Pahayag ng JFAV para sa Martsa ng

by Jack Vergara Saturday, Apr. 15, 2006 at 11:20 PM
jfav_causa@yahoo.com (213)241-0995 1610 Beverly Blvd. Los Angeles, CA 90026

Justice for Filipino American Veterans (JFAV) wrote this press release in Pilipino ( Tagalog for the benefit of the Filipino community who has more than 800,000 TNTs or undocumented persons in the U.S)commends the youth and students April 15 March for fighting for Full Immigrant Rights. Asa marginalized and a sector that is victimized by racism and discrimination, JFAV express support for full immigrants rights- nothing less!

JUSTICE FOR FILIPINO AMERICAN VETERANS (JFAV)

Los Angeles, California

PAHAYAG SA MIDYA

Abril 15, 2006

Kontak: Jack Vergara, JFAV (213) 241-0995

Pahayag ng JFAV para sa Martsa ng

Kabataan-Estudyante sa Abril 15

Sa ngalan ng Justice for Filipino American Veterans (JFAV), ipinagkakapuri naming ang magiting na martsa ng mga kabataan at estudyante ngayong Abril 15 sa Los Angeles. Mahusay na sinusuportahan nila ang makatarungang pakikibaka ng mga imigrante lalo na ang mga TNT na Pilipino na magkaroon ng ganap na karapatan na dapat lamang mapasakanila.

Dumating kaming mga beterano dito sa akalang kami ay mga American Citizen. Iyon pala kami ay hindi kinikilalang beterano ng Amerika kaya mas mababa ang tulong na aming natatanggap. Wala kaming pensyon. Kinakailangan pang makipaglaban kami para magkaroon ng mga benepisyo sa paglilibing, sa kalusugan at sa pag-uwi ng aming SSI pabalik ng Pilipinas.

Mas mahirap ang kalagayan ng may higit sa 800,000 TNT galing ng Pilipinas. Sila ay sumusuweldo ng mas mababa. Wala silang insurance, walang benepisyo sa kalusugan at iba pang bagay. Hindi lamang ito, napakatagal ng paghihintay para sa mga napetisyon na kamag-anak mula sa Pilipinas.

May 70,000 lamang ang pinapayagang magkaroong ng visa taun-taon. Hindi pinapatupad ng gobyerno ang sarili nilang batas – ang Family Reunification Act. May higit sa limang milyon ang nag-aplay para sa visa sa US Embassy sa Maynila.

Ang mga kabataang estudyante ang unang-unang sumuporta sa aming pakikibaka mula pa noong 1993. Patuloy silang walang maliw na sumusuporta at nakikibaka kasama naming mula nang itayo ang JFAV noong 1998. Sila pa rin ang magtutuloy ng aming pakikibaka na halos 60 na taon na ang tagal. Iilan na lamang kami. May 11,000 ang naiiwang beterano ng World War II ay naririto sa Amerika mula sa may 30,000 noong 1991. Ngunit di kami titigil hanggang hindi natin nakakamit ang ganap na tagumpay.

Lubha naming ikinalulugod na lumalakas ang pakikibaka para sa karapatang pantao at sibil – ang karapatan ng mga imigrante para sa ganap na amnestiya. Wala silang krimen na ginawa. Hindi krimen ang maghangad ng maalwang pamumuhay, buhayin ang sarili at pamilya at maghangad ng ganap na karapatan bilang isang tao.

Lubhang manapiil at dapat ibasura ang HR 4437. Hindi tayo papayag sa anumang batas na magpapatagal ng karapatan ng mga imigrante. GANAP NA KARAPATAN ang ating kahilingan. AMNESTIYA – GANAP NA KARAPATAN PARA SA MGA TNT AT LAHAT NG IMIGRANTE!

MABUHAY ANG MGA ESTUDYANTE AT KABATAAN AT ANG MARTSA NG ABRIL 15!

GANAP NA KARAPATAN PARA SA LAHAT NG TNT AT IMIGRANTE SA AMERIKA! #

Original: Pahayag ng JFAV para sa Martsa ng