY KAY SOTERO LLAMAS AT SA MADUGONG KAMPANYA NG TERORISMO NG REHIMENG US-ARROYO

Los Angeles—Hindi pa man natutuyo ang dugo ng pinatay na si Noli Capulong ng Laguna, walang pakundangang pinatay ng mga berdugong militar si Sotero Llamas ng Bicol sa nagpapatuloy na kampanya ng terorismo ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang masakit, ibinibintang na naman ng rehimen at ng militar nito ang pagpatay kay Llamas laban sa NPA, laban sa grupo ng rebeldeng militar sa ilalim ni Gringo Honasan. Kulang na lamang sabihin nilang pinatay ng biktima ang sarili sa kanilang kampanya ng paninira laban sa demokratikong kilusan.

Walang pagsidlan ng kawalang-hiyaan ang rehimeng ito na isinusuka ng taumbayan. Sa harapan mismo ng media, nagalit si Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang pansamantalang kalihim sa edukasyon ng sabihin nito ang katotohanang “ may kakulangan ng mga silid aralan sa pasukan.” Ito ang totoo kaya siya nagalit. Galit siya sa katotohanan at tuwang-tuwa sa kasinungalingan!

Kitang kita ang katarayan at pagiging nuno ng sinungaling ni GMA. Kaya nga ano pa ba ang maasahan sa kanyang mga alagad kundi ang maglubid ng kasungalingan

Walang maasahang katarungan sa ilalim ng rehimeng US-Arroyo. Kung hindi nito maaming may kakulangan ng silid aralan na simpleng bagay na alam ng lahat, lalo nitong hindi matatanggap ang katotohanang ang kanyang military at pulisya ang mga mamamatay tao tulad ng mga pasistang kriminal noong panahon nina Marcos at Aquino.

Ang pagpatay kay Sotero Llamas ay kapwa banta at patunay na hindi na makapaghari sa lumang paraan ang rehimeng Arroyo at gagamit ito ng kamay na bakal durugin ang anumang oposisyon laban sa kanyang pangungunyapit sa kapangyarihan.

Pagpupugay

Ipinahayag ni Vener Malabanan ang pakikiramay ang Pesante-USA sa mga naulila at kaanak ni Ka Teroy. Bilang isang kasama sa First Quarter Storm (FQS) ng 1970 sa Bicol kasama nina Amor Espinas, Romulo at Ruben Jallores, Bodjie Jimenez, Francisco Portem, Cezar Gavanzo, Juan Escandor, Mayor Johnson So at iba ang martir ng kilusan, isa siya sa mga nagpundar ng kilusang magsasaka sa Bicol at nagsulong ng armadong pakikibaka sa matagal na panahon.

“Malaki rin ang naiambag niya sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan mula noon 1986. Katulad ni KA Roger, kinatawan ni Ka. Nognog ang NDF sa usapan lalo nang siya ay madakip noong 1995. Kaya't malayong-malayo na hangarin ng mga kasama sa pakikibaka ang anumang masama laban kay Ka Teroy. Kaya ang karumaldumal na krimeng ito ay patunay lamang na walang awa ang pasistang rehimeng-Arroyo at ang kamatayan ni Ka Teory bilang ika 605 na biktima ay dugo sa kamay ni Arroyo na kanyang pagbabayaran ng mahal sa hinaharap, ” pahayag ni Malabanan.



Paggunita sa Ika-25 taon ng pagpatay kina Gene Biernes at Silme Domingo ng Seattle sa panahong ni Marcos.

Malungkot na sa paggunita ng ika-25 taong pagkamatay nina Gene Biernes at Silme Domingo nitong Hunyo 2006, ay nataon din sa kamatayan ni Sotero Llamas.

Katulad ng terorismo ni Arroyo, noong panahon ni Marcos umabot ito sa sukdulan sa pagpatay sa dalawang aktibistang mangggawa sa Amerika, kina Gene Biernes at Silme Domingo ng Seattle noong Hunyo 1981 ng mga ahente ni Marcos sa baliw nitong hangaring wasakin ang oposisyon sa U.S..

Sa ika-25 taong anibersayo ng kanilang pagkamartir, dapat lamang gunitain at ipaalala ng Pesante-USA sa mga mamamayang Pilipino sa Amerika na hindi tayo ligtas sa mga karumladumal na krimen ng pasistang rehimeng Arroyo. Dapat tayong lalong maging mapagmtatyag, atkibo at militante sa paglaban sa lantarang pasismo ng mamatay taong pangkating Ermita-Gonzales na nagdidirehe ng mga pagpatay na ito sa Pilipnas.

Ngunit ang tao at ang bayan ngayon ay lumalaban. Ang pagpatay sa may 225 na aktibista mula noong 2005 ay mga baga sa apoy ng pakikibaka ng masa tungo sa ganap na kalayaan at demokrasya.

Ibaling ang pamimighati sa rebolusyonaryong katatagan!



MAKIBAKA, HUWAG MATAKOT!

Mayo 31, 2006

Original: PAHAYAG NG PESANTE-USA HINGGIL SA PAGPATAY KAY SOTERO LLAMAS